White Mocha Latte

1.2K 22 0
                                    

Since bago pa lang si Jackie at Yam, sila ang inutusan ng mga ka team nila na bumili ng coffee ng mga European partners na jetlag siguro mula sa byahe, and together ay may urgent meeting with the Boss para pag-usapan ang recent project for the company. 8 coffees in total ang pinabili, at iba2 pang flavor. Buti na lang dala ni Jackie ang kanyang phone at di iniwan sa bag niya at nagamit niya yun para matake note yung iba't ibang orders nila. Ang masaklap pa dun, binigyan lang sila ng 30 mins para madala ang lahat ng coffee sa conference room. Nasa tapat lang naman ng company nila yung coffee shop, pero sana konti lang ang tao at mabilis na maprepare yung orders nila. "Mga 5 mins na takbo pa coffee shop, 10 mins na order, at... bahala na! sana umabot." Meron nalang natitirang 5 mins ng makuha ni Jackie at Yam ang order na mga kape. Tig- 4 sila ng hawak, dalawa bawat kamay kasi may coffee holder naman. Nagmadali na sila tumawid. Nasa dulo pa kasi ng hallway yung elevator, at sa 5th floor pa sila aakyat. Lakad takbo sila pero very conscious sila sa dala nilang kape, "wag sana matapon please.", naisip niya. Napansin ni Jackie na mas nauuna na si Yam dahil di hamak na mas matangkad ito sa kanya. Kailangan niyang makahabol kay Yam. Tumungo si Jackie at tiningnan ang mga dala niyang kape, habang nagmamabilis sa paglakad. 

"Okay mas bibilisan ko pa pero chill lang kayo diyan wag kayo matatapon. Huhu." 

Aakma na syang hahakbang muli ng --- siomai!! Naapakan niya yung sintas ng shoes niya na hindi na niya napansin na natanggal pala sa kakamadali. Bago pa sya tuluyang bumangga buti na lang at naiwas niya agad ang mga dala niyang kape. Napaupo siya at chineck niya ang mga ito at napahinga sya ng maluwag ng makita na hindi naman natapon ang mga ito. "Thank you Lord!" sa isip2 niya. Sa sobrang saya ni Jackie, yung ngiti niya abot sa tenga. Pero yung nabangga niya, ayun natulak pala niya pa forward at tumaob ito.

Jackie: Okay lang ba kayo? Huhu. Naku salamat naman....

Vice: Mukha ba akong okay!?

Jackie: ... at hindi kayo natapon.

Napakunot ang noo si Vice; narealize niya na hindi pala siya ang kinakamusta ng nakabangga sa kanya. "Nako talaga yari sakin to. Nabanga na nga ako di man lang nag-sorry. Nag sorry dun sa hawak niya! Aba matindi!". Hinarap niya ang nakabangga sa kanya nang ang una niyang nakita ay ang ngiti sa labi nito. Pinagmasdan niya ang mukha nito at nakita yung genuine and innocent na saya kasi pati mga mata niya ay nakangiti rin. Natigilan sya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang imbis na magalit siya, bigla na lang syang may naramdaman na hindi niya maintindihan, basta ang alam niya, biglang nawala ang galit niya ng makita niya ang ngiti nito.

Jackie: Sorry po.. Nagmamadali po kasi ako kasi....kasi ano..

Tumayo si Jackie at bago pa matapos yung pag sosorry ni Jackie ay nalampasan na niya ang kanyang nabangga, at tumungo sa elevator. Agad naman itong nagbukas. Pumasok si Jackie at napakatingin nalang sya dun sa nabangga niya, saglit na natanaw na ito ay nakashades, nakasuit na powder blue, may pink na hair na hanggang shoulder (parang wig?), pero ang tumatak sa kanya ay ang pagiging mabango nito. Inamoy niya ang kanyang shoulder, parang kumapit dito yung pabango niya. Medyo pinroseso pa nya ng kanyang nakita pero before pa niya matitigan mabuti ay nagsara na ang pintuan ng elevator. Naalala niyia may kasama nga pala sya, si Yam! "Grabe yun iniwan ako". Paglabas niya ng elevator, dumiretso agad sya sa conference room at inabot ang mga dala niyang kape sa mga ka team niya na ngaun ay nakaupo na. Umabot siya! "Yahoo!". Nakita naman niya si Yam na nakaupo sa kabilang dulo ng room at medyo natatawa tawa pa yung mukha nito. "Nako lagot to sakin. Pagtawanan pa ko ha?". Lumapit siya kay Yam at umupo sa upuan katabi nito.

Jackie: Grabe ka di mo ko hinintay.

Yam: Di ko na napansin kala ko kasi kasunod na kita. Natatawa lang ako sorry. Haha. Kasi kitang kita sa mukha mo na ngarag na ngarag ka na, eh first day palang natin. haha

So Close Yet So FarМесто, где живут истории. Откройте их для себя