Chapter 22-Choice-

140 7 0
                                    

Chapter 22-Choice-

Zach POV

"Hindi pa naitatayo ang ESA Academy ay kasama ko na si Dervion. Isang batang mahilig tumuklas ng mga bagay bagay sa paligid. Hindi niya ako iniwan. Wala siyang mga magulang kaya nag pasya akong alagaan siya. Hanggang sa lumaki siya, nag karoon ng asawa at anak. Siya ang ipinapadala ko sa Dark Throne upang makasagap ng impormasyon. Pinili ko siya upang maging secret assasin ko. Naputol ang koneksyon namin dahil nabalitaan kong nawala ang anak niya. Nito ko lang nalaman na anak niya si Zeus at Zach." Natawa si Master "Tinatanong niyo ba kung bakit naging royal blood si Zach at Zeus? Ito ay dahil sa anak si Dervion ng dating hari ng Dark Throne. Mas pinili niya nga lang ang tumiwalag sa plano ng mga magulang niya kaya siya nag punta sa akin." Sabi ni Master

Lahat ng nasa council ay natahimik.

"Tinawag niya po kayong 'king' Tristan. Anong ibig sabihin no'n?" Tanong ni Zafira

Natawa ulit si Master.

"Sa tamang panahon, masasabi ko din ang lahat lahat." Tumayo na siya sa kinauupuan niya "Mauuna na ako sa inyong lahat. May apat na naiwan sa kampo. Baka nag papatayan na sila ahahaha!" Sabi ni Master at tumawa ng malakas

Bago siya umalis ay tinapik niya si Der--Dad sa balikat.

"Napakahusay mo Dervion. Hanga ako sayo, anak." Sabi ni Master at ngumiti

Yumuko naman sa kanya si Dad.

Matapos ang meeting ay nag punta na kaming lahat sa tambayan namin dito sa loob ng palasyo. Si Dad ay umuwi muna sa bahay ko. Wala pa namang pinapagawa si Zafira. In fact, kasama namin siya.

"Akalain mong malakorean novela din ang buhay niyo ni Zeus, Zach AHAHAHA!" Natatawang sabi ni Drake

Binato ko ito ng box.

"Manahimik ka dyan! Palibhasa walang thrill buhay mo!" Sabi ko at sinamaan ito ng tingin

Parehas naman kaming nag tawanan.

"Grabe. Ang gulo pala talaga ng mga bloodline ano? Tignan niyo, ang isang tulad kong nag iisang bloodline ng Latnemele ay napunta sa mundo ng tao tapos ngayon may amnesia pa. Hays!" Sabi ni Zafira

Natatawa akosa itsura niya. Frustrated na frustrated.

"Hep! Wag stressin ang sarili! Makakasama sayo yan." Awat ni Dione

Natawa tuloy si Zafira sa kanya.

"Hoy Zach." Tawag sakin ni Zeus

Napatingin tuloy ang lahat sa kanya. Di niya ko kinukuya eh!

"Bakit na naman?" Tanong ko

"Wala ka bang napapansin?" Tanong niya

Napaisip tuloy ako ng de oras.

"Wala naman. Bakit?" Sabi ko

Nakita ko kung paanong nag bago ang expression ng mukha nilang lahat.

"Wala dito ang girlfriend mo!" Sabay sabay nilang sabi

Natauhan naman ako don! Oo nga! Bakit ko ba siya nakalimutan gayong may problema pa kami!

"Bakit ngayon mo lang sinabi Zeus!" Inis na sabi ko

Nginisihan ak nito.

"Girlfriend mo yon Zach. Di na dapat pinapaalala sayo yon." Prenteng sabi ni Zeus

Ang sarap talaga batukan nitong kapatid ko minsan eh.

"Kapag tumayo ka pa dyan wala ka nang maabutan. Makukuha na siya ng iba." Sabi ni Zeus

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora