C H A P T E R 5

9 2 0
                                    

Y S A B E L L E
   💍  

Sampung taon ang ang lumipas at natapos din syang maligo.

May asawa na ako sa sobrang tagal nyang nanatili sa banyo.

Hahaha joke joke lang! Mabilis lang naman syang naligo.

Halatang nagmadali kasi di pa maayos ang pagkakabutones ng polo nya.

"Oi Ysabelle! Pinagpapantasyahan mo yung katawan ko? Nakita mo naman to kagabi ah?"

Sabay ayos ng butones ng polo nya.

"Aba! Hindi kita pinagpapantasyahan at lalong lalo ng hindi ko pa yan nakikita!"

Sabi ko at itinuro ang katawan nya.

"Sus! Kunwari ka pa! Alam ko naman na natatakam ka na naman sakin. Mamayang gabi na baby."

Napasinghal na lang ako. Grabe, iba din tong lalaking to!

Nag-abot sya ng isang magandang kahon sa akin.

Nakatingin lang ako sa kahon na iniaabot nya.

"Oi! Ano ka ba? Kunin mo na. Ang sakit na ng braso ko."

Kinuha ko naman yung kahon at inalog alog ito habang nakatapat sa tainga ko.

"Ano ba to? Bomba? Hindi ako marunong magdiffuse ng bomba!"

"Anong bomba ka dyan? Nasisiraan ka na ba? Bakit ako magbibigay ng bomba sa mismong bahay ko pa?"

"Ito naman, hindi mabiro!"

"Ay joke ba yun? Nakalimutan kong tumawa! Haha!"

Halatang pilit lang yung tawa nya kaya naman inirapan ko sya.

Ang ganda naman ng joke ko ah! Atsaka ang effort ko kaya!

Binuksan ko na yung kahon at bumungad sa akin ang isang bomba.

Hahaha joke lang!

¾ na blue na floral dress talaga yung nakita ko sa loob ng kahong inabot nya sakin.

"Huh? Anong gagawin ko dito?"

"Subukan mong kainin, kaya mo ba? Syempre isusuot mo yan ngayon."

"Malay ko ba? Malay mo naman lalabhan ko diba?"

"Ang astigin ko naman pala. Magpapalaba na lang nakakahon pa."

"Prepared?"

"Syempre naman, ako pa ba? Pumasok ka na nga sa kwarto para makapagbihis ka na."

Gaya ng sinabi nya ay pumasok ako sa isang kwarto at nagbihis.

Napagtanto ko na may sapatos at undies pala sa loob ng kahon na kasya sa akin.

B-b-binili nya ba to?!??

Bigla akong nailang sa nakita ko. Itinupi ko yung mga pinagpalitan ko at inilagay sa kahon.

Iniwan ko yung kahon sa lamesa na nasa kwarto na pinagbihisan ko.

Nakakailang kasi ngayon lang ako nakapagsuot ng magarang damit.

Madalas na suotin ko lang kasi ay t-shirt at pantalon na may kapares na pinaglumaang sapatos ng anak ni Aling Lita.

Parang ayaw ko pang lumabas dahil sa suot kong dress.

Parang ang ikli ng suot kong damit ngayon. Parang di angkop para sa akin.

"Mag-ayos ka na din kung gusto mo. Just take your time."

Contract SignedWhere stories live. Discover now