Chapter Five

5.9K 130 2
                                    


“TRISHA, this is David Raymundo. Pare, this is my cousin Trisha Escobar,” pakilala ni Paolo.
“I’m glad I finally meet you, Trisha,” nakangiting sabi ni David. Naglahad ito ng kamay.
Tinanggap ni Trisha ang pakikipagkamay ng binata. “‘Glad to meet you, too, David,” sabi niya saka matipid na ngumiti. Nailing siya sa paraan ng pagtingin ni David sa kanya. Pakiramdam kasi niya ay hinuhubaran siya nito sa isip kung makatingin.
Nakamamatay na tingin ang ipinukol ni Trisha kay Jane nang magpaalam ito at si Paolo matapos silang ipakilala ni David sa isa’t–isa. Parang gusto na niyang sabunutan ang kaibigan sa sobrang inis niya.
Pinuntahan kasi siya ni Jane sa bahay nila at pinilit na lumabas kasama si Paolo. Iyon pala ay para lang ipakilala sa lalaking dapat niyang makaka-blind date.
“Sorry talaga sa mga previous dates natin na hindi natuloy, Trisha,” apologetic na sabi ni David nang makaupo na sila.
“Forget it. Magkakilala na naman tayo ngayon,” aniya at pilit na ngumiti.
Tinawag ni David ang waiter. “What do you want, Trisha?”
“Cali shandy.”
“‘Yon lang? You don’t want to eat something heavy, nag-dinner ka na ba?”
“Okay na ‘yon. Busog pa ako.”
Nag–order si David para sa sarili. Habang kausap nito ang waiter ay pinagmasdan niya ito. Guwapo si David sa salitang guwapo. She could describe him as tall, dark and handsome. May pagkakahawig pa nga ito kay Antonio Banderas na gumanap na Zorro. But he was not her type. Turn-off kaagad sa kanya ang mahaba nitong buhok na naka–ponytail. Siya ang babae pero mas mahaba pa ang buhok nito kumpara sa kanya.
Pagkaalis ng waiter ay binalingan siya ni David. Nagsimula itong magkuwento tungkol sa sarili. Pagkalipas ng ilang sandal, nagsimula nang mabagot si Trisha. Hindi niya gusto ang kadaldalan at kayabangan ng kasama. Ang mga naging proyekto nito sa Visayas ay paulit–ulit nitong ikinuwento na halatang nagpapa – impress lang. Ni hindi ito nagtanong ng tungkol sa kanya.
Lihim siyang natuwa nang biglang tumunog ang cell phone ni David, nag – excuse ito sa kanya at saka tumayo. Nang mapag–isa, iginala ni Trisha ang tingin sa paligid habang sumisimsim ng Cali shandy.
They were in a resto–bar in Malate. Relaxing ang atmosphere ng paligid at may tumutugtog na acoustic band sa stage. Alas–siyete na noon ng gabi. Siguro ay maaga pa kaya hindi crowded ang lugar kahit pa Sabado. Sandali siyang nanigas sa kinauupuan nang makitang nakaupo sa isang silya ilang dipa lang ang layo sa table nila ang lalaking nanatiling laman ng isipan niya nang mga nakaraang araw.
Si Ken. 
He was looking at her, too. Grupo ng mga lalaki at babae ang kasama nito sa table na marahil ay mga kaibigan nito o kasamahan sa trabaho. Ngumiti si Ken. He nodded his head to acknowledge her. Ginantihan niya ito ng ngiti.
“Trisha,” pukaw ni David.
Napatingin siya sa binata. Hindi niya namalayan na nakabalik na pala ito. “I’m really sorry, but I have to go. Nagkamalay na kasi ‘yong kaibigan ko na nasa ospital. Ihahatid na lang kita,” apologetic na sabi nito.
“Oh, it’s okay. You can go to your friend. I can manage,” nakakaunawang sabi niya.  Relieved pa siya na aalis na ito.
“Paano ka?”
“I have a friend over there. Makiki–join na lang ako sa kanya.”
“Are you sure? I can still manage to take you home.”
Umiling si Trisha. “It’s okay. Puwede ka nang umalis, ako na’ng bahala sa bill.”
“No, Trisha.” Tinawag ni David ang waiter at binayaran ang bill. “I’ll go ahead, I’m sorry again,” sabi nito at tuluyan na siyang iniwan.
Ilang segundo lang ang lumipas nang lapitan siya ni Ken. “Ano’ng nangyari sa ka-date mo?” tanong nito habang umuupo sa iniwang silya ni David.
“May emergency, kailangan niyang puntahan ang kaibigan niyang nasa ospital.”
“I see,” tumatango–tangong sabi nito. “So, can I be your substitute date now?”
Napangiti si Trisha. “Sure, Engineer Alegre. Pero paano ang mga kasama mo?” Sinulyapan ang iniwan nitong mesa.
“Mga kaibigan ko sila way back in college, would you mind if we join them?”
“It’s fine with me.” He then offered his hand and they walked towards to his friends.

