C H A P T E R 3

13 2 0
                                    

Y S A B E L L E
   💍  

Agad agad din kaming nakarating sa bahay na sinasabi ni Gio.

Maganda yung bahay at mas malaki sa dati naming bahay.

Iisa lang ang kwarto pero malaki. Kasinlaki na ng barong barong namin.

Kompleto na sa gamit yung bahay. May mansion naman sya ah pero bakit may bahay pa sya na ganito?

Iba din talaga kapag mayaman. Pero sa totoo lang nakakahiya na pinatira nya pa kami dito.

Inayos ko na ang mga gamit namin ni mama dito sa bahay na to.

Mabilis lang kaming nag-ayos dahil tumulong din si Gio sa amin.

Pinahiga ko na si mama sa kama. Panigurado napagod din si mama.

Nakaupo kami ni Gio sa sofa habang hinihintay yung magbabantay na nurse kay mama tuwing wala ako.

"Salamat ulit."

Sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya. Panigurado ngingiti na naman to.

"Sweldo mo na yan sa unang linggo ah. Mamumulubi ako sayo."

"Hindi ko pa nga alam kung anong trabaho ko eh."

"Fiancée nga kita."

"Eh ano naman kung fiancée mo ako?"

"Magiging asawa kita."

"Huh? Ganun ba yun?"

"Oo"

"Hindi naman kita papakasalan diba?"

"Syempre naman. Gagawin ko ang lahat para di tayo umabot dun."

"Ahh ibig-sabihin palabas lang ang lahat ng mga gagawin natin?"

"Uhm oo naman. Bakit? Gusto mo bang totohanin natin? Pwede naman."

"Baliw! Syempre ayoko!"

"Wow, mapili ka pala. Sabagay maganda ka naman."

Nasisisiraan na talaga to ng bait.

"Lasing ka ba? Ako? Maganda?"

"Oo maganda ka. Alam mo bang type ko yung mga mala-exotic na ganda."

Binatukan ko ang mokong. Siraulo talaga to.

"Ang galing mo din eh no! Ganda na ng sinabi mo ng una tapos bigla ka na lang nanglait ng ganyan."

"Hahaha biro lang. Pero totoo yung maganda ka."

"Huh? Ano yun?"

"Ang sabi ko andyan na yung nurse, umalis na tayo."

Kinausap namin yung mga nurse at binilinan ko sila ng mga gagawin.

Contract SignedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora