CHAPTER 14

78.4K 2.8K 391
                                    

Chapter 14

MALALAMAN mo lang talaga ang halaga ng isang tao kapag sumuko na siyang lumaban para sa 'yo. Tila sinampal ako ng katotohanang iyon.

Sid fought a hard fight. Malas nga lang niya dahil isang tanga ang ipinaglaban niya. I can't blame him if he's intentionally avoiding me. Lahat ng mga sinabi ko noon sa kanya ay parang mga panang tumalbok at bumalik sa 'kin. Tila dinudurog ako nang pinung-pino. Ganito pala ang pakiramdam nang binabalewala ka ng taong mahalaga sa 'yo. Nakakangilo sa puso.

Iyong pakiramdam na gusto ko siyang takbuhin at yakapin pero hindi ko magawa. Naduduwag ako dahil wala akong karapatan. Isa pa, ako mismo ang humiling sa kanya noon na lumayo. I just can't take everything back in a snap. I was hit by his cold stares badly. Malamig ang kanyang mga mata ngunit parang natutupok naman ako niyon. They were invisibly burning something inside of me.

Will I ever win him back?

I don't know. Hindi ko rin alam kung saan ako magsisimula. Pakiramdam ko kasi'y bawat isang hakbang kong paurong ay katumbas ng tatlong hakbang niya paatras. The harder I try the more he slips away.

Kaya kong tanggapin ang malamig niyang mga titig ngunit hindi ko kayang tanggapin ang sadyang pag-iwas ng kanyang mga mata sa akin. It's as if I am a forbidden fruit to him. Nanlalambot ako sa tuwing nilalagpasan na lamang niya ako. Hindi niya man lang ako magawang tingnan, gaya ng dati.

He'd change a lot. I mean, I turned him into a cold-hearted man. Wala akong ibang sinisisi kundi ang sarili ko.

After that encounter in the cafeteria, I realized that he's moving on from me. Nasundan pa ng ilang mga tagpo ang pangyayaring iyon. As much as I wanted to approach and talk to him, my knees just won't coordinate me. Nauumid din ang aking dila at hindi makapagsalita sa tuwing nand'yan siya. Marami akong gustong sabihin sa kanya ngunit sa tuwing may pagkakataon ay wala man lang ni isang salitang lumalabas sa bibig ko.

Katulad ngayon, kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko't nagtitipa ng mensahe para sa kanya ngunit hindi ko magawang i-send. Natatakot ako sa magiging reaksyon siya. What if he'll get mad at me? What if pagtawanan niya ako? What if may nahanap na siyang iba?

Bumuntonghininga ako at nagpagulong-gulong sa kama. Gusto kong kastiguhin ang sarili ko ngunit hindi ko talaga mapigilang mag-isip sa kanya. Gusto ko siyang i-chat sa messenger ngunit naalala kong hindi pala siya gumagamit ng social media.

Hi, kumusta ka na? I'm really sorry sa nagawa ko noong nakaraan. Hindi ko sinasadyang saktan ka. Ginawa ko lang ang alam kong tama. Sana kahit gano'n ang nahuling naging usapan natin, maging magkaibigan pa rin tayo. I missed you, Sid...

Agad kong binura iyon. It was actually the fifth message I attempted to composed and deleted right after. I just can't find the guts to send him a message.

It's hard when you lost something you can't replace. You've been special to me, Sid. I'm sorry for all the things I've said. I did not mean any of those.

I deleted that again. I sounded like straightforward. I sounded like I wanted him back badly.

Hindi ba't gano'n din naman ang gusto mo, Serenity?

Inis kong tinampal ang noo ko saka muling nag-type ng mensahe.

Kamusta?

It really sounds off that I deleted it once again. Gigil kong pinindot ang screen ng cellphone kaya't aksidenteng nag-send ng mensahe sa numero niya.

Damn it! Napabangon ako bigla at lumakas ang tibok ng puso ko. Ngunit lalo akong nainis sa sarili ko nang ma-realize ang na-i-send kong mensahe.

It's a big question mark.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon