Chapter Seven

6K 129 3
                                    


NAPAKUNOT–NOO si Ken nang mag–flash sa screen ng cell phone ang isang unregistered number na tumatawag sa kanya. “Hello?”
“Kenneth?”
“Yes. Who’s this?”
“It’s me, Olga.”
“Olga …” Sandali siyang nag–isip pero wala siyang maalalang kakilala na Olga ang pangalan gayunman ay nabobosesan niya ang babae. “Olga who?”
“C’mon, Ken, kilala mo ako. I’m sure hindi mo basta makakalimutan ang masasayang sandali na pinagsaluhan natin sa apartment ko.”
“Okay, Olga, ano’ng kailangan mo?” Naalala na niya ang babae. Ito ang huling naka-one-night stand niya bago sila nagkamabutihan ni Trisha. Nagtataka lang siya kung paano nito nalaman ang business number niya samantalang matagal na niyang itinapon ang SIM card na ginagamit niya noon sa mga extracurricular activities. Bigla siyang napailing nang maalalang binigyan nga pala niya ito ng business card nang magkakilala sila.
“Magkita tayo, Ken,” pormal na sabi ni Olga. 
“I’m sorry, Olga but I am not interested,” tanggi ni Ken. Nahulaan kaagad niya kung ano ang kailangan nito.
“Kailangan nating magkita. Buntis ako at ikaw ang ama.”
“What?”
“Puntahan mo ako sa apartment, mag–usap tayo.” 
“I can’t do that. Marami akong ginagawa.”
“Kung hindi ka makikipagkita sa akin, gagawa ako ng eskandalo. Guguluhin kita sa opisina mo,” pananakot ni Olga. 
Muntik na siyang matawa sa narinig. Hindi iyon ang unang pagkakataon na may nanakot sa kanya dahil ayaw na niyang makipagkita sa babae. Pero iyon ang unang pagkakataon na may nagbintang sa kanya na nabuntis niya ang babae. Bahagya pa siyang nanibago sa inakto ni Olga. She had a sweet voice and angelic face, he could’t imagine that she was capable of threatening him. 
“You can do whatever you want to do, Olga, pero hindi mo ako maloloko,” aniya at tinapos na ang tawag. Wala siyang interes na alamin kung ano ang motibo ni Olga, pero sigurado siyang nagsisinungaling ito. At wala siyang balak magpaloko.

