Chapter 53-Forgive-

155 6 0
                                    

Zafira's POV

Kinakabahan ako habang nag lalakad kami ni Yarris papunta sa venue. Dala ko ang kaba ko hanggang sa makaupo kami.

"Sa pagkakataong ito idadaos natin ang ika pitong kaarawan ni Yarris. Lahat tayo ay mag pakasaya dahil na din sa masaganang biyaya na bigay ng mga diyosa!" Sabi ni Queen Georgia

Lahat naman ng tao ay nag palakpakan.

"Yarris, wag na wag kang lalayo sa akin. Naiintindihan mo ba?" Sabi ko

Agad naman tumango si Yarris at ngumiti.

Biglang dumating ang mga inaantay ko kanina pa. Ang mga diyosa.

"Mukhang napaghandaan mo ito, Queen Zafira." Saad ni Abilicia

Tumango ako at ngumiti.

"Alam kong mapipili niyo siya. Napakakarapat dapat niyang bata." Sabi ko

Ngumiti si Abilicia at ipinatong ang kamay niya sa ulo ni Yarris.

"Ikaw, Yarris Hex ay binabasbasan ko upang maging isang chosen. Ang mga abilidad mo ay magiging mas malakas kaysa sa iba. Nawa ang kapangyarihang ipagkakaloob ko sayo ay pakaingatan mo at gamitin mo sa mabuti. Ikaw ay ganap nang isang chosen!" Sabi ni Abilicia

Muntikan na akong maluha. He deserve that. He save my life. Alam ko ding madami pa siyang magagawang mabuti bilang prinsipe.

Inakap naman ako ni Yarris pagkatapos ng basbas.

"Hindi lang siya ang pakay namin dito, Queen Zafira." Sabi ni Abilicia

Napakunot naman ako ng noo.

Itinuro niya si Ptolemy.

"Hindi na pantay ang mundo niyo sa mundo naming mga diyosa at diyos. Kukunin namin si Ptolemy bilang diyos ng mga patay dahil na din sa abilidad niya patungkol sa mga kaluluwa." Sabi ni Abilicia

Napangiti naman si Ptolemy at lumapit kay Abilicia.

"Malugod ko po itong tinatanggap. Maraming salamat sa oportunidad na ito." Sabi ni Ptolemy

Sobrang saya ko para sa kanya!

"Bueno, bukas ng umaga ang alis mo. Ngayon, ako'y lilisan na muna." Saad ni Abilicia

Nag palakpakan ang lahat ng immortal na nandito.

Napaakap sa akin si Ptolemy.

"Dahil sayo nangyari ito. May magagamitan na ako ng kapangyarihan ko. Maraming salamat talaga." Masayang sabi ni Ptolemy

Hinagod ko ang likod nito.

"Masaya ako para sayo, Ptolemy. Sure ako na gagalingan mo ang trabaho mo dahil bukas isa ka nang ganap na diyos. Mas mataas ka na sa akin." Nakangiting sabi ko

"Ehem."

Napalingon naman kami ni Ptolemy kay Yarris. Tapos nag kalas na kami ng pagakap.

"Yarris naman eh. Aalis na nga si Daddy Ptolemy mo ganyan ka padin?" Sabi ko

Kumunot ang noo nito at napa iling iling nalang.

"Nag jojoke lang ang mommy mo! Aalis na nga ako di mo padin ako bati." Sabi ni Ptolemy

Kumain lang nang kumain si Yarris pero nangisi ito. Ginulo namam ni Ptolemy ang buhok ni Yarris.

"I can summon you and you can summon me. We have something in common UNCLE." Sabi ni Yarris

Sobrang talino talaga ng batang ito.

"Can I consider that as a good news?" Natatawang tanong ni Ptolemy

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon