Chapter 12-Peril-

189 15 0
                                    

Chapter 12-Peril-

Blake POV

Halos tatlong linggo na simula ng umalis si Zafira. Bakit parang ang tagal naman nila?

"Daddy! Pa'no nga po ulit yun?"-Tanong ni Yarris

Dahil doon nagising diwa ko. Nag papaturo kasi siya kung paano ba pag hahaluin yung mga halaman para makagawa ng sleeping potion.

"Lagyan mo ng screaming herb nak. Tapos mag cast ka na ng spell."-Sabi ko

Mabuti nga at bata palang siya mahilig na siyang gumawa ng mga potion.

"Salamat Daddy. Ah oo nga po pala. Ang tagal umuwi ni mommy. Naiinip na po ako. Kelan siya babalik?"-Yarris

Ako din naiinip na. Miss ko na siya kahit masungit siya.

"Hindi ko din alam Nak. Baka pabalik na din siya."-Sabi ko at hinagod ang buhok niya

Ipinag patuloy na niya ang ginagawa niya.

Sundan ko na kaya siya? Baka may nangyari nang masama sa kanya?

Hindi. Magaling siya at matalino. Alam kong kaya niya. Mag aantay nalang ako ng balita sa kanya.

Hay nako Blake. Tigilan mo na pag dadalawang isip.

"Erif."

Napalingon naman ako doon.

Tsk. Si Ptolemy.

Ibinalik ko na ulit ang tingin ko kay Yarris.

"Anong kaylangan mo?"-Tanong ko

Pumunta ito sa harapan ko.

"Sabihin mo na kung nasaan si Zafira. Nag aalala na ako sa kanya!"-Medyo malakas na sabi niya

Napalingon naman si Yarris na tila nag tatanong kung anong nangyayari.

"Doon ka muna sa study room mo nak. Susunod ako."-Sabi ko at ngumiti

Ngumiti din siya at kinuha ang mga gamit niya tyaka umalis.

"Bakit ko naman sasabihin sayo kung nasaan siya? Ano ka ba niya? At kung alam ko nga, bakit ko sasabihin sayo eh diskarte ng Reyna iyon? Tigilan mo na ang kakasawsaw dito Ptolemy. Wala ka sa lugar."-Sabi ko

Tumawa naman siya. Baliw ba siya?

"At ikaw? Nasa lugar ka? Hindi nga maalala ng Reyna na boyfriend ka niya. Pero sabagay, hindi ka na naman niya maalala."-Mayabang na sabi ni Ptolemy

Ngumisi ako at lumapit lalo sa kanya.

"Ang isip nakakalimot.." Sabi ko at tinuro ang sintido niya. "Pero ang puso, hindi." Sabi ko at tinuro ang dibdib niya

Tinabig niya naman ang kamay ko.

"Mag hintay ka lang Erif. Paniguradong talo ka sa laban na ito."-Sabi ni Ptolemy at umalis na

Pumasok nalang ako sa office ko. Pipirmahan ko lang ang mga papeles na ito at pupuntahan ko na si Yarris para patulugin.

Habang pumipirma na ako ay may biglang pumasok.

"Anong kaylangan mo Gorgor? Alam mo namang di kita kita dyan dahil maliit ka eh."-Sabi ko at tumawa

Pokerface padin siya. Walang nag bago. Idolo ko ito eh.

"Dapat nag transform ka nalang bilang tao eh. Para nakita kita."-Dugtong ko pa

Umiling siya.

"Ewan ko ba. Parang ayaw kong mag pakita sa Reyna sa parehong anyo ko. Ako ang pangalawang nilalang na nakita niya sa ESA noon. Baka bigla niya akong maalala."-Monotone na sabi ni Gorgor

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon