Bag

158 10 0
                                    

Hindi parin makapaniwala si Vice sa nalaman.

Maybe someone used his number? Oo. May gumgamit lang ng number niya. I better tell Tye.

Sinabihan ni Vice si Yam na wag munang magsasalita tungkol sa nalaman lalung-lalo na kay Jackie. Nagdecide siya na kausapin si Tye.

Vice: Tye. Can we talk?

Tye: Yeah sure! How’s Jackie?

Vice: In private.

Tye: What’s wrong babe?

Pumunta si Vice kanilang room at dali-dali namang sumunod si Tye.

Vice: Yam and I found something out. Guess who owns the number na tumawag kay Jackie para mag stay sa store.

Tye: Kanino?

Kita ni Vice ang pag-alala sa mukha ni Tye. I hope I’m right. Walang kinalaman si Tye dito.

Vice: Yours! It’s yours Tye. Tell me may nakigamit lang ng phone mo.

Nagulat si Vice ng biglang ngumiti si Tye. Nagbago ang facial expression nito na nagpapakita na para bang nagtagumpay siya sa isang bagay na kanyang pinagplanuhan.

Vice: Why the hell are you smiling? Pinlano mo ba ito Tye?

Di sumagot si Tye.

Vice: Answer me!! (tumaas na ang kanyang boses)

Tye: I just want to confirm something out.

Vice: What’s there to confirm Tye? Pwede bang pakilinaw. Kasi anlabo. Hindi ko maintindihan bakit mo ginawa yon. Muntik ng mapahamak si Jackie!

Tye: That’s it! Sa bibig mo na mismo nanggaling. Dahil kay Jackie.

Vice: What? What are you talking about Tye? Anong ginawa ni Jackie sayo at umabot na sa puntong muntik na siyang mapahamak? You are not being yourself Tye. Hindi ka ganyan.

Tye: Tama ka. Hindi nga ako ganito. I just did that to confirm na may feelings ka kay Jackie. At niloloko niyo ako. Nakita ko kayo ni Jackie sa beach kanina. May payakap yakap at pasandal-sandal pa kayong nalalaman. Ikaw na hindi sumasama sa mga ganitong events, biglang dumating! I needed to do what I did para maconfirm ko na you and Jackie are having a relationship behind my back! I made a mistake choosing that girl para hingan ng favor to look after you nung umalis ako papuntang Paris.

Vice: Jackie and I are not in a relationship.

Tye: Nung malaman mo na naiwan si Jackie sa store. Di ka man lang nagdalawang isip na hanapin siya, riding that stupid bike. Kitang kita ko sa mukha mo na you deeply care for her. Now explain to me na you do not have feelings for her.

Vice: Wala akong feelings for Jackie the way you think! I just think of her as a friend. You don’t need to worry about that!

Tye: Eh ano yung nakita ko sa beach?

Vice: Wala lang yun Tye. Wala lang yun!

Tye: Whatever Vice. Maniniwala lang akong you see her only as a “friend” kung iiwasan mona siya from now on. Kung hindi, you don’t know what I’m capable of doing.

Kinabahan si Vice sa narinig. Ngayon lang niya na realize na hindi pa niya talaga kilala ang lalaking nasa harapan niya ngayon. 

Anong gagawin ko?

Binalikan na ni Yam si Jackie. Di agad siya pumasok. Iniisip niya ang sinabi ni Vice na wag sasabihin kaninuman na nalaman nila na si Tye ang may-ari ng number na tumawag kay Jackie.

Jackie: Huy Yam! Tulala ka na diyan.

Yam: Ah may iniisip lang.

Jackie: Anu bang iniisip mo?

Yam: Wala. Eto talaga napaka chismosa.

Jackie: Grabe ka naman! Nagtatanong lang? Asan na pala si Ms Vice?

Yam: Ah andun sa labas.

Inaantay ni Jackie si Vice. Naisip niya na magpasalamat uli sa ginawa nito para sa kanya. Bigla nanaman niyang naramdaman ang butterflies sa kanyang stomach dahil dito.

Jackie: Yam, tara na sa labas. Okay naman na ako oh! Saka paalis na rin tayo maya2. Ayoko namang mag-stay lang dito.

Yam: Sure ka ayos ka na?

Jackie: Oo promise cross my heart.

Yam: Asus, may pa cross your heart pa to oh. Cute mo talaga (mas mahina)

Jackie: Ano?

Yam: Wala. Sabi ko ang kulit mo. Tara na nga.

Inalalayan ni Yam si Jackie palabas sa pavilion kung saan nandun rin ang kanilang mga kasamahan. Kinamusta siya ng mga ito. Agad namang natanaw ni Jackie si Vice at lumapit siya rito.

Jackie: Ms. Vice!

Vice: Okay ka na?

Jackie: Yes, okay na ako. Salamat uli..

Vice: That’s good. (Sabay alis at pumunta kay Tye)

Naiwan si Jackie na nagtataka. Anung nangyari dun. Bat parang biglang ang cold niya? Biglang nakaramdam ng lungkot si Jackie. Naisip niya na baka napagod lang un.

Tye: Everyone! Thank you for making this event possible. Lalo na sa mga organizers. You did a great job! Jackie, I hope you are now feeling okay.

Jackie: Sobrang okay na po ako Sir Tye. Thank you po.

Napakunot naman ang noo ni Yam sa narinig.

Tye: That’s good then. As much as I don’t want to say this but, it’s time to go home. Sasabay kami ni Vice sa inyo sa bus by the way. Pinauna na ni Vice yung driver niya na umuwi.

Sumakay na sila sa bus. Nasa first row sina Vice at Tye sa left side. Samantalang nasa 2nd row naman sa right side si Jackie at Yam. Nagdadalawang isip na si Yam kung sasabihin ba niya kay Jackie ang nalaman.

Yam: Ah Jackie? May gusto sana akong sabihin..

Humarap siya kay Jackie ang nakitang tulog na ito. Hay ito talaga si Jackie. Napakabilis makatulog!  Dahan-dahan niyang sinandal ang ulo ni Jackie sa kanyang balikat. Pinagmasdan niya si Jackie.

Wag kang mag-alala Jackie. Hindi ko na hahayaan na mangyari uli’t sayo ang nangyari kanina. Nandito na ako para protektahan ka. Di pa man ako sigurado, poprotektahan kita mula kay Sir Tye.

He gently touched her hair and smiled. I promise.

BLAG!!!

Dahil sa kalabog, nagising si Jackie. Ngunit bumalik rin ito agad sa pagkakatulog at sumandal sa window. Napangiti naman si Yam. Pinikit na lang rin niya ang kanyang mga mata hanggang siyang makatulog.

Pinulot ni Vice ang bag niya sa floor ng bus.

Tye: What’s that Vice?

Vice: Wala. Nahulog lang yun bag ko.

SLIGHT FLASHBACK:

Pasimpleng lumingon si Vice sa likod niya at nakita niya si Jackie. Tulog na ito at nakalean sa shoulders ni Yam. Nakita naman niya na hinawakan ni Yam ang buhok ni Jackie. Bigla siyang nakaramdam ng inis. Inilaglag niya ang kanyang bag.

Nakita niya na nagising si Jackie dahil dito. Nakatulog rin naman itong muli at sumandal na lang window.

Palihim siyang ngumiti.

So Close Yet So FarWo Geschichten leben. Entdecke jetzt