052814

215 1 0
                                    

Mayo 28, 2014

      Medyo tinanghali ako ng pagpunta sa school, pero hindi pa rin naman ako nahuli. Nakapag-almusal pa ako. Kasalo ko sina Mareng Lorie at Pareng Joenard.

      Ang saya-saya ng araw ko. Ang kukulit kasi namin nina Sir Erwin, Mam Diana, Mam Loida at Mam Vi. Panay ang tawanan kahit umaawit ng National Anthem at doxology. Tapos, nang nag-exercise na, humataw kami. Napaka-energetic namin! Nanalo pa nga ako ng chocolate sa parang dance contest ni Mareng Lorie.

     Attentive naman kami nang nag-talk na si Mam Deliarte. Maganda kasi ang topic niya. About multiple intelligence. Tapos, maganda pa ang strategies niya.

     Bukas, ako naman ang speaker. Hindi pa ako nakatapos ng paghahanda. Magkukuwento lang naman ako. Ayoko kasing i-discuss ang lesson planning sa Filipino kasi di naman makaka-relate lahat.

     Dapat sasama ako kay Christian Gogolin sa pagbisita sa dati naming kaklase na si Christopher Guilas sa Sta. Mesa. Alam ko mag-iinuman lang kami doon. E, gusto kong mapaganda ang talk ko bukas kaya nagdesisyon akong di na sumama.

     Ang kulit ni Christian. Nanghihingi ng ambag. Maya-maya, nangungutang pa ng P500. E, wala na nga akong budget. Baka nga, di na ako makapag-enroll sa masteral. Mahinahon akong nagre-reply. Nagpapaliwanag. Wala talaga akong mapapautang. At kung meron man, di ko siya pauutangin. Magpapainom ako pag gusto ko.

     Naglinis ako ng konti sa classroom ko. Sinimulan ko ring ayusin ang garden ko. Tapos, gumawa din ako sa bulletin board. Nang mapagod na ako, nang-asar na lang kami ni Sir Erwin. Si Mam Diana ang biktima namin. he he. Enjoy!

     Past 4, nasa boarding house na ako. Sinimulan ko agad ang paggawa ng powerpoint. The Art of Teaching ang topic ko. Gumamit ako ng mga quotes about teacher that inspires. Doon iikot ang topic ko na pakukulayin naman ng mga activities ko last school year with my pupils.

     I hope it turns out good and highly-commended..

AmAnakWhere stories live. Discover now