Chapter Four

6.4K 135 2
                                    


MAGKATULONG na inayusan nina Jane at Kate si Trisha ng gabing iyon. May date kasi uli siya sa lalaking inirereto ng mga ito sa kanya. Sa pagkakataong iyon, hindi na siya pinilit ng mga kaibigan. Kusa na siyang pumayag nang mag-set ng date si Jane sa restaurant ng hotel ng pag–aari ng pamilya nito. Gusto kasi niyang ma–divert sa ibang tao ang isip at atensyon.
Mula kasi ng tagpo nila ni Ken sa parking lot ng Amelia’s ay palagi na niyang naiisip ang binata at halos hindi na niya magawang makapag–concentrate sa trabaho.
The kiss they shared was a mistake. Siguro ay nalasing lang si Ken kaya nagawa siya nitong halikan siya. She was sure she was not drunk that night. Nawala lang siya sa sarili niya kaya nagawa niyang tugunin ang mga halik nito. At hindi siya dapat magpaapekto sa kung ano mang nagising na damdamin sa kanya dahil magkaibigan sila at mas makakabuti kung mananatili sila sa ganoong estado.
Granted na infatuated si Trish kay Ken dahil sa magagandang katangian ng binata, pero naniniwala siya na hindi iyon ganoon kalalim na maaring mauwi sa pagka–in love niya rito.
Naisip niyang kung makikilala niya ang lalaking mina–match nina Jane sa kanya at magustuhan din niya, siguradong madali niyang makakalimutan ang mga halik na pinagsaluhan nila ni Ken.
“Good luck, Trish,” sabi ni Kate nang makarating sila sa Monteclaro Hotel. Inihatid pa siya ng mga kaibigan sa mismong venue.
“Thanks. Ingat sa pagda-drive, Jane,” aniya at bumaba na ng kotse.
Pagpasok sa restaurant ay kaagad siyang sinalubong ng maitre d’ at inihatid sa table na naka-reserved sa kanila ng ka–date.
“Wala pa ba ‘yong kasama ko?” kunot–noong tanong niya habang umuupo.
“Wala pa, Ma’am,” magalang na tugon nito.
Nag–order siya ng iced tea at hinagilap ang cell phone sa bag. Nag–text siya kay Kate.
Wala pa ang ka-date ko. Tama ba na ako pa ang nauna rito? tanong niya na bahagyang nakaramdam ng pagkainis. Bawas pogi points na naman iyon sa kung sino mang lalaking hinihintay niya.
Just wait for him, baka na-traffic lang. He’s gonna be there don’t worry, reply ni Kate sa kanya.
Thirty-minutes max kapag wala pa siya aalis na ako, reply niya. Hindi nag– reply si Kate at nag–umpisa siyang maghintay.

