Chapter 7

5 0 0
                                    


"Sana bigyan mo pa ako nang isa pang chance na itama ang ginawa kong mali ang mahalin ka ulit."

Booom! Iyon ang mga salitang hindi niya inaakalang lalabas sa sa bibig ng kanyang ex. Hindi makapag salita si Liam sa kanyang mga narinig. Bumalik lahat sa kanya ang lahat lahat ng kanilang past ni Ethan. Bumalik sa kanya ang mga masasaya at malungkot na pinag daanan nilang dalawa.

Nangilid bigla ang luha sa mata ni Liam.

"Ethan...."

"Alam kong nag kamali ako Liam at sobrang sising-sisi ako sa nagawa ko. Pero nung nag hiniwalayan kita, iyon ang pinaka gagong desisyon ko sa sarili ko. Sobrang nasaktan kita at hindi ko pa napaptawad ang sarili ko hanggang ngayon. I know na it's been more than a year pero mahal padin kita Liam. Sinubukan kong mag mahal ng iba pero ikaw pa rin ang nasa isip ko. Sana mapatawad mo ako at sana maibalik natin yung dating tayo."

Hindi malaman ni Liam ang kanyang gagawin. Napatigil na lang ito at gusto niyang sumbatan si Ethan sa lahat nang kanyang gustong isumbat. Gusto niyang tanungin si Ethan bakit siya nito iniwan. Gusto niyang tanungin si Ethan bakit siya sumuko. At higit sa lahat, gusto niyang tanungin si Ethan kung bakit siya bumitaw sa mga pangako nitong hindi siya iiwan.

Tumayo bigla si Ethan at humarap ito kay Liam. Sobrang lapit na nang kanilang mga mukha at nararamdaman na ni Liam ang init ng hinginga ni Ethan. Nakaramdam ng kaba si Liam nang hinawakan siya ni Ethan sa pisngi. Hindi na lang niya namalayan na dumampi na ang malambot na labi ni Ethan sa kanyang labi. Napa pikit-mata si Liam at naramdaman niyang mainit na halik ni Ethan sa kanya. Gumalaw pa ang dila nito sa loob ng bibig ni Liam. Damang-dama nito ang init nang katawan ni Ethan.

"Mahal parin kita Liam. Ikaw pa rin yung nasa puso't isipan ko." Pag bitaw ni Ethan sa pag halik niya kay Liam.

"Ethan, hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero hindi naging madali ang lahat para sa akin. Nangako ka noon Ethan at pinanghawakan ko iyon pero binale-wala mo lang lahat."

Tumulo na ang mga luha ni Liam habang kinakausap nito si Ethan.

"Sila Dexter at Aiko, nakita nilang dalawa kung paano ko hinarap ang lahat nung nag hiwalay tayo. Halos hindi ko maisip kung ano ba yung nagawa ko bakit mo ako kailangang iwan at ipag palit sa iba. Hinid ko lubos ma isip kung ano ba ang pag kukulang ko sa iyo. Open din naman tayo sa pamilya mo at pamilya ko at mga kaibigan natin pero bakit Ethan? Bakit kailangan mong bumitaw sa pangako mo at sa pag mamahal mo sa akin?"

"I'm really sorry Liam! Napaka-gago ko noon! Hindi ka nag kulang sa pag mamahal mo sa akin. Sobra-sobra pa nga at iyon ang hindi ko nakita. Liam, ikaw lang ang nag mahal sa akin nang buong-buo kaya ngayon, gusto kong humingi pa nang isang pag kakataon sa'yo para maitama ko ang lahat-lahat kong pag kakamali sa'yo."

"Hindi ko alam Ethan. Hindi ko talaga alam."

Umiyak na nang umiyak si Liam at niyakap naman siya agad ni Ethan.

"Mahal kita Liam Joseph Madrigal." Bitaw ni Ethan at sabay halik ulit kay Liam.

Hindi inakala ni Liam na mangyayari ang araw na ito. Lahat-lahat ng kaganapang ito ay panaginip lamang ba? Hindi. Lahat ng ito ang totoo.

Buwitaw si Liam sa pag kakahalik ni Ethan sa kanya at sinabihan nito si Ethan umuwi na ito. Hindi namang nag dalawang isip si Ethan at sumunod ito sa tugon ni Liam.

Umiyak ng umiyak si Liam dahil sobrang sakit nang kanyang nararamdaman sa ngayon. Gusto niyang sumigaw na parang walang bukas. Dahil dito, kinuha niya ang kanyang cellphone at dinial ang number ni Dexter.

