Bike

360 17 9
                                    

Natapos na ang Scavenger Hunt at ang nanalo ay team 2. Masayang-masaya ang lahat ng nasa team 2 lalo na si Jackie. Dahil lahat ng pagod niya sa paghahanda ng outing ay biglang nawala dahil sa pagkapanalo nila. Napansin niya na sobrang saya rin ni Vice. Para bang biglang nawala ang pagka suplado nito dahil ngayon ay masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga ka-team nila.

Sana lagi ka lang ganyan kasaya.

Yam: Huy Jackie!

Jackie: Ay siomai! Yam naman ginugulat mo ko!

Yam: Tulalang nakangiti ka lang kasi diyan.

Jackie: Inistorbo mo ako sa pag daday dream ko! Ano ba kasi yun?

Yam: Nagkulang tayo sa prizes. Maya-maya pa naman yung awarding. Pwede pa tayong sumaglit dun sa nadaanan natin na store kahapon.

Jackie: Sige. Kausapin ko yung may-ari ng resort. Alam ko may service sila dito eh.

Yam: Pahingi na lang ako listahan ng bibilhin.

Jackie: Ako na lang Yam. May kailangan rin akong bilhin na iba eh. Enjoy ka na lang diyan.

Yam: Sure ka?

Jackie: Opkors.

Yam: Wala ng bawian.

Jackie: Oo nga, ako na lang. Enjoy ka na lang diyan. swimming swimming kayo nila Kath at Daniel.

Yam: Okay.

Nagpunta si Jackie sa may-ari ng resort at sinamahan naman siya sa driver ng service. Nakarating na sila sa store. Malayo rin ito at yun lang ang nag-iisang store na pinakamalapit sa resort.

Jackie: Manong diyan muna kayo ah.

Pumasok na si Jackie sa store para bumili.

*Kriiiiiing kriiiiing*

Manong Driver: Hello?

Anon: Hello, Manong.

Manong Driver: Sino ito?

Anonymous: Ah kasama po ito ni Jackie. Manong, balik na kayo dito. Wag niyo na antayin si Jackie. May ka team rin kasi kami na may sasakyan na pupunta diyan. Sa kanya na sasabay si Jackie.

Manong Driver: Ganun ba? Sige, sabihan ko lang si Jackie na mauna na ko.

Anonymous: Ah Manong wag na. Natawagan ko na rin si Jackie. Alam na po niya. 

Manong Driver: O sige.

Sumilip sa side window si Manong para tanawin si Jackie. At saka ito ay bumalik na sa resort.


-STORE-

Nakapili na si Jackie ng mga dapat niyang bilhin. Gusto niya munang makita kung magkano lahat kaya hinanap niya ang kangyang cellphone sa bag.

Jackie: Hala sya. Asan na yung cellphone ko?

Naiwan ko ata.

Pumunta na lang si Jackie sa cashier para magbayad.

Cashier: Thank you!

Lumabas na si Jackie ng store at siya ay nagulat. Asan na si manong driver at ang sasakyan???

Dali-dali siyang tumakbo at tinanaw ang magkabilang side ng kalye. WALA. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam kung anong gagawin. Kailangan niya makabalik bago mag-awarding.

Siomai. Anong gagawin ko? Lalakarin ko ba to? Pero 6 pm na. Magdidilim na. Alam ko na. Baka may cellphone si ate cashier.

Cashier: Naku mam, pasensya na po. Wala po akong load.

So Close Yet So FarWhere stories live. Discover now