TAHIMIK na inoobserbahan ni Ken si Trisha mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng restaurant ng Monteclaro Hotel. Hindi siya nakikita ng dalaga dahil sa partisyon na nakatabing sa table na kinaroroonan niya. Halatang naroon ito para sa isang date kaya nag–alangan siyang lumapit. Kanina pa siya nandoon dahil nakipagkita siya sa balikbayang dating kaklaseng si Rayver dahil may inaalok itong proyekto sa kanya. Umalis lang ito sandali para kunin ang dokumento na naiwan sa hotel room. Pagkaalis ni Rayver ay saka naman dumating si Trisha.
Literal na napanganga si Ken nang makita kung gaano kaganda ang kinakapatid. Bumagay kay Trisha ang bago nitong hairdo sa hugis-puso nitong mukha. Pinabawasan nito at hanggang balikat na lang ang mahabang buhok na itim na itim. Isang simple pero eleganteng haltered black evening gown na lampas tuhod ang haba ang suot ni Trisha na nagpatingkad sa taglay nitong kaputian. Napansin niya na hindi lang siya ang nakatingin sa direksyon nito, kundi pati na rin ang ilang kalalakihan na naroon din sa restaurant na may mga ka – date pa.
He couldn’t blame those men. Trisha was definitely a headturner. Nasaksihan niya kung gaano karaming nanliligaw rito noon bago pa man ito nagdesisyong mag –aral at magtrabaho sa States.  Ang ilan sa mga iyon ay binraso pa nila noon ni Paolo para lang protektahan ang dalaga kahit pa may itinalagang driver at bodyguard ang daddy nito.
Biglang napatingin si Ken sa katabing table nang makarinig ng ingay ng tila nabasag na glassware. Muntik na siyang humagalpak ng tawa nang makita kung paano sinampal ng babae ang lalaking kasama nito at pagkatapos ay padabog na umalis. Nahuli na niya ang lalaking iyon na patingin–tingin kay Trisha kanina at marahil ay nakita rin iyon ng babae kaya ito umakto ng ganoon. Mabilis namang nag–iwan ng pera sa table ang lalaki at humabol sa babae.
Napapailing na nagbawi siya ng tingin. So far, hindi pa naman nangyayari sa kanya ang ganoong tagpo. He just knew how to treat his women right. Never siyang na–involved sa married women o may karelasyon at nagsamantala ng isang virgin dahil takot siya sa karma na baka ang balikan ay ang mga kapatid niya at mga pinsang babae. He was involved mostly with career women, models, and jetsetters that hate commitments and also into flings and one-night stands.
Totoo ang sinabi ni Ken kay Trisha na wala siyang girlfriend. And he only had one serious girlfriend in college. But incompatibilities quickly ended it. So far, he was enjoying the perks of being single. Twenty–nine pa lang naman si Ken. Saka na siguro siya maghahanap ng babaeng seseryosohin kapag siya na ang presidente ng kanilang kompanya.  
But something had changed that he couldn’t deny and ignore anymore. Aksidente lang ang pagkakalapat ng mga labi nila ni Trisha pero hindi na niya napigilan ang sarili at sinamantala ang pagkakataon. Ginawa niya ang matagal na niyang gustong gawin – ang halikan ang mapupulang labi nito. He was so glad she kissed him back. Wala na siyang gustong gawin ngayon kundi halikan ito. Hindi na niya alam kung kaya pa niyang paglabanan ang atraksyon na nararamdaman niya rito. 
Muli niyang ibinalik ang tingin kay Trisha. Base sa maya’t–mayang pagtingin nito sa suot na wristwatch, halatang naiinip na ito sa kung sino mang katagpo. Nakaramdam siya ng pagrerebelde nang maisip na nagawa pa nitong maghanap ng iba at parang bale-wala sa dalaga ang mga halik na pinagsaluhan nila sa parking lot ng Amelia’s.
Bago pa mapigilan ang sarili ay natagpuan niya ang sarili na lumalapit sa dalaga.
“Hi, Trish!” kaswal na bati niya.
Napalingon ito sa kanya at halatang nagulat nang makita siya. “Ken.”
Mabilis siyang yumuko at hinalikan ito sa pisngi. Muntik na siyang mapaungol nang malanghap ang bago nito. “You look lovely tonight,” kaswal na papuri niya na normal niyang ginagawa kapag nagti–triple date sila nina Kate.
Natawa ang dalaga. “Puwede ba, Ken, hindi uubra sa akin ‘yang linya mo.”
Napapailing na naupo siya sa katapat nitong silya. “I mean it, Trish. You’re so beautiful.” Kahit na nagsasabi siya ng totoo, hirap talaga itong paniwalaan siya dahil alam nito ang reputasyon niya.
“Yeah, right. Thanks to your sister and Jane. Kagagawan nila ito at pati na ang paghihintay ko rito ng halos kalahating oras para lang sa isang blind date.”
“So, you’re on a blind date again. Sino ba ‘yong lalaking ‘yon? Hindi dapat pinaghihintay ang babae, Trish.”
“I don’t know, just someone from your company. Paolo and Jane arranged everything,” nakasimangot na sabi nito.
“Kung sino man ang lalaking ‘yon, masesermunan ko s’ya. Sa Builders pala nagta-trabaho, huh?”
“Oo, architect daw tulad ni Paolo. Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito? May date ka rin ba?”
Mabilis na umiling si Ken. “Nagkita kami ng dati kong kaklase, may kinuha lang siya sandali sa room niya.” Napatingin siya sa entrance ng restaurant. Nakita niya ang pagpasok ni Rayver, nagpapalinga–linga ito at halatang hinahanap siya habang naglalakad papunta sa table nila “Maiwan na muna kita, Trish. Bumalik na ang hinihintay ko,” paalam niya at tumayo na.
Tumango si Trisha.
Habang kausap si Rayver, panay pa rin ang tingin niya sa dalaga. Muli itong nag–order ng iced tea at nang mauubos na ang inumin ay nakatanggap siya ng text mula rito.  Ipinaalam lang na paalis na ito. Bago pa siya makapag-reply ay nagsalita naman si Rayver.
“Hindi ka pa rin nagbabago, Ken, mabilis pa rin ang mga mata mo sa mga magaganda,” nakangiting sabi nito.
Napakunot siya ng noo at napatingin kay Rayver. “The lady in black. Sige na, balikan mo na siya. Tapos na tayong mag–usap, ‘di ba?”
“She’s a friend, dude,” natatawang sabi niya.
“Oh, really? Well, masuwerte ka dahil kung nagkataong hindi pa ako happily married malamang inunahan na kitang lapitan siya.” Pareho lang sila dati ni Rayver. Nakatagpo lang ito ng ka–match kaya biglang nagtino at nagpakasal.
Napapailing na nag-reply si Ken kay Trisha at sinabing sabay na silang umuwi. Tumayo na sila ni Rayver pagkatapos niyang bayaran ang bill. Nagkamay muna sila bago siya tumalikod at bumalik sa table ni Trisha.
Naabutan niya ang dalagang papatayo na. “Mukhang hindi ka na naman sinipot ng ka-date mo,” aniya habang inaalalayan ito sa pagtayo.
“Ayoko na siyang pag–usapan, Ken. Gusto ko na lang umuwi.”
“I’ll take you home,” deklara niya. Hindi siya papayag na tanggihan nito, kailangan nilang mag–usap sa tungkol sa nangyari noong huli silang magkita.

