2nd Step: Libro

10.5K 325 33
                                    

MAHIGIT ISANG ORAS ko nang hinihintay na tumunog ang bell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAHIGIT ISANG ORAS ko nang hinihintay na tumunog ang bell. I'm no good in multi-tasking but I managed to. . . I guess. Nakinig ako sa lecture, sumasagot sa recitation, sumusulyap sa banda kung saan siya nakaupo at syempre tipid na ngingiti.

Nagtama ang mga mata naming ni Heiro kanina. Inabot rin ng ilang segundo. Binilang ko. Ten seconds... But he was the first one to turn away. Pagkatapos, hindi na uli siya tumingin sa banda ko.

Napasandal ako sa upuan ko at sumulyap sa wrist watch ko. I already lost count of how many times I did glance at it just to check the time. Ilang minuto na lang at tutunog na ang bell. Hindi pa naman ako naiinip.

Nagbigay na ng final instructions ang Professor namin para sa activity bukas. Napangiti ako at nakinig. Hinahanda na ang sarili.

Lumipas ang dalawang minuto.

"Yes," mahina kong bulong sabay tayo sa upuan ko. Ganun din ang ginawa ng lahat. Lumabas na ng classroom si Prof Emily kaya umingay na ang paligid. May mga umalis na pero ang i-ilan ay nag-aayos pa ng gamit.

Mabilis ang mga hakbang ko palapit kay Heiro. "Hi," nakangiti kong bati sa kanya. May lakas na loob na ulit. Na parang walang nangyaring pagbalewala niya sa akin kanina.

Tamad siyang tumayo mula sa pagkakaupo. Kinuha ang kanyang back pack at isinukbit sa isang balikat. Tumitig siya sa akin─bored ang mga mata. Titig na parang sinasabi sa akin na 'hindi ka importante para paglaanan ko ng oras.'

Masakit.

Humakbang siya paalis pero hinarang ko ang daraanan niya. Ngayon na talagang magkaharap na kaming dalawa, hindi ko na hahayaan na magawa niyang makaalis nang hindi kami nakakapag-usap.

Humakbang siya pakaliwa. Hinarang ko siya. Humakbang siya pakanan. Hinarang ko ulit. Nababanas na siya. Alam ko. Tinitigan niya ako habang seryoso na ang mga mata. Hindi katulad kanina na bored lang at tamad kung tumitig pero nakakasakit pa rin ng damdamin.

"Aeyzha," he said. Oh, shiz. Pinigilan ko ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ko.

But he seems to be warning me. He wants me to stop and to just let him leave. Sinasabi ng mga mata niya na hayaan ko na siyang umalis. But I know I shouldn't. Napalunok ako nang makaramdam ng panghihina ng tuhod.

"K-kamusta ka na, Heiro?" tanong ko sa kanya. Nakipagtagisan ako ng titig sa seryoso niyang mga mata. Kung kilala niya talaga ako, alam niya na kung desidido akong gawin ang isang bagay, gagawin ko 'yon. Hindi ako susuko. Lalo na kung alam ko na sobrang mahalaga sa akin ang bagay na ipinaglalaban ko.

"Sumagot ka naman," saad ko ulit. Hindi ko inakala na manginginig ang boses ko. Mabilis akong lumunok. Binasa ang mga labi at kinagat ang sariling dila. Ilalaglag ako nito panigurado.

"Ha!" he said, then laughed in disbelief. "Ang lakas ng loob."

Yeah, perhaps my attitude sucks.

A Step Closer #Wattys2020WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon