Chapter 1

10 0 0
                                    

Hello guys!

Nick Robinson as Liam Madrigal


Hope you will enjoy :)



-------------------------------

"This is it!!! Its audition day!" confident na sabi ni Liam sa kanyang sarili. Yun nga at mag aaudtion ito sa isang reality show nang isang kilalang network.

Siya Liam Joseph Madrigal. Isang gwapo, mabait, makulit, matalino, magaling sumayaw, ngunit medyo kinapos nga lang sa height pero sobra-sobrang mapagmahal na tao.Siya ay 20 na taong gulang. Kilala si Liam hindi lamang bilang isang mananayaw kundi kialala rin siyang bilang isang student leader. Siya ay nag aaral sa isang kilalang unibersidad sa kanilang lugar. Magaling din itong mag luto at sa katunayan isa sa kanyang pangarap ay makapag tayo nang sariling restawran

"Hoy! Mr. Madrigal!!!! Matagal pa ba 'yan?!" sigaw ni isa sa mga matalik na kaibigan ni Liam na si Dexter

"Oo nga at kailanagan maaga tayo sa pilahan." Siya naman si Aiko, isang matalik din na kaibigan. "Siguro isabit mo na lang sa leeg mo yung salamin para ayos!"

"Huwag nga kayong sigaw nang sigaaw diyan. Hindi naman kayo ang mag a-audtion eh. Palabas na nang kuwarto"

"Liam bilisan mo na diyan at nang maka alis na kayong tatlo." Sabi nang tatay ni Liam na si Franco.

"Heto na po." Sabay labas nang kuwarto niya. Naka suot ito nang usual niyang casual na damit. Naka itim na maong pants, white printed t-shirt, at naka boots. "Okay lang ba yung porma ko?"

"Ikaw na ikaw iyan Liam." Sabi ni Dexter

At yun, umalis na ang tatlo at nag paalam na ito sa mga magulang ni Liam tumungo na ang tatlo sa isang mall na kung saan gagawin ang audition. Kalmado lang ang binata habang bumabyahe silang tatlo. Iniisip niya kung ano ba ang mangyayari mamaya sa audition. Kung papasok ba siya? O hindi siya matatangap?

Binaling na lang niya ang kanayang atensyon sa pag bukas nang kanyang mga social media accounts. Una Instagram, pangalawa Twitter at ang panghuli ang kanyang Facebook. Nung binuksan niya ito, may nakita siyang isang tao na nag add sa kanya. Binuksan niya ang profile nang user at lumantad sa kanya ang mga impormasyon tungkol sa nasabing user.

Name: Den Ashton Ledesma

Age: 21

Address: Makati City

Inaksep naman ni Liam ang request. Ilang minuto lang ay nag chat ito sa kanya. Pinakita niya ito kay Aiko dahil si Dexter ang nag mamaneho nang kanilang ginagamit na sasakyan.

"Oh, sino ba 'tong Den Ashton Ledesma?" tanong ni Aiko

"Aba ewan ko? Inaksep nga diba para makilala kung sino!" sagot niya

"Baka gusto ka lang ligawan Liam?" sabi ni Dexter sabay tawa

"Gago!!! Mag maneho ka na nga lang Dexter!"

"Liam, alam nating lahat kung ano yung past mo. Hindi mo naman matatangi 'yun eh! At isa pa, kailangan mo din naman nang inspirasyon kahit papano!" dagdag ni Dexter

"Alam mo Dex, ayoko pang mag risk ulit. Mas mabuti nang ganito. Wala akong iniisip na pag ibig. Okay na akong nandito kayo ni Aiko."

"Ohhh ang cheesy naman eh! Hahaha!" tawa ni Aiko

ResolvedWhere stories live. Discover now