“MA’AM, nandito na po si Miss Jackielyn Reyes.”
“Let her in,” utos ni Engr. Kim Yuzon-Alegre sa sinabing iyon ng sekretarya sa intercom.
Ilang sandali pa ay pumapasok na sa opisina ang isang babae na halatang buntis. Humingi ng appointment si Miss Reyes sa sekretarya para makausap siya. Ang sabi nito, may mahalaga itong sasabihin tungkol sa panganay niyang anak na si Kenneth. They could talk on the phone but the woman insisted to see her. Sinabi ng kanyang sekretarya na isang sikat na artista ang babae kaya pumayag na rin siya na maisingit ito sa kanyang schedule.
Tumayo siya at sinalubong ang babae. “Good morning, Miss Reyes.” Inilahad niya ang kamay. “I’m Engineer Kim Alegre, Kenneth’s mother.” They shook hands. “Do you want something to drink, Miss Reyes? Juice or water, I know bawal sa ’yo ang kape,” nakangiting alok niya habang minuwestra sa receiving area ng opisina. “Whatever you’re having, Mrs. Alegre,” sagot ng babae. Naupo ito sa sofa at mabilis na iginala ang tingin sa paligid.
“So what can I do for you, Miss Reyes?” tanong niya matapos mag–utos ng juice sa sekretarya. Naupo siya sa two-seater sofa katapat ng kinauupuan ng babae.
“Call me Olga, Mrs. Alegre. My real name is Olga Medina. Screen name ko lang sa showbiz ang Jackielyn Reyes. And I’m your only son’s girlfriend.”
“Girlfriend ka ni Kenneth?” gulat na bulalas niya. Napatingin pa siya sa nakaumbok na tiyan nito.
“Yes. At anak namin ni Kenneth ang ipinagbubuntis ko. Apo n’yo ang batang ito, Mrs. Alegre.”
Hindi siya nakapagsalita sa labis na pagkagulat. Alam niyang malikot ang unico hijo niya pagdating sa babae pero may pakiramdam siyang hindi nagsasabi ng totoo ang babaeng kaharap.
Pumasok ang sekretarya dala ang juice ni Olga.
“Ilang buwan na ‘yang ipinagbubuntis mo, Olga?” tanong ng ginang nang makalabas ang sekretarya matapos nitong mai–serve ang juice.
“Three months,” sagot ni Olga.
“Alam na ba ni Ken? Walang nababanggit si Ken sa amin tungkol sa ’yo at sa kalagayan mo.”
“Yes. Pero ayaw panagutan ng anak n’yo ang ipinagbubuntis ko. Iniiwasan at pinagtataguan din niya ako. He promised me everything but now, where is he?”
“Kaya ba ako ang kinakausap mo?”
“You’re right, Mrs. Alegre.”
“Saan mo ba nakilala ang anak ko, Olga?”
“Ano ba ‘to interrogation? Nandito ako para siguruhing hindi ako tatakbuhan ng anak n’yo,” impatient na sagot ni Olga. 
Napamaang si Kim sa narinig. Hindi niya akalain na bastos pala ang babae. Walang paalam na tumayo siya at nagbalik sa desk. Kinuha niya ang cell phone at tinawagan si Ken. Pero hindi nito sinasagot ang tawag. Naiinis na muli siyang pumindot sa cell phone at tinawagan ang asawa.
“Come here in my office, Kurt, may problema tayo.”
Habang naghihintay sa pagdating ng asawa, pinagmasdan ni Kim ang babae sa receiving area na kasalukuyang abala sa cell phone. Matangkad at maganda si Olga. Mukhang may pinag–aralan pero nakakadismaya ang kulay-pula nitong buhok at suot na maikling damit na hapit na hapit sa katawan at kita ang cleavage. Good thing naka–flat shoes ito dahil matatalakan talaga niya ang babae kung naka–high heeled shoes at sinasabing apo niya ang ipinagbubuntis nito.
Ilang sandali ang lumipas nang may kumatok sa pinto at sumungaw ang mukha ni Kurt. “What’s the problem, honey?”
Tumayo si Kim at iminuwestra ang asawa sa receiving area. “This is Olga Medina, girlfriend daw ni Ken.”
Kumunot ang noo ni Kurt nang mapansing buntis ang babae. Gayunman, naglahad ito ng kamay at ipinakilala ang sarili. “I’m Kurt Alegre, Kenneth’s father.”
Nakipagkamay si Olga.
“As you can see, she’s pregnant,” sabi ni Kim sa habang umuupo sa sofa.
“Anak daw nila ni Ken ang bata.”
“Totoo ba ‘yon, hija?” kunot–noong tanong ni Kurt. Naupo ito sa tabi ng asawa.
Tumango si Olga. “Pero pinagtataguan ako ng anak n’yo kaya nagpunta na ako rito.”
“Nasaan si Ken?” baling ng asawa sa kanya. 
“He’s in Hongkong, remember? I tried calling him, but he’s not answering his phone.” 
Si Kurt naman ang sumubok na tawagan ang anak pero hindi rin ito sinasagot. Binalingan nito si Olga pagkatapos itago ang cell phone sa bulsa. “Ano’ng plano mo ngayon, Olga?”
“I want your son to marry me. Ayokong maging bastardo ang anak ko,” taas – noong sagot ng babae. 
Nagkatinginan silang mag–asawa. “Kung may obligasyon man si Kenneth sa ’yo, sinisiguro ko sa ’yo na paninindigan niya ‘yon. But we have to talk him first,” pinal na desisyon ni Kurt. 

The Substitute Date - Published under PHRWhere stories live. Discover now