1st Step: I'd Rather Not

14.4K 354 25
                                    

I AM HOLDING onto the last among all the straws I've been keeping a hold for the past days

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I AM HOLDING onto the last among all the straws I've been keeping a hold for the past days. Ignoring the disgusting murmurs from people around me, I manage to put on a small smile on my lips.

Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng kapwa ko estudyante sa 'kin. Kitang-kita ko rin kung papaano sila bumulong sa isa-t-isa habang tinitingnan ako.

If only my ears got an on and off switch, so I would be able to choose what arguments I am going to listen to. But it doesn't have any. And it's. . . sad.

Nalusaw ang tipid kong ngiti.

Nilingon ko ang mga taong nasa paligid. Isa-isa silang tinitigan. Matalim, at sinigurado ko na tatagos 'yon sa kalamnan at mga buto nila.

Nagsusumigaw ang matalim kong titig ng mga katagang 'Bitch, you shut the hell up'.

Pero natigil ako dahil sa isang tikhim na narinig mula sa likuran ko.

"Tabi." It was a familiar voice. From someone I do recognize.

I turned around and met his gaze. It was so cold like the midnight sea breeze. I held his stare, nearly hugging myself as I felt the tension. His pitch black eyes bore on me, that I had to blinked twice and scold myself for seconds just to keep a hold of my rational thoughts.

I almost failed in keeping my mind straight. My entire attention─on Heiro. Solely on him. I nearly lost my senses.

Natuod ako sa kinatatayuan. Hindi nakakilos, hindi man lang nakapagsalita.

Kailangan kong huminga man lang.

Pumikit ako at humugot ng hangin para makahinga. Nang buksan ko ang mata, kunot-noo na siyang nakamasid sa akin.

Naging madrama sa paningin niya ang ginawa kong paghugot nang malalim na hininga.

"You're blocking my way."

"Let's talk," naibubulas ko habang hindi magawang magbaba ng tingin. "Please, Heiro."

Tumitig siya sa akin nang mahigit isang minuto. Pagod ang mga mata pero nagmamatigas pa rin, ayaw pa rin na makipag-usap. Matiyaga naman akong naghintay sa kanyang sagot. Inabangan ang unang salita na sasabihin niya.

Natulala ako nang katahimikan mula sa aming dalawa at bulungan lang sa paligid ang naririnig ko.

Fuck this shit.

"Heiro. . . let's talk. Kausapin mo na ako, please."

Pagod ulit siyang tumitig sa akin. Pero hindi pa rin ako pinanghinaan ng loob. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya. Sa kanya lang. Kaya maski ang pag-ayos niya sa kanyang backpack na nakasukbit sa isa niyang balikat ay napansin at nakita ko.

Agad akong na-alarma nang humakbang siya sa kanang parte nang kinatatayuan ko. Bago pa ako makakilos ay nagawa niya nang maglakad paalis─palayo sa akin.

A Step Closer #Wattys2020WinnerWhere stories live. Discover now