Chapter Eight

5.9K 124 3
                                    

NAPATIM-BAGANG si Ken nang mabasa ang report ng private investigator na inupahan niya para alamin kung sino ang posibleng ama ng ipinagbubuntis ni Olga.
Nagulat talaga siya nang malaman sa kanyang mga magulang na kinausap ni Olga ang mga ito ilang linggo na ang nakakaraan at ipinaalam ang kalagayan. Hindi akalain ni Ken na seryoso ang babae sa sinasabi nitong siya ang ama ng ipinagbubuntis nito. At ngayon nga ay naghahabol na si Olga sa kanya. Tama ang buwan ng ipinagbubuntis nito sa araw nang may nangyari sa kanila kaya nasa katwiran ang babae sa pagtuturo sa kanya na siya ang ama ng ipinagbubuntis nito.
Gayunman, alam niyang naging maingat siya nang may namagitan sa kanila kaya hindi siya naniniwala sa sinasabi ni Olga kaya nagpaimbestiga na siya.
Ayon sa report ng PI, isang papasikat na movie director na nagngangalang Randy Ortiz ang boyfriend ni Olga nang nagkakilala sila noon at posibleng ang lalaki ang siyang tunay na nakabuntis kay Olga. Nagsinungaling si Olga nang sabihing  wala itong boyfriend dahil kung may karelasyon ito, nunca na papatulan niya ang babae. Wala talaga sa bokabularyo niya ang pumatol sa may sabit. 
Hindi nag-aksaya ng panahon si Ken at nagpunta agad sa apartment ni Olga para komprontahin ito. Halatang nabigla si Olga nang makita siya nang pagbuksan siya ng pinto. Gayunman, biglang lumarawan ang kagalakan sa mukha nito nang makita siya.
“Pasok ka, Ken,” sabi ni Olga at nilakihan ang bukas ng pinto.
Walang salitang pumasok siya sa loob ng apartment.
“Ano’ng gusto mong inumin?”
“Sino si Randy Ortiz, Olga?” sa halip ay pigil ang galit na tanong niya. Kitang-kita niya ang pagkaputla ng mukha ni Olga. Hindi ito sumagot at nag-iwas lang ng tingin. Hawak ang may kalakihang tiyan ay naupo ito sa couch.
“He was your boyfriend when we met, right? He must be the real father.”
“Of course not! Hindi na mahalaga kung sino siya. Ang mahalaga, ikaw ang nakabuntis sa akin,” mataray na sabi pa nito.
Olga had shown her true colors. Nagkamali siya ng pag-assess sa babae nang magkakilala sila. O marahil ay magaling lang itong artista. Hindi pala ito submissive. Palaban pala - mataray at materialistic. Dahil kung hindi at may pride, dapat ay tinanggihan nito ang pinansyal na tulong na inalok niya para sa pagbubuntis nito dahil nauna na siyang tumangging panagutan ang babae, lalo pa’t nanggaling ito sa isang may kayang pamilya.
Kahit labag sa kanyang kalooban, at sa pagtutol ng ina, sinunod ni Ken ang kagustuhan ng daddy niya na tustusan ang lahat ng pangangailangan ni Olga hanggang sa makapanganak. Siya na rin ang nagbabayad ng apartment at groceries nito. Baka raw kasi nagkakamali lang siya at anak talaga niya ang bata. Ayaw ng daddy niya na mapabayaan ang apo nito kung sakali at baka mawalan din siya ng karapatan sa bata. Hindi naman daw problema sa kanila ang pera sabi pa ng daddy niya.
“How could that possibly be? You know that I used protection that night, Olga.”
“Hindi laging reliable ang protection, Ken. Alam mo ‘yan. And our last time in the bathroom, you didn’t use one.”
Umiling-iling si Ken. Alam niyang nag-withdraw siya noong may nangyari sa kanila sa banyo. Pero sinarili na lamang niya iyon. Kahit paulit-ulit pa niyang ipagpilitan ang punto ay hindi siya mananalo kay Olga. Kailangan pa rin talagang hintaying makapanganak ito upang makapag-DNA test sila ng bata.
“We will find out the truth later on. Makakabuti kung mananahimik ka at huwag na huwag ka na uling pupunta sa opisina,” mariing utos niya.
Sa kasalukuyan, ang kanyang mga magulang pa lang ang nakakaalam ng tungkol kay Olga. At wala siyang balak na ipaalam iyon sa iba, lalong–lalo na kay Trisha… at least hindi pa sa ngayon. Saka na siguro kapag tapos na ang problema niya. Hindi rin kasi niya alam kung paano sasabihin sa girlfriend ang problema na hindi ito masasaktan at mamumuhi sa kanya.
“Kung may kailangan ka, ako ang kausapin mo at hindi ang mga magulang ko,” patuloy niya at naglakad na patungo sa pinto.
“Damn you, Ken! Sa oras na makapangak ako, palalakihin ko ang bata na namumuhi sa’yo,” nanggigigil na pahabol na sabi nito.
Ipinilig niya ang ulo sa narinig. Itinuloy niya ang paglabas ng apartment. Ilang buwan pa ang titiisin niya bago matapos ang problema niya. If he had known that sleeping with her would give him so much trouble, he would never entertain her the first time he met her.Iyon na marahil ang karma niya dahil sa pambabae niya. Ipinapanalangin na lang niya na sana hindi matuklasan ni Trisha ang kinasasangkutan niyang problema dahil lubha niyang kinatatakutan ang posibilidad na mawala ito sa kanya.
 
