Chapter 6

4 0 0
                                    


Nag daan ang walong linggo, mas nakilala nang lubusan ni Liam si Ashton at ganun din si Ashotn kay Liam. Mas naging komportable silang dalawa sa isa't isa at ang dahilan dito ay palaging may pinupuntahan si Brylle at bilin niya palagi ay si Liam na ang bahala kay Ashton.

Isang araw nga ay pumunta ang dalawa sa isang kilalang mountain resort. Malayo ito sa siyudad at ang tanging makikita mo lang ay halos puno. Maaamoy ang sariwang hanging at higit sa lahat ay napaka aliwalas nang paligid. Ipininasyal ni Liam si Ashton buong mag hapon. Nag zipline, boating sa lagoon, pumunta sa mga waterfalls, at siempre hindi nawala ang swimming. Hindi maitago ni Ashton ang kasihayang iyon dahil mag dadalawang taon na itong hindi naka pag bakasyon ng ganito. At dahil ditto abot-abot ang kanyang pag papasalamat kay Liam.

Sa halos dalawang buwan nilang mag kasama sa iisang bubong, masasabi ni Liam na mas nakilala niya nag husto si Ashton. Mas nakilala na niya si Ashton bilang isang ulirang anak dahil siya ang nag papatakbo nang kanilang family business na ang hotel na ang branch manager ay ang kanyang kuya. Nalaman niya din na siya ang ika apat anak sa kanilang limang mag kakapatid. Nalaman niya din an gang panaganay ay babae, ikalawa ay lalaki, pangatlo ay babae, siya at ang bunso ay nasa 16 years old ito ay babae. Tanggap at supportado ng pamilya ni Ashton ang preference nito.

Mag aalas sais na nang gabi nang biglang tumagawag si Aiko kay Liam.

"Liam! Asan ka?" Tanong ni Aiko

"Dito lang sa bahay. Bakit" Sagot ni Liam.

"Kasi yung Ethan! Jusko! Nakakagil!!!"

"Oh anong kay Ethan?"

"Yung Ethan Velasco pupunta sa inyo ngayon!!!!"

"Takte! Sure ka ba"

"Oo friend! And he is dead serious kanina at gusto niyang balikan!"

Sa mga sandaling iyon ay hindi naka pag salita agad si Liam ng dahil sa narinig at alam niyang hindi nag bibiro si Aiko.

"Liam! Pupuntahan kita ngayon!" Pasigaw ni Ethan sa kabilang linya.

"Huwag ka nga Ethan! As kapang babalikan! Uweeee!" Sumbat ni Aiko

"Liam papunta na sya dyan sa inyo. Andiyan bas si Kuya Brylle?"tanong nman ni Aiko kay Liam

"Wala eh. Ako lang mag isa ditto ngayon. Sinama ni kuya at Ashton si papa para gumala somewhere."sagot naman siya

"Ay naku naman oh! Pero alam ko namang kaya mo na si Ethan. Ba-bye friend ha. Ingat ka at tawagan mo agad ako or si Dexter, kuya Brylle or si Ash."

At binaba na nga ni Aiko ang linya. Hindi naman maka imik si Liam dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ano nga ba ang dahilan bakit pupunta si Ethan? Ano nga ba ang dapat niyang gawin?

Nakaraan ang isang oras at ....

"Liam!?"

Isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig mula sa kanilang gate. Lumabas nang walang pag alinlangan si Liam at tama nga siya na kay Ethan ang tinig na iyon.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Liam

"Gusto lang kitang makausap sana kung okay lang naman sa iyo."

"Para saan ba?"

"Basta Liam. May gusto lang akong sabihin sa'yo." Seryosong tinig ni Ethan

"Ah ganun ba? Sige, pasok ka. Dito kana lang din mag hapunan."

"Okay lang ba sa'yo? Sila Kuya Brylle baka kapag nalaman nilang nandito ako, baka magalit pa yun."

"Hindi, okay lang naman eh."

Hindi nga nag dalawang isip pa si Liam na mag handa nang makakain ni Ethan. Nag luto ito nang spaghetti at crispy chicken fillet.

"Ano ba ang gusto mong sabihin?" tanong ni Liam habang hinahain nito ang pag kain

"Ah yun ba? Gusto ko sanang humingi nang isa pang chance Liam."

Sa mga salitang iyon ni Ethan, hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin dahil sa kanyang narinig.

"Ha? Anong ibig mong sabihin Ethan?!" biglaang tanong niya

"Sana bigyan mo pa ako nang isa pang chance na itama ang ginawa kong mali ang mahalin ka ulit." 

ResolvedWhere stories live. Discover now