051914

139 1 0
                                    

Mayo 19, 2014

       

        Hindi na naman ako nagkaroon ng mahimbing na tulog kagabi. Puyat lagi ako sa letseng kati-kati na ito. Magaling na ang mga pantal at sugat ko. Parang mga balat na nga lang ang makikita sa katawan ko pero bakit makati pa rin? Hindi tuloy mawala sa isip ko na baka kinukulam ako. Mabuti na lang mataas ang faith ko sa Diyos..

       Gayunpaman, maaga akong nakarating sa school para dumalo sa parade ng Brigada Eskwela 2014.

        Ako uli ang naatasang maging photographer. At pagkatapos ng parada, ako naman ang emcee. Nagawa ko naman ng maayos at maganda ang mga trabaho ko. Ang pag-e-emcee ko ay masasabi kong maganda kahit impromptu. Na-gain ko na nga ang self-esteem ko. Dati-rati ay ayaw ko ng public speaking. Nahasa ito nung college ako kung saan sumasali ako sa impromptu speech. Nanalo pa nga ako ng first place.

          Inannyayahan kami ni Sir Erwin kina Mrs. Condeza na mag-lunch. Invited siya nito kaya isinama kami nina Mam Diana, Mam Nelly, Mam Roselyn at Mam Cao. Nalibre ang pananghalian ko. Nabusog pa ako.

          Ala-una y medya, mineeting kami ng Mam Evelyn D. Deliarte, ang bago naming principal. First niya akong makilala, gayundin ang iba. Sabi pa niya, "Ikaw pala si Froilan." Parang may nakapagbulong na sa kanya na mahusay at maaasahan akong guro. Nice!!

          Sa tingin ko, mabait at okay naman siyang punungguro. Hindi ako mai-intimidate sa kanya.

          Pagkatapos ng meeting, nakipagtawanan ako kina Lester at Mam Loida habang naghihintay sa wala. Tapos, si Mam Rodel pala ang hinihintay namin. Niyaya kasi kaming maghalu-halo kina Hannah, estudyante ko last school year. Libre niya.

          Pagkatapos naming kumain, nagsiuwian na kami. Alas-singko na ako nakauwi. Pagod at puyat, pero masaya ako sa mga naganap sa buong araw ko.

AmAnakWhere stories live. Discover now