Chapter 2

7 0 0
                                    

Hoping you all liking the story.. nga pala hetto si Ashton

Vernon Hanwell as Den Ashton Ledesma



Enjoy everyone!!! -----


Kina umagahan, naka dama nang pagod sa Liam. Hindi niya alam kung paano, o kung bakit sumasakit balakang niya, paa niya, mga balikat niya. Siguro dahil ito sa mahabang tayo at upo niys kahapon sa audition. Nung naka uwi ito kahapon, ibinalita niya kina tatay Franco ang nangyari kahapon. Bagamat hindi natanggap si Liam ay masaya parin ang papa nito dahil alam niyang binigay ni Liam ang kanyang best. Pinuntahan din ni Liam kahapon ang puntod nang kanyang mama. Si nanay Jean. Namatay ito dalawang taon dahil sa sakit na cancer sa colon. Nag sindi ito nang kandila at nag dasal.

Matapos makapag stretching nag kaunti matapos maka bangon ay binaling niiya ang kanyang sarili sa laptop. Tumawag agad si Liam sa kanyang nag iisang kapatid na si Brylle. Si Brylle Eric Madrigal. 25 years old. Pareha silang unibersidad ni Liam at ito ay naka tapos nang AB Communications at siya ngayon ay nasa Singapore nag tatrabaho bilang Executive Manager sa isang hotel. Bilang panganay, naging mindset ni Brylle ang pagtulong kina Liam at tatay Franco. Katulad ni Liam, matalino din ito. Kamuntikang na ngang maging Cum Laude kaso kinulang yung average. Gwapo pero matangkad. Nasa 5'8 ang taas nito. Sobrang close nilang mag kakapatid. Alam nang isa't isa ang kani-kanilang tinatagong sekreto. Kahit buhay pag-ibig ay siempre hindi rin nakaka ligtas.

"Hi bunso!!! Kamusta naman ang auditon natin? Magiging artista kana ba?" tanong ni Brylle.

"Sorry kuya, hindi ako natanggap."

"Anong sorry ka diyan? Wala kang dapat ipag sorry kasi alam kong ginawa mo yung best mo at napakita mo sa kanila na may talento ka. At for sure, 'yan din ang sabi ni papa sa'yo."

"Oo kuya,yun nga."

At napatawa na lang silang dalawa.

"Siya nga pala kuya, kelan uwi mo"

"Malapit na baby bro. 3 weeks na lang." sagot ni Brylle.

"Kuya ang tanda ko na for baby bro!." iling ni Liam

"Hahaha.. kidding! Pero ikaw parin yung pinakamamahal kong kapatid at wala nino man ang maka pananakit sa'yo at kay papa."

"Kahit kelan talaga kuya, haha."

"Anyways, kamusta na nga pala yung ex mong gago?! Si...."

"Kuya, huwag na. Naka move on na'ko."

"Mark my word Liam, pag nakita ko siya, ewan ko na lang."

Noong nag break sina Liam at ang ex niya ay kinontak niya agad si Brylle. Iyak nang iyak si Liam habang kinakausap niya ang kanyang kuya. Kinuwento niya lahat ng nangyari at kung paaano sila nauwi sa hiwalayan. Galit na galit si Brylle noong araw na iyon. Gusto niyang umuwi dahil nakita niyang sobrng nasaktan ni Liam. Alam ni Brylle ang buong kuwento nang kanlinag relasyon. Tanggap niya nang buong-buo ang kapatid dahil mahal na mahal niya ito. Hindi mapigilan ni Brylle na mapaluha dahil wala man lang siya para damayan ang kapatid. Pero sa huli ay naging maayos si Liam dahil sa pag pa paalala ni Brylle.

"Kuya, huwag na nga. Masaya na yung tao."

"Oo na! Ingat kayo nina papa diyan ha!" bilin ni Brylle.

"Yes kuya! Yung sinasabi ko sa'yong dalhin mo ha at yung kina Dex at Aiko."

"Siempre naman! Sige Liam, alis muna ako ha, paki sabi kay papa, malapit na akong umuwi."

"Sige kuya! Ingat ka!"

ResolvedWhere stories live. Discover now