Part 33

2.8K 119 1
                                    


NAGHAHANDA na si Marian para umuwi nang maulinigan niya ang pagparada ng isang sasakyan sa tapat ng punerarya niya. Nang dumungaw siya sa bintana ay nakita niya ang kotse ni Val. Nagtaka siya. Alas-onse na nang gabi. Kanina pa umuwi sina Ma-ne at Gigi at iba pa niyang crew. Siya na lang at si Atong na doon natutulog ang natitira doon. Tinapos lang niya ang trabaho kaya siya ginabi.

Bakit pumunta si Val nang walang pasabi? Hindi ito nagpadala ng sweet text messages sa kanya nang isang buong araw na iyon. Ni hindi niya nakitang nag-like ito sa Facebook status niya at hindi rin siya t-in-weet nito. Naisip niyang busy lang ito kaya hindi na niya pinagkaabalahang istorbohin ito. Baka naman sinadya nitong huwag magparamdam sa kanya para sopresahin siya sa pagpunta nito roon.

Napamulagat siya. OH-EM-GEE... Magpo-propose na ba ito sa kanya ng kasal? Iyon ba ang inihandang sopresa nito nang buong maghapon? Iibis ba ito sa mula sa kotse nito na may kasamang mga lobo at may bitbit itong banner na may nakalagay na "Marian, Will You Marry Me?" at mapapanganga siya habang nakadungaw sa bintana.

Medyo na-disappoint siya. Hindi kasi ganoon ang pinlano niyang marriage proposal nito para sa kanya. Gusto niya iyong katulad ng kay Olivia. Iyong wedding proposal sa billboard sa waiting shed sa EDSA. Nakakawasak ng ilusyon noong nalaman niyang isa lang pala iyong advertisement para sa isang condominium building. Pero gusto niyang maging totoo na iyon this time. Gusto niyang makita ang pangalan niya sa billboard sa waiting shed ng EDSA at tanungin naman ng mga taong tsismoso, "Who is Marian?"

Pero teka, bakit naman magpo-propose ng kasal si Val? Eh, hindi pa naman niya nobyo ito? Ang akala nito noong nanood sila ng sine noong Sabado ay sasagutin na niya ito. Sinabi niya rito na kaunti pang oras ang hinihingi niya. Gusto niya, kapag sinagot niya ito ay wala na talaga sa puso niya si Miguel at si Val na talaga ang gusto niya. Ito na lang.

Nang umibis mula sa kotse si Val ay kaagad itong tumingala sa bintana niya. Ngumisi ito at kumaway sa kanya. Nakahinga siya nang maluwang nang walang ilabas na banner ito. Hindi pa siya handang pakasalan ito kung sakali.

"Hi, baby!" bati nito. "Puwedeng pumasok?"

"Gabi na, Val. Sana kanina ka pa pumunta."

"Please? Sandali lang naman, eh. May sasabihin lang ako sa 'yong importante." Pinagdikit nito ang mga palad na para siyang dinadasalan. "Please?"

Bumuntonghininga siya. "Sige na nga. Sandali lang."

Sumilip siya sa pinto ng opisina niya at tinawag si Atong para utusan itong buksan ang pinto para kay Val. Hindi sumasagot ito. Inulit niya ang tawag pero walang sumasagot. Napilitan siyang tunguhin ang hagdan pero narinig niyang may umaakyat na roon. Nagulat pa siya nang makita si Val.

"O, paano ka nakapasok?" tanong niya.

"Hindi naka-lock 'yong pinto."

Naisip niya na baka lumabas si Atong. Baka naubusan na naman ito ng sigarilyo at bumili sa tindahan. Pero hindi dapat nito pinabayaang nakabukas ang pinto sa ibaba. Por que siguro naroon pa siya ay hindi na ito nag-abalang mag-lock at magdala ng susi. Sesermunan niya ito pagbalik nito.

"Halika," yaya niya kay Val. "Doon tayo sa opisina ko."

Sumunod ito sa kanya. Naupo sila sa couch. Niyon lang niya napansin na kakaiba ang hitsura nito. Hindi ito naka-gel at hindi nakaporma. Amoy alak pa ito.

"Nakainom ka ba?"

"Konti lang."

"Ano bang sasabihin mo? May problema ka ba? Kaya ba uminom? Gusto mong i-comfort kita?"

I Love You To Death [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon