C H A P T E R 6

6 2 10
                                    

Y S A B E L L E
—    💍    —

Nag-elevator kami papaakyat sa 11th floor kung saan naroroon ang opisina nya.

Binuksan nya ang pinto nito at pumasok na kami.

"Maupo ka muna dyan babe. Baka napagod ka na kanina."

Tinignan ko sya ng masama. Nasa loob na kami pero babe pa rin tawag nya sakin?

Lumapit sa sakin, sa sobrang lapit ay napaatras ako. Di ko namalayang pader na pala at waka na akong maaatrasan.

Inilapit nya ang mukha nya sa akin.

"Nakikita mo yung CCTV Camera?"

"Hindi, wala naman ah."

"Buti naman, akala ko may nakikita ka na hindi ko nakikita."

Hinampas ko yung braso nya. Aba hanggang dito pinagtritripan ako!

Lumayo sya sa akin at umupo sya sa kanyang itim na upuan. At nag-ayos ng ilang mga folder.

"HAHAHA practice lang yun para mamaya pag nasa meeting na tayo ay ayos at mukhang natural na ang lahat."

"Huh? Akala ko ba maiiwan ako dito sa opisina mo?"

"Kailangan mo sumama para makita naman nila na sinusuportahan ako ng fiancée ko."

Kinindatan na naman ako ng loko. Nakakasawa na ah!

"Nakakakaba..."

Malumanay kong sabi.

"Kasama mo naman ako kaya di ka dapat kabahan."

Napalitan ang pagkamaloko nya ng pagiging tagapagtanggol ko.

Pinagsama sama nya sa iisang dako ang mga folder na inayos nya kanina.

Nang matapos sya sa pag-aayos ay naglakad sya papunta sa akin.

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Hinawakan ko din ang kanya.

Nawala ang kaba ko dahil siguro sa sinabi nya sa akin at sa kanyang kamay.

Naglakad kami patungo ng pinto at lumabas para sumakay ng elevator.

Nang nasakay na kami ay hinapit naman niya ang beywang ko.

"Pasensya ka na, kailangan lang talaga. Baka kasi may makita sa atin na magkalayo dito sa elevator."

Hindi na lang ako umimik sa sinabi nya. Mukha naman totoo ang sinasabi nya at naniniwala ako dun.

Pagbukas ng elevator ay madaming empleyado ang nakaabang sa labas para sumakay din.

Mukha silang gulat na gulat nang makita kami ni Gio.

"Yan yata yung fiancée ni Mr. Chandler."

"Oo nga, ang swerte naman nya."

"Oo naman noh! Para na syang nanalo ng jackpot prize sa lottery! Complete package na kaya si Sir Gio!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Contract SignedWhere stories live. Discover now