Kabanata 3

619K 12.5K 1.5K
                                    


"That is an original Baroque painting, Mr. Tomson. It was by Caravaggio. It was believed to be a part of his painting at the Contarelli Chapel that can be found in Rome. Painted from 1599 to 1600." Masusi niyang paliwanag sa isang kalbong matanda na mukhang mas interesado pa sa kanyang mukha kaysa sa kanyang ipinapakitang mga larawan.

Naiinis niyang pinatunog ang kanyang takong ngunit mas lalo lang siyang nairita nang maramdaman ang kamay ng matanda sa kanyang baywang.

"This is interesting, Miss Mercado." Kunwaring sang-ayon ng matanda sabay giya sa kanya sa harap ng Rembtandt van Rijn para kanyang ipaliwanag. Si Monsieur John Deviche ay isang French na mayari ng art museum na kanyang pinagtatrabahuhan. Sikat na sikat ang museo dahil hindi lahat ng bahagi ay bukas sa public viewing. Mahigpit ang seguridad sa loob at bilang lamang ang pupwedeng pumasok sa silid kung saan nakadisplay ang mga mahahalagang painting na may kinalaman sa kasaysayan.

Tumikhim si Mr. Tomson nang magpatiuna siya sa paglalakad para makalayo dito. Kung hindi lang ito personal na ipinaasikaso sa kanya ng kanyang amo, hindi na niya ito pakikitunguhan. Mr. Tomson was planning to adopt some Filipino paintings and the art museum will donate the proceeds to a cancer ward. Interesado siya doon kaya pinagbubuti niya ang trabaho.

Aminado naman siyang matigas ang kanyang puso sa lahat ng bagay maliban na lang sa may mga sakit lalo na ng cancer na gumupo sa kanyang ina. Siya din ang nag-suggest ng beneficiary at hindi siya nahirapan dahil suki siya ng Angels of Hope, isang nursing care para sa mga batang may cancer na hindi kayang suportahan ng mga magulang. Regular siyang nagtutungo doon para mag-donate pero mas malaking bagay kung bibili nga si Mr. Tomson ng paintings.

"Can we have some coffee downstairs? Gusto kong ipaliwanag mo ang magiging arrangement ng delivery ng paintings."

Miru smiled politely, "Mr. Yan, our Marketing head will discuss it to you, Mr. Tomson."

Napangiwi si Mr. Tomson at hinaplos siya sa kanyang siko, "Sige na naman, pagbigyan mo na ako, Miss Mercado." Kinilabutan siya sa paraan ng pakiusap nito. But then, she was left with no choice. Coffee lang naman daw, ano pa ba ang maaari nitong gawin lalo na't nasa poder pa din siya ng kanilang pinagtatrabahuhan?

Nilagpasan nila ang mga taong dinaraanan nila pababa ng private museum. There were few who were quick to recognize her. Simple siyang tumango sa mga ito at sinabayan sa paglalakad si Mr. Tomson. Itinulak nito ang pinto papasok sa coffee shop at natigilan siya nang mapansin ang lalaking laman ng kanyang imahinasyon ilang araw na. The man is in his complete three-piece gray suit, with an expensive silver rolex watch as his accessory. Nagmukhang maliit ang pandalawahang lamesa dahil sa tangkad ng lalaki. Ang tasa ng kape ay nagmukhang laruan sa malaking palad nito. Oh boy, he's really tall.

Napausal siya ng mahinang mura nang magtama ang mga mata nila. Nagtiim bagang ang lalaki na siyang pinagtakahan niya. Why does he seem so mad at her? Kadalasan sa mga lalaking nakikilala niya ay matutuwa kapag nginitian niya, pero ang binata ay agad na nagtataas ng pader wala pa man din. Miyembro naman ito ng Temptation Island, imposibleng allergic ito sa babae.

Napatingin siya sa kausap nito, seryosong nagpapaliwanag ang isang lalaki na hindi nalalayo ang edad kay Mr. Tomson. Napalunok siya, nakaramdam ng hindi maunawang pagkamuhi na bitbit niya simula pagkabata. Architect Lemuel Tanjuatco in the flesh. Inisip niya kung makikilala ba siya ng sariling ama. Ni hindi nga din niya napansin kung merong bahagi sa kanya ang katulad sa ama. Maybe becaus they never saw each other, it is impossible to possess any of his qualities.

"Miss Mercado?" Tawag sa kanya ni Mr. Tomson. Ang bakanteng lamesa na kanilang nahanap ay sa tabi mismo ni Wyatt at Lemuel. Hindi siya mapakali. She saw Lemuel on magazines but she never got this close, the last time was when she was four with her sick mother, on the day of Lemuel's wedding day.

Temptation Island 2: Sweet Surrender PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon