Office Outing

276 12 3
                                    

-5TH FLOOR-

Nagtagpo ang mga mata ni Vice at Jackie -- nang biglang magsalita si Tye.

Tye: Hi Everyone! Thank you so much for this big welcome. By the way, before anything else, sa mga di pa nakakakilala, kasama ko nga pala ngayon, (sabay tingin kay Vice) my other half, Vice.

Tumango lang naman si Vice ang ngumiti ng saglit.

May mga iilan sa kanila ang nag hi kay Vice. Nakatingin lang naman si Jackie dito. Si Vice naman ay busy sa pagkausap sa ibang team mates ni Tye. Pero halata paring ayaw nitong mag stay sa conversation.

Yam: Jackie. Okay ka lang?

Jackie: Oo naman. Ano tara? Ayusin na natin yung distribution ng food.

Yam: Okay sige..

Mas piniling bilhin na food nila Jackie at Yam ay yung naka pack na sa styrofoam na lalagyan para hindi na hassle sa pag prepare pa. Pumunta sila sa other side ng table at pinapila ang mga ka-teammates. Naramdaman ni Jackie na parang may nakatingin sa kanya (psychic lng ang peg). Hinayaan lamang niya ito at nagpatuloy sa pag-abot ng food sa mga nakapila. 

Teammate: Jackie, pwede mamili? hehe.

Jackie: Sure, ano ba gusto mo?

Teammate: Yung carbonara. 

Jackie: Sure waits.

Tumalikod muna si Jackie at kumuha ng stock na ang laman ay carbonara dahil puro spaghetti nalang ang nasa tapat niya. Hindi niya namalayan na narinig ni Yam ang request ng kateam nila. Sakto naman na isa sa mga carbonara ang inilabas niya kanina kaya't ito ay iniabot niya sa teammate. Humarap si Jackie para ibigay ang requested carbonara ng:

Vice: Hi, Jackie.

Jackie: ah...hello, Vice.

Biglang kinabahan si Jackie. Ano ba Jackie. Bakit ka nanaman ba kinakabahan diyan? Naka-move on ka na diba? Naamoy nanaman ni Jackie ang isang familiar na amoy. Ito ay ang pabango ni Vice. He still uses the same perfume. 

Vice: Kamusta ka na?

Jackie: Eto po ayos lang naman po.

Vice: Long time no see.

Jackie: Oo nga po eh... long time no see. Ano pong gusto nio, carbonara or spag?

Vice: Ikaw parin (pabulong)

Jackie: Ha?

Vice: Ah..I mean ikaw. Anong bang mas masarap?

Jackie: Ah. Para sakin mas masarap yung carbonara.

Vice: Okay then, pakibigyan ako ng dalawa. For me and Tye.

Iniabot ni Jackie ang dalawang styrofoam at tumalikod muli. Nagpanggap siya na inaayos ang ilang stock ng pagkain. Naramdaman naman niyang umalis na si Vice.

Naging busy ulit siya sa pag-abot ng food sa iba pa nilang mga ka-team ng mag-announce si Tye.

Tye: May I get everyone's attention? Since very successful ang naging project ng team, please consider this success as everyone's success, alright? And dahil diyan, I want us to have an office outing! Overnight ito ha, and since nagustuhan ko ang food natin ngayon, Jackie and Yam, kayo ang i-aassign ko to be the organizers. Please gather the new hires para pagplanuhan. I want us to have games and well.. kayo na bahala. Basta yung caterer the same parin dapat. And, you can have plus ones.

Nag cheer ang team. Sobrang saya nila dahil sa wakas break muna sila from work. Nagustuhan naman ni Jackie ang idea na sila ang maglea-lead para sa office outing dahil marami na siyang naisip na ideas.

So Close Yet So FarWhere stories live. Discover now