“THANKS for bringing me home, Ken,” sabi ni Trisha nang huminto sa labas ng bakuran nila ang kotse ng binata.
Nagulat talaga siya nang makita ito sa restaurant kanina. Bakit sa dinami – rami ng mga kaibigan ay sila pa ang nagkasalubong uli ng landas?
Tatlong araw pa lang ang nakakalipas nang huli silang magkita at hindi pa sila handa na makita itong muli. Pinilit na lang niyang umaakto nang normal na parang walang nangyaring kakaiba sa kanila noong huli silang nagkita.
Pinatay nito ang engine ng kotse at humarap sa kanya. “If one day you need a companion, I’m more than willing to be the one. Huwag ka na lang makipag – date sa iba, Trish.”
Naguguluhang napatitig siya sa binata. Titig na titig ito sa kanya. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“About the kiss –”
“Ken, please, huwag na nating pag–usapan ang nangyayari na hindi dapat nangyari,” pigil niya sa sinasabi nito. “Kalimutan na lang natin ‘yon.”
“I can’t do that, Trish. Ilang araw ka nang laman ng isipan ko. Hindi ko alam kung ano’ng nangyayari sa akin pero ang alam ko lang, matagal na kitang gusto.”
Umawang ang bibig niya sa pagkagulat.
Pareho sila ng nararamdaman!
Sandali silang nagkatitigan. Pagkatapos ay bigla na lang itong yumuko at inangkin ang kanyang mga labi. Sandali siyang nanigas nang maramdaman ang malambot na labi nito na humahagod sa mga labi niya. Hindi niya nagawang magprotesta nang hilahin siya nito at hapitin palapit sa katawan nito. Napapikit siya. At muli, natagpuan niya ang sarili na tumutugon sa mga halik nito.
Lumalim pa ang halik. Hindi nagtagal ay kusang naglambitin ang mga kamay niya sa leeg ni Ken.
“Let’s give it a try, Trish,” humihingal na sabi nito habang nanatili pa ring nakayakap sa kanyang baywang. 
“A – anong ibig mong sabihin?”
“I like you and you can’t deny that you like me, too. Bakit hindi natin subukang maging tayo?”
“Magkaibigan tayo, Ken. Huwag mong kalimutan ‘yon. Please, huwag mo na akong isama sa mga babaeng ginagawa mong libangan.” Itinulak niya ito para makakawala pero lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa baywang niya.
“Friends don’t do French kissing. At huwag mong ihalintulad ang sarili mo sa mga babaeng nagdaan sa buhay ko. Iba ka sa kanila dahil espesyal ka sa akin at seryoso ako sa ’yo.”
May humaplos sa puso ni Trisha sa sinabi nito. Gayunman, pinipilit pa rin niyang sikilin ang nararamdaman. “Hindi mo alam ang consequences ng sinasabi mo.”
“Alam ko kung gaano kaseryoso ang sinasabi ko, Trish. But I’ll give you time to decide…”
Tama iyon ang kailangan niya. Sapat na panahon para mapag – isipan at i–analyze ang nangyayari sa kanila.
“Let’s meet this weekend, mag–usap tayo,” sabi pa ni Ken. 
Tumango siya kahit pakiramdam niya ay maikli ang tatlo araw na ibinigay nito para makapag–isip siya nang husto.

The Substitute Date - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon