4th Step: Dumped

8.8K 270 31
                                    

TUMAKBO AKO para lang maabutan si Heiro

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TUMAKBO AKO para lang maabutan si Heiro. Ang bilis niya maglakad at napapatanong na lang ako kung paano niya iyon nagagawa. Ah, yes. Perhaps I could blame his athletic and firm legs. Pero sa pagkakaalam ko, swimming is the only sport he's interested in. Baka sinubukan na rin niya ang iba─iyong may kinalaman sa foot work, hindi ko lang alam.

"Buti't naabutan kita." Mabilis kong hinabol ang hininga ko habang nagpapatuloy pa rin sa paglalakad. Nasa tabi ko na siya at magkasabay na kaming dalawa. Hindi ko napigilang mapangiti.

Maingay ang mga estudyante na nasa corridor ng building namin. Halos nagsisigawan na sila kahit na magkaharap lang naman habang nag-uusap. Nakita ko ang pagtitig sa amin ng i-ilan. Dahil ba magkasabay kami ni Heiro habang naglalakad? Ano naman ang pakialam nila?

I sighed when I realize something. Wala silang pakialam sa akin, pero kay Heiro, meron.

Tumikhim ako at pasimple siyang nilingon sa tabi ko. His eyes were focused in front of us. Naglapat ang mga labi ko at tahimik na lang na nakisabay sa kanya.

Ilang saglit ay napapansin ko na ang pagbilis niya sa paglalakad. Malaki ang mga hakbang niya at kailangan kong humakbang ng dalawang beses para lang masabayan iyon.

Nang hindi ko na nakayanan, hinawakan ko siya sa braso para matigil na siya sa paglalakad. Nilingon niya ako. Magtititigan na lang ba ulit kami?

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag," pagsisimula ko. Pero hindi ko inaasahan na hahawakan niya ang kamay ko matapos sabihin 'yon.

Hinila niya ako at napalunok nang nanuyo ang lalamunan ko. Nanlalaki ang mga mata ko at sigurado akong nakikita 'yon ng lahat na nakatingin sa amin.

Malapad na rin ang ngiti ko. Kung pwede lang at hindi magtataka si Heiro, siguro napapahagikhik na ako kanina pa.

Is this finally the chance that I've been asking? Hahayaan niya na ba akong makapagpaliwanag at makapagsorry sa ginawa kong pambibintang noon?

Sinimulan ko nang ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga sasabihin ko mamaya. Mula sa pinakauna hanggang sa pinakahuli, pero alam ko na kapag nakatitig na ako sa mga mata niya, makakalimutan ko rin ang lahat nang pinaghandaan ko. Bahala na.

Sasabihin ko na lang ang mga dapat kong sabihin na hindi ko nasabi noon.

Unti-unting gumaan ang pakiramdam ko. Nang nakarating kami sa classroom, nakatingin sa amin ang lahat. Ngumiti lang ako pero itinatago ang inis. Ano na naman ba ang sasabihin nila tungkol sa akin ngayon?

Naghintay ako na makarinig ng mga puna nila mula sa makikitid nilang mga utak. Hindi ko nilalahat, pero may mga tao talagang gano'n.

Nang wala ni isang nagsalita, payapa akong nagbaba ng tingin mula sa kanila. Nilingon ko si Heiro. Ibinuka ko ang bibig para magsalita pero nakita ko ang pagbitiw niya sa kamay ko. Umupo siya sa upuan na nasa 'di kalayuan. Sumunod ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa kanyang tabi. Akala ko ba medyo okay na kami? Pero hindi pa rin siya nagsasalita.

A Step Closer #Wattys2020WinnerWhere stories live. Discover now