"Dex? Asan ka? Please puntahan mo ako sa bahay ngayon please. Please Dex! Huwag mo munang tawagan sila kuya at Aiko. Please ikaw lang." tugon nit okay Dexter habang tumatawag na umiiyak

"Oy Liam! Okay ka lang ba? Sandali lang!" pag mamadali nito

"Basta please Dex, pakibilis!"

"Sige! 5 minutes, andyan na ako. Basta huwag kang gumawa nang kahit anong kagaguhan diyan!"

At naputol na agad ang linya. Mas napiling tawagan ni Liam si Dexter kaysa kina Aiko at Brylle dahil alam ni Dexter kung paano pakalmahin ng mabilis si Liam lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

Noong nag nakipag hiwalay si Ethan kay Liam, si Dexter ang unang naka pansin sa ikinikilos ni Liam dahil nahahalata nito na parang wala siyang gana at wala sa sarili. Hanggang sa isang araw na nakita ni Dexter si Liam na naglalakad sa mag isa. Pinark agad ni Dexter ang kanyang sasakyan para harangan si Liam. Bumaba at kinausap agad nito si Liam kung anog nangyari. Doon nag break down si Liam at ikinuwento niya ang lahat kay Dexter. Mag mula noon, ipinagako niya kay Liam na siya ang tatayong kuya niya kapag wala si Brylle sa tabi niya para sumuporta.

"Liam!? Andito na ako!!!" Pasigaw ni Dexter habang tumatakbo pa papasok kina Liam.

Agad na sinalubong siya ni Liam at niyakap siya nito habang umiiyak. Umupo ang dalawa sa sofa at nag simulang tinanong ni Dexter si Liam

"Anong nangyari? Alam mong walang kang dapat itago sa akin!" banta ni Dexter

"Andito kanina si Ethan." Bitaw ni Liam

"Ano??! Andito yung ex mong gago? Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"

"Kasi may gusto daw siyang sabihin na importante at siempre gusto kong patunayan sa kanya na naka move on na ako at kaya ko na siyang harapin." Pag tatama ni Liam

"Oh tapos? Anong pinag usapan niyo? At bakit ka umiiyak?"

"Gusto niyang mag kabalikan kami Dex. Humihingi siya nang pangalawang pag kakataon para ma itama niya ang pag kakamali niya sa akin."

"Una sa lahat Liam ha, matalik tayong mag kaibigan simula grade 3 at sa haba ng pag kakaibgan nating dalawa, alam na natin ng halos lahat-lahat sa atin. Kapatid na ang turingan natin sa isa't isa at alam mo 'yan. Pero tatanugin kita, gusto mo bang bigyan nag pangalawang pag kakataon si Ethan?' kalmadong pag papaliwanag at pag tatanong ni Dexter

"Hindi ko alam Dex? As in hindi ko talaga alam."

"Alam kong naguguluhan ka pero hetto, tatanungin ulit kita, mahal mo pa ba?"

At dun natigilan si Liam sa tanong sa kanya ni Dexter. Hindi maka sagot si Liam dahil siguro nangyari kanina sa kanila ni Ethan pero gustong sabihin ni Liam na 'hindi'mula sa kanyang isip pero 'oo' naman ang sinasabi nang kanyang puso.

"Oh bakit hindi ka maka sagot? Mahal mo pa ba?"

"Dex, kahit kalian hindi pa ako nag sinungaling sa iyo at alam mo iyan pero hindi ko talaga alam kung oo o hindi." Pag papaliwanag nito

"Naiintindihan kita Liam kasi kanina lang yun nangyari pero alam kong makakrecover soon at masasagot mo din yung tanong ko."

"Dex, sobrang salamat talaga dahil ikaw talaga yung naging sandalan ko sa lahat ng mga bagay especialy sa mga ganito. Isa ka talagang tunay na kaibigan at kapatid."

"Ano ka ba naman Liam, sa kahit anog oras basta free ako, alam mong one call away lang ako."

At niyakap ni Liam ang kaibigan. Niyaya ni Liam si Dexter na sa bahay na niya siya matulog dahil hindi pa naman dumadating sila Brylle, Ashton at tatay Franco.

Bumili nang ilang bote nang beer si Dexter at Liam para pahabain pa ang kanilang gabi na mag kasama at pag usapan ang mga bagay-bagay.

Mag aalas onse na nag gabi nang mag desisyong matulog ang dalawa. Nang dumating ng kotse ni Brylle sakay sina Ashton at tatay Franco. Nag kwentuhan muna silang lima at sinabi ni Liam na mag sisleep over si Dexter at okay din naman kina Brylle dahil parang kapatid na din ang turing nito at anak naman para kay tatay Franco.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ResolvedWhere stories live. Discover now