CHAPTER 20

81.2K 2.3K 159
                                    

Chapter 20

"LOVE, this is Mommy Leticia and Daddy Lucio."

Bumuka ang mga bibig ko ngunit walang namutawing salita. Pakiramdam ko'y bigla akong binuhusan ng malamig na tubig. Gustong-gusto ko na lang ibalik ang oras at sana'y hindi na lamang ako sumama kay Marga kahapon sa mall. Sana hindi ko na lang nakilala si Rafael. Sana'y hindi niya ako nahilang magpanggap na girlfriend niya.

"It's nice to finally meet you, iha. I've heard a lot about you."

Iyong daddy niya ang unang nagsalita. Inilahad nito ang kanyang kamay.

"Ikinagagalak ko rin po kayong m—makilala."

Nanginginig ang mga kamay kong tinanggap ang kanyang kamay. Nararamdaman ko iyong matatalim na titig ng kanyang asawa na siyang nagpapakalabog ng puso ko.

"You're shaking, iha." Bahagyang tumawa ang daddy ni Sid.

"Son, your girlfriend is nervous. Baka naman pinilit mo lang siyang ipakilala sa amin, ha? It looks like she's not ready to meet us," dagdag pa ng daddy niya. Lalong nag-init ang aking pisngi sa sobrang hiya. Gusto ko na lamang lamunin ako ng lupa.

Kung hindi lang nakaakbay sa akin si Sid ay tiyak na bumulagta na ako sa lupa sa panginginig.

"Of course no, Dad. My girlfriend is just shy. Looks like kailangan ko siyang sanayin sa presensya ninyo ni Mommy."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Mukha nga, anak." Bumaling ang daddy niya kay Ma'am Leticia.

"Honey, you might want to bring our future daughter-in-law with your amigas when you go on shopping. You know, girls bonding."

"I am thinking about it as well, Honey. Hmmm, do you mind, iha?" ani ng mommy ni Sid. Nakagat ko ang aking ibabang labi.

Maganda ang mommy ni Sid. Maamo ang mukha ngunit ramdam ko iyong matalim na mga titig niya. She's like a queen with thorny crown. Hindi puwedeng hawakan.

"Ahhh... N—nakakahiya naman po, Ma'am, Sir. A—ayos lang po ako, p—pasensya na po kayo."

Sir Lucio laughed again. Ngayon ko lang napansin na kahit tumatawa siya ay may awtoridad pa rin ang awra niya. He's a calculated man with an aristocratic bearing.

"You can call me Tito Lucio, iha, and you can call my wife Tita. Come on, we'll be a family soon enough."

Nahihiya akong tumango. Hindi ko pa rin magawang pakalmahin ang sarili ko dahil sa presensya ng mommy ni Sid. I felt him gently pressing my right arm, as if calming me down.

Binalingan ko siya ng tingin. At dahil mas matangkad siya sa 'kin ay napatingala ako sa kanya. He was smiling genuinely. Nakita ko iyong kakaibang kasiyahan sa kanyang mga mata.

"I told you, Love, they will like you. Just relax, okay?"

Marahan akong tumango. He gave me a gentle kiss on my temple.

"S—salamat po, T—tito Lucio," yumukod ako.

"S—salamat po, T—tita Leticia."

I was expecting his Mom would throw an insult against me but she didn't, which I was thankful for. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit na rumagasa ang takot sa aking dibdib. Ngayon ko napatunayan na maliit nga talaga 'yung mundo. Dahil sa lahat ng puwedeng maging ina ay si Tita Leticia pa ang naging mommy ni Sid. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya ngayon. Hindi naman siguro siya makakalimutin para makalimutan agad ang unang pagkikita namin kahapon.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon