C H A P T E R 1

27 3 0
                                    

Y S A B E L L E
—   💍   —

UGH! Ansakit ng ulo ko. Nakainom na naman yata ako. Ano ba yan. Hays dapat talaga di na ako pumunta dun.

HMMM...

Bakit ang lambot ng kama? Bakit parang lumaki yung hinihigaan ko sa bahay? Atsaka bakit ang lamig din dito?

Pagdilat ko ay nakahiga ako sa magandang kama. Puro puti at navy blue ang nakikita ko sa paligid ko.

Nasa mansion ba ako? Nasaan ako? Bakit wala akong kasama dito? Bakit ako nandito?!

Biglang bumukas ang pinto at nakakita ako ng....


LALAKI?!?!


"Gising ka na pala miss. Masakit pa ba? Ayos ka na ba?"

Huh? Ano bang sinasabi nitong lalaking to? Hindi kaya...


MAY NANGYARI SAMIN?!?!


"Don't tell me nakalimutan mo yung nangyari kagabi?"

Aba nakangiti pa ng nakakaloko ang mokong. Teka ano nga bang nangyare kagabi?!?

"Aww nakalimutan mo na nga."

Yumuko sya na para bang nalulungkot. Aba hanep!

"Nakalimutan ang alin?!"

"Yung nangyari satin. Ang wild mo kagabi miss. Grabe, iba ka!"

Wow? Ano ako? Tigre sa zoo? Ang hinhin ko kaya! Buset to ah!

"Huh? Anong bang ginawa ko kagabi?"

"Hinubad mo lang naman tong t-shirt ko tapos hinawak hawakan mo katawan ko. Tapos naganap na yung milagro. Ikaw nakauna sakin miss. Pasalamat ka."

"Huh? Ayusin mo nga yung pagkwekwento!"

"Ang demanding naman nito. Pinagsamantalahan mo na ako ganyan ka pa sakin. Buti na lang at willing kang panagutan ako."

With matching evil smile pa! Ano bang pinagsasabi nito?!

Ako? Willing na panagutan sya? Eh wala nga akong ginawa sa kanya?!

"Can't you remember? May contract ka na pinirmahan sakin. Umiyak ka pa nga nun eh. 'Give me the fvking contract please! I need it for my mother's sake!'"

Sabay acting nya na para bang nagmamakaawa habang umiiyak kunware. Ang exaggerated naman nun.

T-teka...

P-parang n-natatandaan k-ko n-na...

F L A S H B A C K

"Bakit ganun? Ang malas ko naman."

"Malas?"

Contract SignedWhere stories live. Discover now