CHAPTER 1

195K 3.6K 146
                                    

Chapter 1

"SERIOUSLY? Siguro naman kaya nating kumita ng sapat na halaga mula sa fund raising na 'yan nang wala sila. You're asking too much, Elza."

"Pero friend, mas malaki ang kikitain natin 'pag nando'n sila sa event. Mabenta sila, alam mo 'yon. Posibleng hindi lang organization project ang mapupuntahan ng funds, pati na rin 'yung mga outreach programs natin. Kaya mas magandang invited sa event ang Zero Degree."

Napabuntong hininga ako at nilaro ang ballpen na hawak ko. We're inside the council office. Pinag-uusapan namin ang darating na pageant. It's a fund raising activity of the council.

"Pero wala sa usapan natin na mag-iimbita tayo ng banda," I insisted.

Ngayon ko lang talaga na-realize na sana pala hindi na lang ako pumayag na maging representative ng curriculum namin sa council. Masyadong maraming alalahanin lalo na 'pag may gaganaping mga events.

"Iyon na nga, eh. Sa susunod na linggo na 'yung pageant pero wala pa sa kalahati ang nabebentang mga tickets. Hindi naman natin puwedeng gawing compulsory ang pagbebenta dahil hindi papayag ang president. Baka masita pa ang council. And I don't want that to happen. Kaya iyon lang ang naisip kong paraan para makabenta tayo ng mas maraming tickets. Hindi lang mga estudyante sa loob ng university ang mabebentahan natin, tiyak pati ang mga outsiders," mahabang paliwanag ni Elza na siyang tinanguan ng lahat.

"Tama."

"I agree."

"I think that's the most brilliant idea."

I just sighed. May punto naman talaga sila. I just don't like the idea because I will be the one to personally invite the Zero Degree since I'm the event's co-chairperson.

Zero Degree is a well-known acoustic band inside the campus. Technically, hindi lang sa loob ng university. Marami silang fangirls sa labas ng eskuwelahan na lagi silang tinitilihan 'pag nagpe-perform. Hindi ko lang talaga bet ang mga gano'n. I'm too busy with my studies to insert that fangirl-ing thing.

"Since kayo naman ang nakaisip niyan, bakit kaya hindi na lang kayo ang kumausap sa kanila?" I suggested. That made Elza roll her eyes.

"Kaya ko nga sinasabi ito kasi ikaw lang ang makakagawa no'n, friend. Magaling ka kasi sa sales talk. Baka naman puwede mong i-apply 'yon sa kanila. I'm confident na mapapayag mo sila. Please, Serenity?"

For the nth time, I blew a deep breath. Ano pa nga ba'ng magagawa ko? Kung hindi lang talaga ako concerned sa fund raising project na ito, kanina pa ako umuwi.

"Fine. Pakigawa na lang ako ng letter of invitation at ako na ang maghahanap sa kanila para i-abot," pagsuko ko.

"Hindi mo lang i-aabot ang invitation sa kanila, you need to talk to them, friend. Kailangan mapapayag mo sila. Alam ko na napaka-busy nila, pero for sure hindi ka nila matatanggihan," pahabol pa ni Elza.

Tumango na lang ako. Napakasuwerte naman ng council dahil kay Elza. She's very dedicated towards her work despite her hectic schedule. She's a Mass Communication student. Pareho kaming nasa third year na rin. Magtatapos na ang first semester. Malapit ko na talaga makamit ang inaasam kong diploma, tatlong semester na lang.

"Sige na, ako na ang bahala. Pero hindi ko maipapangakong mapapayag ko sila. But I'll do my best," sabi ko.

"I'm very confident that we can get a yes from them, friend."

Ngumiti na puno ng kumpiyansa si Elza. Palibhasa kasi kilala niya ako na hindi madaling sumusuko. Laging positibo ang kinakalabasan ng mga ipinapagawa niya sa aking mga tasks.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon