Concert Tickets

313 12 2
                                    

-FAST FORWARD TO NEXT WEEK-

Nasa airport na si Vice, Tye at ang team niya na pupunta ng Paris para sa kanilang company project. Di man aminin ni Vice ay sobra siyang nalulungkot dahil sa pag-alis nito. Ipinapakita lang niya kay Tye na pagiging super supportive niya dito. Pero curious siya, kung magiging selfish ba siya at hindi niya ito papayagan umalis mas pipiliin ba ni Tye na magstay?

Tye: Babe, bakit parang di ka man lamang malungkot na aalis ako?

Vice: Hindi. Ikaw naman. Tapang-tapangan lang ako no.

Tye: Wag kang mag-alala, mabilis lang ang 6 months.

Niyakap nila ang isa't isa.

Vice: I'll miss you.

Pumasok na sina Tye sa check-in. Ayaw na ring magtagal ni Vice sa airport kaya ito ay dumiretso na pauwi sa kanila. Para mawala ang kanyang lungkot, nabanggit niya kay Tye na manonood na lang siya ng concert ni KZ Tandingan nung araw na rin na yun mismo. Kaya sinamahan siya ni Tye na magbook ng seat at pinili niya sa pinakaharap.

-CONCERT-

Dumating na si Vice sa concert arena at naupo sa kanyang designated seat sa pinakaharap. Unti-unti ng nawawala ang kanyang lungkot dahil sa ambiance ng lugar. Pinagmamasdan niya ang design ng stage ng naramdaman niya na may umupo na sa kanyang tabi.

Vice: Jackie!?

Jackie: Ms. Vice? kayo po pala yan! (sabay ang isang napakagandang ngiti)

Vice: Bakit nandito ka? 

Sasagot na si Jackie ng biglang naglean paforward ang katabi ni Jackie sa left.

Yam: Hello po Ms. Vice!

Vice: Hello Yam. Ah magkasama kayo ni Jackie?

Yam:Ay opo magkasama kami.

"Wow kay Yam nag-hello. Sakin,  tinanong kung bakit ako andito. T_T", naisip ni Jackie.

Biglang nagdim ang lights. Magsisimula na ang concert. Tumingin na sa harap si Jackie para manood. Pasimple namang tiningnan ni Vice si Jackie. Bahagyang dumaan sa mukha ni Jackie ang isa sa mga stage lights. Sa halip na panoorin ni Vice ang masayang performance sa stage, napatitig lang siya kay Jackie. Mas lalong nagstand out ang ganda nito dahil sa effects ng light, ngayon lang napansin ni Vice ang cute niyang mga dimples habang ito ay nakangiti. Her face glowed as the lights touched her beautiful face. Biglang pumasok sa kanyang isip, "Yan ang gandang pipiliin ko, kapag ang puso ko ay naguguluhan na." Napalingon naman sa kanya si Jackie kaya dali siyang tumingin ulit paharap.

"Ano nanaman ba tong naiisip ko? Naniniwala na talaga akong may ibang tao dito ngayon sa utak ko.", naisip ni Vice ng bigla siyang matauhan sa pagsisimula ng pagkanta ni KZ. Lumipas ang isang oras at sobra niyang nadama ang bawat performance, lalo pa ng kantahin ang Nadarang na ngayon ay isa sa mga paborito niyang kanta.

KZ: Let me share with you some of the memorable theme songs na pinalad akong kantahin through the years. And this time pwede bang bumaba ako at humanap ng ka-duet?

Nagsimula na magplay ng introduction ang banda para sa kantang "Till My Heartaches End". Unti-unting bumaba si KZ sa stage habang kinakanta ang first verse. Nagpunta sya sa right side ng stage ang kinuha ang inabot na mic ng staff. Tumataas ang kaba sa dibdib ni Vice habang papalapit sa upuan niya si KZ, at tuluyan na itong sumabog ng tumigil si KZ sa harap niya at inabot sa kanya ang mic.

*Video added para mas feel ^-^ you can start po sa 1:19*

So Close Yet So FarWhere stories live. Discover now