Chapter 44-Sacred Contract-

115 7 2
                                    

Blake POV

Sobrang lamig ng pakiramdam ko. Hindi ito normal para sa akin dahil never akong nakaranas ng lamig sa buhay ko. Buong buhay ko apoy ang nararamdaman ko. Init na di napapantayan ng lamig. Pero iba talaga ngayon amg lamig.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang hambog na si Crusius.

"Gising ka na pala." Bati ni Crusius

Aabutin ko sana siya pero nakakadena ako. Hindi ito katulad ng kadena na binigay ni Frozae kay Zafira noon.

"Nasan na ang yabang mo, Blake? Akala ko ba malakas ka?" Pang iinis pa ni Whyte

Ngumisi ako sa kanila.

"Matapang lang naman kasi kayo dahil nakatali lang ako dito. Kalagan niyo ako at mag tuos tayo. Kahit mag sama pa kayo ng kaluluwa mong pinuno!" Pang iinis ko

Babato sana ng ice blade si Whyte ng pigilan siya ni Crusius.

"Hindi pwedeng manghinanang huling elemental holder, Whyte." Sabi ni Crusius

Ako nga iyon?! Damn! Kung alam ko lang na ako talaga yun ay mas nag ingat na ako! Kung naniwala lang ako sa machine na iyon!

"Nagulat ka ba Blake? Napakapinagpala mo sa kapangyarihan diba?" Saad ni Crusius at ngumisi

"Wag mo akong yabangan Crusius. Kayang kaya kitang patumbahin ngayon pang nalaman ko na sa akin napasa ni Master ang kapangyarihan niya." Saad ko

Natatawang umiling si Crusius.

This is hilarious huh?!

"Di na mangyayari yan, Blake. Ni hindi mo nga kayang palabasin ang iba pang elemento eh. Kung si Zafira nga ay inabot din ng ilang buwan sa pag papalabas ng mga elemento niya, ikaw pa kaya? Bago mo pa sila mapalabas ay kukunin ko na sila upang mabuhay na akong muli!" Masayang sabi ni Crusius

That is fuckin true! Pero nangako ako na ako naman ang mag sasakripisyo para kay Zafira!

"Don't try me, Crusius. Not the highest rank immortal in this world." Saad ko

Muli kong inalala ang bawat detalye sa libro ni Zafira. Simula ng umalis siya ay ako ang humawak ng mga gamit niya. Makailang beses kong binasa anh mga librong binigay sa kanya ni Queen Georgia.

"Wag kang mag alala. Hindi pa naman ngayon, Blake. Inihahanda ko po ang nga instrumento." Saad ni Whyte at naupo sa harap ko

Natatawa talaga ako sa kanya.

"Alam mo, tanga ka talaga." Natatawang sabi ko

Halos mamula siya sa galit kaya mas lalo akong natawa.

"Wag mo siyang pansinin. Sikat siya sa pagiging mayabang." Sabi ni Crusius

Nag laho siya bigla. Mukhang ayaw yata mayabangan.

"Well, mayabang talaga ako kasi may ibubuga ako. Literal iyon. Kaya kitang bugahan ng nag liliyab na katangian ko. Nainggit ka ba?" Naka ngisi kong sabi

Napatunganga lang siya sa akin.

Ewan ko ba kay Crusius, kung sino sinong pinag kakatiwalaan eh mukhang pwede ko din itong utuin.

"Anong makukuha mo sa pag sunod kay Crusius na kaluluwa lang?" Tanong ko

"Kaya niya akong bigyan ng kapangyarihan!" Inis na tugon ni Whyte

Natawa ako.

"Ah.. Kaya pala umalis si Frozae dahil hindi kayang ibigay ni Crusius ang gusto niya." Kunwaring pag iisip ko pa

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon