3rd Step: Someone Weird

9.6K 286 33
                                    

INIS KONG IDINILAT ang mga mata ko nang hindi ko talaga magawang makatulog

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

INIS KONG IDINILAT ang mga mata ko nang hindi ko talaga magawang makatulog. Tumitig ako sa kisame nang maliit kong apartment. Nang nabored ulit, bumangon ako at nag-indian sit sa maliit kong kama.

Nilingon ko ang bedside table kung saan nakalagay ang alarm clock ko. It's nine-thirty in the evening. Kailangan kong matulog nang maaga para 'di ako maging bangag bukas. Pero heto't gising na gising ako.

Wala namang dahilan para manatili akong gising. Bukod sa nangyari kaninang umaga, wala nang ibang paulit-ulit na sumasagi sa isip ko.

". . . these books aren't published under the years 2008 up to this year. 1996 pa nang naipublish ang librong 'to, 1998 naman 'to." Mababakas ang inis sa boses ni Heiro nang nilingon niya ako at mabilis na kinuha ang hawak kong libro. Matapos gawin 'yon, binalingan niya si Braire. "Sinabi sa atin na recent published calculus books ang gagamiting references. Maghanap tayo ng iba, Braire. 'Wag ang mga 'to."

Nalukot ang mukha ko. Isa-isang tiningnan ni Braire ang mga libro. Nakita ko ang dahan-dahan niyang pagtango.

Nilingon niya ako. Malungkot lang akong ngumiti. "Mga recent published calculus books pala ang kailangan niyo. Hindi ko alam. . . wala rin naman kasing nagsabi."

"Hindi ka rin naman nagtanong," sabi ni Heiro.

Nagtagis ang mga ngipin ko. Hala, aba't ako pa ngayon ang may kasalanan?

"Sorry, Aeyzha. Kami na lang siguro ang maghahanap. Maraming salamat sa tulong," sabi ni Braire sa akin.

Tumango na lang ako at bastang tumalikod. Umirap at nagmake-face para inisin sana si Heiro pero ang totoo, ako ang inis ngayon. Ang lakas ng loob niya ha. Tinutulungan ko na nga siya at ang mga kasama niya tas ganun pa ang sasabihin niya? Wow, talaga.

Bumalik ako sa counter, kinuha at binuklat ang librong iniwan ko ro'n kanina. Hindi ko na pinansin ang nangyayari sa paligid. Wala na rin akong pakialam kahit na paulit-ulit na akong tinatawag ng mga kasama niya sa malayong mesa. Hindi ako nakinig. Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagbabasa.

Matapos ang mahigit 15 minutes, nag-angat na ako ng tingin. Alam ko pa rin naman ang mga nangyayari kahit na nakikinig lang ako kanina.

Nahagip ng paningin ko si Heiro. Busy na siya sa pakikipag-usap sa mga kasama niya. At nalaman ko na hindi lang niya 'yon bastang mga kasama lang. Mga bagong kaibigan niya iyon.

'Di na rin ako nangulit pa. Kahit inis ako, ipinagkibit balikat ko na lang 'yon. Bumalik na sina Mrs. De Villa. Kasama nilang dumating sina Lily, Keila at Jean na katulad ko ay mga S.A. rin.

Matapos naming mag-usap ng mga ilang minuto, sila na ang pumalit sa akin. Nalate lang sila nang pagpunta sa library pero magkapareho ang oras ng duty naming apat. Nagpaalam na ako na papasok na sa mga natitira kong klase sa hapon. Matapos ang mga 'yon, umuwi na ako sa inuupahan kong maliit na apartment.

A Step Closer #Wattys2020WinnerWhere stories live. Discover now