“ANG LAKI talaga ng ipinagbago ni Kuya mula nang sinabi niyang may girlfriend na siya.”
Napatigil sa paghigop ng kape si Trisha sa sinabi ni Kate. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa isang open–air coffee shop sa Tokyo matapos nilang mamasyal sa mga tourist destination ng siyudad kasama si Jane. Itinaon ng kanyang mga kaibigan na tapos na siya sa kinuha niyang crash course nang bisitahin siya ng mga ito para makapagliwaliw sila nang husto sa siyudad at pagkatapos ay sabay – sabay na silang uuwi sa Pilipinas.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” curious na tanong ni Jane.
“Well, kung hindi rin lang sila magkikita nina Paolo, pagkatapos ng trabaho ay dumederetso na siya ng uwi sa bahay. Wala na siyang night life at madalas na naming nakakasabay sa dinner. Kapag weekends naman, kung hindi siya kasama ng barkada, kami pa rin ang kasama niya. Nang pinuna namin ni Kirsten ang pagbabago niya, ang sagot naman ni Kuya, natagpuan na raw kasi niya ang babaeng magpapatino sa kanya kaya wala na raw dahilan para lumabas pa siya sa gabi.”
Napangiti si Trisha sa narinig at maingat na uminom sa kape. Wala man siya sa Pilipinas ay naniniwala siya na siya lang ang babae sa buhay ni Ken. Ramdam din niya ang pagmamahal at pag–aalala nito sa kanya habang nasa malayo siya. Kahit hindi mahilig sa internet at mag–chat ang binata ay nagkahilig ito para lagi silang magkausap at magkita. Pareho silang makulit si Ken at matigas naman ang ulo nito kung minsan, dahilan kung bakit sila nagkakatampuhan at hindi nagkakaintindihan pero madali naman silang nagkakabati.
“Na–meet mo na ba ‘yong girl?” tanong pa ni Jane.
“Hindi pa nga, eh. Nasa abroad pa raw kasi ‘yong girlfriend ni Kuya kaya hindi pa niya naipapakilala sa amin.”
“Really? Nasa abroad ‘yong girlfriend ni Ken, tapos wala na siyang night life? He must have really changed,” namamanghang sabi ni Jane.
“Kaya nga, eh. Sana lang, makasundo namin agad ni Kirsten ‘yong girlfriend ni Kuya. Pakiramdam ko kasi, seryoso na talaga siya sa babaeng ‘yon.  Ayoko namang magalit sa amin si Kuya kapag inayawan namin ‘yong girlfriend n’ya.”
“Loka ka, huwag mong paiiralin ang pagiging spoiled mo. Kahit sino pa ang girlfriend ng kuya mo, dapat tanggapin n’yo s’ya. Hindi puwedeng makita mo lang na mas mataray sa ’yo ‘yong girl aayawan mo na kaagad,” panenermon ni Jane.
“Tama !” nangingiting pagsang–ayon ni Trisha. 
“Anong tama ka diyan?” baling sa kanya ni Kate. “Wala na ba talaga kayong pag–asa ng kuya ko? Hindi na ba talaga kita magiging sister–in–law?”
Lihim siyang napangiti. Kung alam mo lang, Kate. Nakikini-kinita na niya ang magiging hitsura ng kaibigan kapag ipinakilala na siyang girlfriend ng kuya nito. Sigurado siyang hindi mabilang na kurot mula rito pati na rin ay Jane ang matatamo niya pero sa huli ay sigurado naman siyang buong puso siyang tatanggapin ng kaibigan at ng buong pamilya nito.
“Don’t force it, Kate. Kung meant to be talaga kami ng kuya mo, whatever happens, in the end kami talaga, ‘di ba?” sa halip na sagot niya.
“Ewan ko sa ’yo,” nakaingos na sabi sa kanya ni Kate bago humigop sa kape nito.
Natawa na lang siya. 
“Eh, kailan mo naman ipapakilala sa amin ang boyfriend mo, aber?” tanong ni Jane.
“Soon.”
“Pag-uwi natin, hindi na talaga kami papayag na hindi namin makilala ‘yong boyfriend mo,” ani Kate. “Pinuntahan ka ba n’ya rito?”
“Yes.”
Sa loob ng anim na buwan na pananatili ni Trisha sa Japan, apat na beses pa siyang binisita ni Ken at sa mga pagbisitang iyon ay nagkasama sila ng tatlo hanggang limang araw. She would always consent making love to him. Alam niyang mas naging modernang babae na siya pero wala siyang pinagsisihan dahil mahal na mahal naman niya ang lalaking pinag-alayan ng sarili sa unang pagkakataon.
Nanlaki ang mga mata ni Jane. “Pinuntahan ka rito ng boyfriend mo nang siya lang? You mean sa ganitong karomantikong lugar nagkasama kayo nang kayo lang? Don’t tell me sa apartment mo pa siya tumuloy?”
Knowing Jane, kahit moderna kung mag–isip sa lahat ng bagay at may pagka-liberated manamit ay conservative pa rin ito. Pupusta siyang virgin pa rin si Jane kahit engaged na sa pinsan niya.
“Yes.  Tumuloy siya sa apartment ko, at nagkasama kami nang kami lang. Ano namang masama roon?”
“Ows?” sabi naman ni Kate. “Don’t tell me hindi ka na…”
“Shut up, Kate! Kahit kailan hindi ako nag–usisa ng tungkol sa intimacy n’yo ni Jay–Jay at ganoon din ako sa ’yo Jane. Kaya huwag n’yong asahan na magkukuwento ako tungkol sa intimacy namin ng boyfriend ko, okay?”
“Okay!” sabay na sagot nina Kate at Jane na parang parehong napahiya sa sarili.

