052214

137 2 0
                                    

Mayo 22, 2014

        Gusto ko pang matulog nang magising ako bago mag-alas-sais, kaya lang ayaw na ng mata ko, kaya nagkape na ako at nagbukas ng Facebook. Pagkalipas ng mahigit  kalahating oras, umalis na ako. Ikaapat ako sa pinakamaagang dumating sa school.

        Sinimulan ko kaagad ang trabaho sa classroom. Tapos, maya-maya, dumating si Edrian. Nangako siyang pupunta. Ayos! May naging katuwang ako. Naipasok niya ang mga upuan.

        Dumating din si Jens. Tulong sila sa pagpunas ng mga upuan. Nag-mop din sila.

        Pinauwi ko na si Edrian pagkatapos. Si jens ay nag-stay pa at tumulong ng konti.

        Later, pinagtulungan namin ni Mam Diana ang daily accomplishment report ni Sir Erwin. Ginawa ko ang kalahati ng trabaho, nang umalis si Mam Diana bandang alas-dos ng hapon. At nang matapos ko, saka lang ako nakagawa ng sa akin.

   

        Sinimulan ko ang bulletin board ko sa Math. Gumamit ako ng recyclable materials like takip ng mga boteng plastic. Binorder ko sila sa board. Sayang, naubusan ako ng glue stick.

        Pasado alas-singko na ako nakauwi.

        Sinimulan ko naman kaagad ang report ni Sir Erwin sa Brigada Eskwela. As usual, ako na naman ang naatasan niya. Okey lang. Ibig sabihin, bilib siya sa mga gawa ko.. 

AmAnakWhere stories live. Discover now