“THANK you for saving my night again,” sabi ni Trisha nang pumasok na sa gate ng village nila ang kotseng sinasakyan. 
“I’m glad I found you again tonight. Gusto ka ng mga kaibigan ko, kaya lang sorry hindi sila naniniwala na friends lang tayo, eh,” nakangiting sagot ni Ken na sandaling tinignan siya.
“I like them, too.” Pinagwalang–bahala niya ang huling sinabi nito.  “Mas gusto ko pa silang kausap kaysa kay David.” Maliban sa isang babae na muntik na niyang buhusan ng beer kanina dahil sa lantarang pakikipag–flirt kay Ken kahit pa very attentive sa kanya ang binata habang kaumpok nila ang mga kaibigan nito. Hindi rin niya gusto ang mga pailalim na tingin ng babae sa kanya. Siguro ay nagkaroon ito ng affair kay Ken kaya umakto ito ng ganoon. 
“That was obvious. Nakita ko ang mukha mo kanina na bored na bored ka kay Architect Raymundo.”
“You know him?”
“Of course, sa Builders siya nagta–trabaho, ‘di ba?”
“Yeah.” Nawala sa isip ni Trisha na pag–aari nga pala ng pamilya ni Ken ang Builders at doon din ito nagtatrabaho.
“I know him. Asar na ako sa kanya noon pa dahil sobra ang yabang niya. Although he’s one of the top architects in the company, and he’s really good at his job. But still, I don’t like the guy. Nagtataka lang ako kung bakit sa dinami – rami ng bachelors sa office, siya pa ang ipinakilala ni Paolo sa ’yo.”
“Hindi ko rin alam.”
Namagitan sa kanila ang sandaling katahimikan. Isang kanto bago ang mansiyon ng mga Escobar ay biglang inihinto ni Ken ang kotse nito sa ilalim ng isang puno at pinatay ang makina ng kotse. Humarap ito sa kanya.
“We need to talk.”
Tumango si Trisha. Nagulat siya nang bigla siya nitong hilahin sa batok at siniil ng halik sa mga labi.
“Kiss me back,” bulong ni Ken nang sandaling ilayo ang mga labi sa kanya.
She did what he said. She closed her eyes and returned his kisses. Naglambitin pa siya sa leeg nito. Habol nila ang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Pinagdikit ni Ken ang kanilang mga noo.
“Trish… Let's find out what we feel about us.”
Hindi siya nakasagot. She wanted to say “yes” dahil alam niyang hindi na niya kayang paglabanan ang nararamdaman. Pero bigla siyang nagdalawang-isip dahil sa babae kanina. Paano kung pumayag siya sa gusto ni Ken at pagkatapos ay marami pa palang ganoong babae na mamagitan sa kanila? Idagdag pa na natatakot siya sa maaring kahantungan ng lahat kung sakaling hindi mag–work out ang kanilang relasyon. 
Humiwalay ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Look at me, Trish.”
Sumunod siya. Naghinang ang kanilang mga mata. “I love to make you mine. Please, let’s give it a try at pangako, hinding–hindi kita sasaktan,” nagsusumamong sabi nito.
Matagal bago siya dahan–dahang tumango si Trisha. She wanted to take a risk with him. Bahala na kung hanggang saan sila makarating. Nagtitiwala naman siya sa pangako nito at gagawin din niya ang ipinangako nito.
Sumilay ang masuyong ngiti sa mga labi ni Ken bago muling inangkin ang kanyang mga labi. 

The Substitute Date - Published under PHRWhere stories live. Discover now