Chapter 3

5 0 0
                                    

Here's for you all guys :)

Rafae Rossel as Brylle Eric Madrigal


-------------------------


"Good morning Mr. Madrigal!"

Iyon ang bumungad na mensahe sa kanyang cellphone pagka gising niya.

"Good morning Mr. Madrigal! Si Ashton pala 'to"

Si Den Ashton nga. Let's call him Ashton na lang. Hindi na nag taka si Liam dahil hiningi nito ang kanyng number kagabi.

"Hi Ashton! Save ko na lang number mo." Reply niya

"Sige. Salamat :)"

Bumangon na si Liam para simulan ang kanyang araw. Siempre as usual, sa bahay lang siya buong araw kasama si tatay Franco.

Buong araw din nag usap sa text at chat sina Liam at Ashton at hindi lang doon natapos ang kanilang pag uusap. Halos araw-araw silang magka text o magka chat. Komportable na nga sila sa isa't isa pero hindi pa rin mawala sa isip ni Liam na baka masamang tao ito. I kinuwento din ni Liam kina Dexter at Aiko ang pag uusap nila ni Ashton. Nagulat si Aiko dahil sa pag kakaalam nito ay nag friend request lang si Ashton kay Liam. Ok lang naman kina Dex at Aiko ang mga pangyayari kay Liam dahil nakikita nilang masaya Liam.

"Uy Liam, baka heto na yung chance para maka pag move on kana talaga sa gago mong ex" wika ni Dexter

"Matagal na akong naka move on Dex at isa pa, chat at text lang ito. Hanggang dun lang 'yun."

"Hindi natin masasabi iyan baka isang araw, nasa harap na pala siya nang inyong bahay."

"Busy yung tao Dex. Makati siya at ako Bacolod. At ayoko pang mag mahal ulit. Diba alam mo yan. Kahit yung thing naming ni Carla ay hindi ko na tinuloy dahil alam kong hindi kaming magiging masaya." Paliwanag ni Liam

"Oo na Madrigal! Kung maka pagsalita ka diyan."

"Nga pala Dex, asan si Aiko?"

"Ah umabsent may pupuntahan daw."

"Ah ganun ba? Ang tahimik talaga ano? Kapag wala si unggoy?" sabay tawa ni Liam

"Sinabi mo pa. teka, sasabay kaba sakin mamaya pag uwi?"

"Siempre ano pa ba't naging mag kapatid na ang turingan natin sa isa't isa."

"Hoy! Huwag kang mag simula nang emote! May bibilhin lang ako tapos hatid kita."

"Hahaha yes Mr. Saavedra!"

Habang papauwi ang dalawa ay nag chachat padin sila Liam at Ashton. Alam na nang dalawa kung anong oras ang kanilang pasok, break, at uwian.

Pagka dating sa bahay ay binuksan ni Liam ang kanyang Skype baka online si kuya Brylle niya. Hindi ito nag kamali, online ito nag tumawag agad ang kapatid.

"Liam! Bukas na uwi ko ha! At siya nga pala may kaibigan akong dadalhin diyan sa bahay. Paki sabi kay papa ha. Mag babakasyon daw eh sabi ko dun kana lang sa Bacolod."

"Eh kuya baka sosyal 'yang kaibigan mo ha!? Hindi aircon yung bahay at saan siya matutulog?"

"Sa kuwarto ko. Bahala siya sa buhay niya."

"Eh saan ka naman matutlog?"

"Edi sa kuwarto mo! Bakit ayaw mo ba? Hindi mo ba ako namimiss?"

"Cheesy mo kuya! Siempre naman namimiss. Sige, ako na ang bahala ditto kuya. Isasama ko bukas sina Dexter at Aiko sa pagsundo sa'yo."

"Sige Liam, thank you bro!!! Excited na akong Makita ang baby bro ko!"

"Brylle Madrigal tama na!!! Kuya naman eh!"

"Hahaha Joke lang! sige basta ha, pag dating naming nang kaibigan ko, treat nyo siya ng maayos ha." Bilin ni Brylle

"Sige kuya. Masusunod. Anong oras nga pala dating nyo?"

"Mga ala una imedya nang hapon."

"Sige kuya ingat bukas ha! Sasabihin ko na kay papa ngayon."

"Ok.. ingat din kayo bukas. Babay!"

At sinabi na nga ni Liam ang ipinabot na menshe nang kuya. Kahit gabi na ay nag linis si Liam nang bahay at nilinis din niya ang kuwarto at ang kuwarto nang bisita.

Nang mag aalas onse na, hindi niya napansin ang anyang cellphone. Walang message ni isa ni Ashton. Baka busy lang o may ginagawa. Basta ang nasa isip ni Liam ay uuwi na bukas ang kanayng kuya at kung sin.o man ang taong kasama niya.

Kinaumagahan ay agad na nag linis ulit si Liam ng bahay kasama si tatay Franco. Alam ni Liam kung anong na-miss ng kanyang kuya kaya nag luto ito nang bulalo, inihaw na bangus, stuffed squid at calamares. Tinawagan din niya sina Dexter at Aiko para salubungin ang kapatid.

Alas dos na ng hapon at nang Makita niya ang oras sa kanyang relo.

"Ang tagal naman ng kuya mo." Wika ni tatay Franco

"Pa, chill. Baka na delay lang yung flight ni kuya tapos isa pa, babyahe pa sila mula airport papunta ditto."

"Oo nga naman tito, hayaan niyo sampung Segundo, andyan na si kuya Brylle" sabi ni Aiko

"Nga pala Liam, nag sabi ba sa'yo si Brylle kung babae ba o lalaki ang kanyang bisita?" tanong ni tatay Franco

"Wala namang sinabi si kuya pa. pa surprise pa itong si kuya eh. Baka mag aasawa na?"

"Tumigil ka nga diyan Liam!" sagot ni tatay Franco

Habang nag kukwentuhan silang apat ay may tumigil na taxi sa kanilang harapan ng bahay. At may bumabang lalaki at sumigaw...

"HELLO PEOPLE!!!!!!!!!! NA-MISS NIYO BA AKO?"

At 'yun na nga si Brylle. Tumakbo sina Liam, Aiko at Dexter para salubungin ito. Agad na niyakap nang bunso ang panganay at siempre niyakap din agad ni Brylle ang ama nang makalapit ito.

"Brylle, saan na 'yong bisita mo?" tanong ni tatay Franco

"Ah ayan po" sagot naman ni Brylle

Tumigil bigla ang mundo ni Liam dahil hind siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Totoo ba ito? Oh panaginip lang? Kilala niya kung sino ito. Hindi siya nag kakamali.

"Ashton?!!!!" pasigaw na tanong ni Liam

ResolvedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt