050614

538 2 0
                                    

Mayo 6, 2014

             Hindi ako pinatulog ng husto ng skin disease ko. Grabe! Hindi na ako natutuwa sa dinaranas ko. Napakahirap matulog!

             Pagkatapos kong magkape, pumunta agad ako sa dagat para magbabad. Kaya lang, di ko naman nagawa. Una, dahil napakatindi ng hapdi ng tubig-dagat. Pangalawa, nakipagkuwentuhan sa akin si Tyo Junior, ang kapitbahay namin na matagal na akong kilala. Nabasa ko lang saglit ang katawan ko hanggang matuyo sa init dahil isang oras mahigit yata kami nag-usap. Okey lang naman. Di ko naman talaga kasi kayang magbabad ng matagal.

             Pag-uwi ko naglaga ako talbos ng bayabas. Ipinaligo ko ito. Nawala naman ang amoy at medyo natuyo ang mga sugat, ngunit makati pa rin. Pinagpatuloy ko rin ang pagpahid ng kasitas ointment. Ganun pa rin. Napayuhan nga ako ni Ate Lerma na gumamit na agua oxinada. Kaya, bumili agad ako. Hanggang sa di ko na matiis. Nagpa-check up na ako. Si Dr. Manuel de Vera ang papuntahan ko. May psorsiasiform dermatitis daw ako.

             Hindi ako nalula sa sakit ko kundi sa mahal ng consultation fee (P700 at may libreng gamot) plus P1000 plus na tig-kokonting gamot. Apat na gamot ang reseta niya, maliban sa binigay. Grabe! Pangmayaman talaga ang allergy. Sana galis na lang ang tumubo sa akin. He he

             Di bale na. Mabuti rin ang nagpapakonsulta dahil nalalaman ang tunay na sakit, ang mga bawal kainin at gawin at naiinom ang tamang gamot. Panatag na ako dahil alam ko na ang pagsakit ng suso ko kapag umaalog ay reaksyon lang nito.

             Kaya lang, napansin kong maga ang bayag ko. Sanhi rin ba ito ng psoriasis ko? Naku, sana lang matanggal ito habang umiinom ako ng gamot.

             Alas-sais, nag-text si Epr. Nasa paradahan na daw siya ng papuntang Polot. Parang gusto naming magkita kami kaya lang aalis din pala siya bukas. Sa Matnog naman siya magsusurvey. Alanganin, sabi ko. Bukas na lang kasi iinom pa ako ng gamot. Di na siya nag-reply.

             Nag-text naman si Mareng Lorie.Tuloy daw ang gala namin sa Hundred Islands. Hindi ako makakasama. Di na rin nag-reply pagkatapos malamang May 14 pa ako uuwi.

AmAnakWhere stories live. Discover now