Kabanata 20

527K 13.6K 3.6K
                                    




Hawak kamay sila ni Wyatt buong byahe nang bumalik sila sa Maynila. She's so happy that she didn't even open her phone. Pakiramdam niya kasi ay nasa tabi na niya ang kanyang kailangan. Goodness, in a brief moment, she felt the tenderness of a man. Para siyang baliw na nangangarap ng future niya kasama ang isang lalaki at hindi niya inaasahan yon. Mabilis, pero masarap sa pakiramdam.

Malapit na sila sa kanyang apartment ng buksan ang kanyang cellphone at bumulaga sa kanya ang sunod sunod na mensahe mula sa Angels of Hope. Binalot siya agad ng kaba.

'Malala na ang lagay ni Teptep. Nasa Children's Hospital na siya.'

Nanginig ang kamay ni Miru habang binabasa ang mensahe ni Sister Geraldine. Wyatt gave her worried stares when she started to tear up. Agad silang sumugod sa ospital nang sabihin niya ang nangyari.

Nanghihina ang tuhod niya habang naglalakad sa pasilyo ng ospital. Pamilyar ang lakad niyang iyon. Ilang beses na ba niyang ginawa iyon? Many times. Lagi siyang umuuwing luhaan pagkagaling sa ospital na ito. Ang iyakan sa ICU ay kilala na niya. Ang iyak ng mga naulilang ina sa anak ang background sa lugar na iyon, normal iyon, pero walang kasing sakit. She fcking knows the familiar cry. She cried like that, many times too.

"Sister." Niyakap niya ang madre. Nadungisan ng luha nito ang kanyang braso.

"Hinahanap ka ni Teptep. Puntahan mo na siya, Miru bago pa--" Tumango siya. Gusto niya munang kumustahin ito bago alamin ang kalagayan. Lahat naman ng dinadala dito, alam na niya ang ending, pero natatakot siya ngayon, hindi siya handa. Nagsuot siya ng labcoat at mask bago pumasok ng silid nito.

Agad niyang nakita si Teptep na nakapikit ang mata, may oxygen at namumutla. Sinilip niya ang oxygen level monitor ni Teptep at napaluha siya nang makitang mababa na iyon, ang pulso naman ay sobrang bilis. Napatakip siya ng bibig, hindi siya handang mawala ito. The child is a fighter and will never deserve this.

"Ate?"

Mabilis niyang pinunasan ang luha nang tawagin siya ng nanghihinang boses nito. Hinawakan niya agad ang kamay ng bata.

"Tep, ano? Lalaban pa tayo.."

Mahinang humikbi si Teptep kahit nakapikit ito, "Gusto ko din sana, Ate. Kaya lang, tinatawag na Niya ako.."

"Sandali, huwag kang sumama, Tep. Di ba magvo-volunteer ka pa sa Angels of Hope? Di ba magiging pintor ka pa? Sabi mo, tatalunin mo ang mga paintings ko, iniintay ko 'yon.." Hindi na niya pinigilan ang malakas na paghikbi.

"Ate, baka sa iba na lang ang pangarap na yan. Sabi ng doctor, mahal daw po magpagamot sa akin—"

Pinunasan niya ang bumagsak na luha ni Teptep.

"Hindi, ipapagamot kita. Gagawa ng paraan si Ate. Promise ko yun sa'yo 'di ba? Kaya maraming trabaho si Ate, kaya Sabado lang ako nakakadalaw sa inyo kasi nagtatrabaho ako, nag-iipon—"

"Ate, gusto ko pang gumaling kaya lang baka ayaw Niya. Hindi ko gustong iwan kayo--"

Umiling siya habang pawisan at lumuluha, hindi siya makakapayag. She may have lost her faith when the heavens did not listen to her prayers but she knows, she knows that He will listen this time. Minasahe niya ang kamay nito para maibsan ang nararamdamang panghihina, maya maya pa ay nakatulog na ito.

Iniwanan niya si Teptep nang hindi na muli itong magsalita, lumabas siya ng silid. Namamaga ang mata niya. Hinuli ni Wyatt ang kamay niya at hinawakan ito ng mahigpit.

"I can help." Bulong nito sa kanya.

"Sa Singapore daw mayroong espesyalista para sa kaso ni Teptep." Sambit ni Sister Geraldine, sabay silang napatingin ni Wyatt. "Alam kong lahat ng pera mo, napupunta sa foundation, Miru. There's no other way but to hold a charity event for Teptep. Hindi mo kakayanin mag-isa."

Temptation Island 2: Sweet Surrender PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon