C H A P T E R 2

23 2 4
                                    

Y S A B E L L E
—   💍  

Ang layo naman pala nung bahay este mansion nito sa bahay namin. Pero parang malapit lang dahil sa mabilis kami nakarating.

Una siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Nandito lang kami sa arko ng purok namin.

Hanggang dito lang kasi malamang di kasya yung kotse nya sa kitid ng daan dito sa purok namin.

Tinignan ko sya. Nakatingin lang sya sa mga batang naglalaro sa lansangan. Hindi naman sya nandidiri sa kanila.

Natutuwa pa nga yata siya...

Naglakad na ako at sinusundan nya ako. Ano bang balak nito? Gusto ba nitong ipakilala ko sya kay mama?

"Bakit mo ko sinusundan? Ayos naman na ako, pwede ka naman na umalis."

"Gusto ko lang makita yung mama mo atsaka kung saan ka nakatira."

"Ahh si mama ba? Hindi ka ba nandidiri sa nakikita mo?"

"Huh? Bakit naman ako mandidiri?"

"Kasi kumpara sa mansion nyo, napakadugyutin dito sa amin."

Nanahimik sya saglit at bigla na lang nagsalita, napatigil ako.

"Tao lang din naman ako tulad nila atsaka pare-parehas lang naman tayong nakatira sa pinas diba?"

"Oo nga pero mayaman ka at kami naman mahirap."

"Ano naman ngayon? Parehas naman tayong lahat na tao."

Ngumiti sya sakin. Tanggalin ko kaya tong bibig nito para hindi ko na makita yung ngiti nyang nakakatunaw.

Totoo bang fiancée na ako nitong lalaking to? Para akong nananaginip sa bilis ng mga pangyayari.

"Oo nga pala, hindi ko pa nababasa yung kontrata na sinasabi mo. Pabasa mamaya ah."

Sabi ko habang naglalakad na ulit at di na lumilingon sa kanya.

"Sige ba, basta wag mo lang pupunitin ah. Sayang naman effort ko dun kong sisirain mo lang."

"Ok sige, hindi ko pupunitin. Yung kagabi nga pala, may nangyari ba talaga satin?"

"Sekretong Malupet"

"May mga mayayaman pala na jejemon."

"Oi hindi ako jejemon. Naririnig ko lang kay Luke yun."

"Sino ba si Luke?"

"Siya yung masiba kong kaibigan"

Sabay tawa nya, aba tuwang tuwa?
Binuksan ko ang pinto sa bahay namin at nakita ko sila mama at Aling Pacing.

"Mama, nandito na po ako! Sorry ah wala po akong dalang pasalubong."

Tinanggal ko yung bag ko at inilapag sa monoblock na lamesa namin.

Contract SignedWhere stories live. Discover now