Chapter 12 : Gala

145 6 0
                                    


Alexandra's POV

Hiii~

Busog na busog ako ngayon alam nyo ba yooonn? Kakakain ko lang ng shawarma! Like OMG nakakainlove yung lasa nya. Dito ako pumunta sa shawarma place after kong mag-walk out. Nakakaimbyerna itong si Kryshia. Napaka-bait jusko.

"Bill!" Sigaw ko sa waiter saka itinaas ang kamay ko. Pumunta naman sya sa akin saka binigay sakin kung magkano ang babayaran ko. "Oh? Bakit paid na? Hindi pa po ako nagbabayad ngayon palang." Sabi ko dahil may marka nang paid and nakain ko.

"Ma'am? Yung boyfriend nyo po yata yung nagbayad." Sagot nya sa akin.

Boyfriend daw? Putek hindi ba halatang single ako!?

"Boyfriend? Nako, kuya wala po akong gano'n. Tsaka hindi ba halata? Pumasok ako dito ng mag-isa. Kung may boyfriend ako, edi dapat kasama ko na?" Sabi ko sabay irap. Nilabas ko naman ang wallet ko. "Ito yung bayad. At sino namang magbabayad nyan para sa akin?"

"Ako." Napalingon ako sa likod ng waiter.

O.O?

Parang nakita ko na sya somewhere. Pero hindi ko maalala kung saan. Iniwan na kami nung waiter doon at binalik nya sa akin ang pera ko.

"Uhh hi?" Sambit ko pagkaupo nya sa harap ko. I suddenly feel uncomfortable.

Natawa sya. "Hindi mo ako naaalala?" Lumiit ang mga mata ko. "Hindi na nga."

"Sorry." Napakamot ako sa batok ko sa kahihiyan. Saan ko sya nakita? At anong pangalan nya? "Parang nakita na kita somewhere."

Inilahad nya bigla ang kamay nya sa akin.

"Matthew Gonzales. And you're Alexandra, right?"

"Paano mo ako naaalala?" Sambit ko bigla after namin mag shake hands.

"Nakita din kita sa kasal nila Drake. Kaibigan ko sya, remember? And kaibigan ka rin ni Kryshia?" Tanong nya sa akin.

"Y-yes."

"Wag ka nang mahiya. Para namang ito ang first time mo na makita ako." Natawa sya ulit. He's handsome. Super handsome. Maputi rin sya. Matangos ang ilong nya and hindi naman sobrang singkit ng mga mata nya. And yung labi nya. Pinkish. Malambot ba iyan?

"Hey." He snapped his fingers in front of me. Shet. Ilang minutes na akong nakatitig sa kanya? Natawa sya dahil doon.

"I'm sorry." Sabi ko saka yumuko. Really, Alex? Napaka-pabebe mo naman yata ngayon? Nag-angat ulit ako ng tingin nang maalala ko yung bill. "Yung bill. Hindi mo na dapat binayaran iyon. Kaya ko namang bayaran iyon." Sambit ko.

"No. Ako nang bahala. Kaibigan ka ng asawa ng kaibigan ko, eh." Sagot nya.

So?

"Nako, h-hindi na---"

"Okay na yon. Tapos na eh."

"Babayaran nalang kita."

"Hindi na nga. Okay na yon. Don't worry hindi naman kita sisingilin. I'm not that kind of person." Sabi nya ng nakangiti. Tumayo sya kaya tumayo na rin ako. "So, magkikita pa ba tayo?"

"E-ewan ko." Sagot ko nalang.

"I hope we are." Sabi nya saka naglakad ng konti. "It's nice to see you again, Alexandra."

"Ahh me too. Alex nalang."

"Sige, Alex. Salamat." Nginitian nya ako saka sya umalis.

I sighed. Hoo! Gwabe yon ah! Tsk.

Kryshia's POV

[The next day]

Phone rings...

Married to the Bad BoyWhere stories live. Discover now