Scavenger Hunt

307 11 2
                                    

Maagang gumising si Jackie dahil gusto niyang makita ang sunrise. Mahilig talaga siya sa araw. (^_^) Lumabas na siya ng quarters at dali-daling lumakad papunta sa beach side ng maaninag na may nauna na pala sa kanya dun.

Si Vice. Babalik na lang ba ko?

Pero parang tinraydor sya ng kanyang mga paa at dahan dahang naglakad si Jackie papunta kay Vice. Tumigil siya sa tabi nito at napalingon si Vice.

Vice: Jackie?

Jackie: Hi, Vice. (sabay smile)

Eto nanaman ang ngiti niya. Hay.

Vice: Anong ginagawa mo dito?

Jackie: Maaga akong gumising para maabutan ang sunrise, ikaw?

Vice: Ganun din.

Jackie: Si Sir Tye?

Vice: He's still sleeping.

Tahimik ang paligid. Ang tanging maririnig lamang ay ang mga alon sa dagat. Then suddenly, they felt the morning sea breeze. Since hindi pa lumalabas si haring araw, medyo madilim pa rin sa kinakatayuan nila. They both just looked out into the sea.

Sobrang peaceful.

Vice: Namiss kita. *kasabay ang ng alon*

Jackie: Ha?

Tumingin si Vice sa mga mata ni Jackie.

Vice: I said I missed you. Sobra.

Eto nanaman ang mga paru-paro sa tyan ko, naisip ni Jackie.

Jackie: Ako rin....na-miss kita.

Vice: Talaga?

Jackie: Oo naman.

Vice: Pero bakit hindi mo na ako biglang pinansin noon? Yung mga messages ko sayo?

Jackie. May nangyari kasi. Hirap iexplain.

Vice: Sabi ko naman sayo noon diba nandito lang ako para makinig?

Natatakot kasi ako sa isasagot mo.

Mas pinili nalang ni Jackie na tumahimik.

Vice: Okay ganito nalang, can we be friends again? Gusto kong ibalik yung dati Jackie. Kahit sobrang tagal na nun, at kahit saglit lang tayong nagkasama, gusto kong malaman mo na naging mahalaga ka sakin.

Natigilan si Jackie. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Vice. Ang alam lang niya, her heart suddenly fluttered and she was filled with happiness dahil sa mga narinig na salita mula kay Vice.

The sun suddenly started to rise. Napatingin sila pareho sa horizon. Sobrang ganda lang ng view.

*habang nakatingin sa sunrise*

Jackie: Salamat Vice. Gusto ko ring malaman mo na gusto ko ring ibalik yung friendship natin. Kapag kasama kita, lagi akong masaya. Di ko rin alam kung bakit, pero ganun eh. Masaya akong kasama ka.

Napatingin si Vice kay Jackie at napangiti, habang si Jackie ay pinagmamasdan parin ang sunrise.

For Vice, it was a perfect moment. Yung silang dalawa lang at wala ng iba pa.

Vice: Pwede ba kita mayakap?

Humarap si Jackie kay Vice at tumango na parang bata.

Ang cute cute mo talaga. Kaya gusto kitang yakapin eh.

Dahan-dahang nilapit ni Vice ang kanyang sarili kay Jackie at binigyan siya nito ng isang mahigpit (pero gentle) na yakap.

Sana tumigil ang oras. Kahit ngayon lang.

So Close Yet So FarWhere stories live. Discover now