“FLOWERS for my beautiful lady,” nakangiting sabi ni Ken kay Trisha sabay abot ng hawak nitong long–stemmed rose na kanina pa nakapatong sa ibabaw ng dashboard ng kotse nito.
“Thanks!” nakangiting sagot ni Trisha. Ang boyfriend ang sumundo sa kanila sa airport pagdating nilya sa bansa mula sa Japan. At mula pa kanina ay pinipilit na nilang umakto nang normal sa harap nina Jane at Kate. Nauna na nilang inihatid si Kate sa bahay ng mga ito sa Mandaluyong kahit na mas malapit ang Dasmariñas Village sa NAIA. Ikinatwiran ni Ken nang magtanong si Jane na pupuntahan pa nito sa Makati ang girlfriend pagkatapos silang ihatid kaya inuna na nitong ihatid ang kapatid.
Pagdating sa village nila ay inuna rin nilang ihatid si Jane kahit na mas mauuna ang bahay nila.
Nang ihinto ni Ken ang sasakyan sa park malapit sa bahay nila, nakumpirma ni Trisha na gusto lang siyang masolo ng boyfriend kaya sinadya nitong ihuli siya sa paghatid.
“So, sinong girlfriend ang pupuntahan mo sa Makati?” pabirong tanong niya.
“Of course, alibi ko lang ‘yon,” natatawang sagot ni Ken. “I’ve changed. Ikaw lang ang nag–iisang girlfriend ko at nag–iisa sa puso ko.”
Napangiti siya sa narinig. “Talaga?”
Sunod–sunod itong tumango at kinintalan siya ng mabilis na halik sa kanyang mga labi. “Pero wala ka bang pasalubong na Haponesa sa akin?” biro nito.
“Wala, pero samurai may dala ako.”
Humahalaklak na hinila siya nito at pinanggigilan ng halik. Buong puso naman niyang tinugon ang halik ng boyfriend. 
“I’ve missed you so much, sweetie. Please don’t go again,” humihingal na sabi ni Ken nang maglayo ang kanilang mga labi pero nanatili pa rin silang magkayakap.
“I won’t.”

The Substitute Date - Published under PHRWhere stories live. Discover now