CHAPTER 28

100K 3.6K 784
                                    

Chapter 28

"ANO'NG sinabi mo?"

Lumamlam ang kanyang mga matang nakatingin sa 'kin. I gaped at him.

"Love, I'm sorry. I didn't know it was you. A-are you okay?" tarantang tanong niya at bigla akong hinawakan sa braso saka sinipat.

It was as if a cue for me when his skin touched against mine. Mabilis ko siyang tinabig at tumakbo sa kabilang kalye, bitbit ang eco bag na may lamang pinamili ko.

Pinara ko ang taxi na paparating. I was literally shaking with mixed emotions. Pagkatapos ng anim na taon ay hindi ko akalaing iyon ang maririnig ko mula sa kanya sa una naming pagkakita. Tila ba walang nangyari noong nakaraan. Hindi na ako nag-abalang tingnan siya bago pumasok ng taxi pagkatigil nito sa harapan ko.

Pagkatapos sabihin sa taxi driver ang address ng bahay ay napasandal ako sa headrest at napapikit ng mga mata. Bumuga ako nang malalim na hininga.

"Love, I'm sorry. I didn't know it was you. A-are you okay?"

Damn him for acting like nothing happened six years ago. Damn him for showing up his freaking face like we're still close.

Hindi ko lubos maisip kung bakit gano'n siya umakto kanina. Pagkatapos ng lahat ng nangyari, ang kapal naman ng pagmumukha niya. Nauntog ba siya at nagka-amnesia?

Napahawak ako sa aking pisngi nang maramdaman kong basa iyon. I didn't realize I was already crying. Nangingibabaw sa akin ang gigil sa galit.

"Ayos lang po kayo, Mam?" tanong ng taxi driver at tiningnan ako sa salamin. Marahil ay napansin niyang tumutulo ang mga luha ko.

"A-ayos lang po."

Pagkaraan ng ilang minuto ay binabaybay na namin ang kalye kung nasaan ang bahay.

"Kuya, sa pulang gate lang po."

"Sige, Mam."

Kumuha ako ng pambayad sa pitaka pagkatigil niya sa tapat ng gate.

"Salamat po, Mam."

"Walang anuman po, salamat din."

"Mabigat ba 'yang dala n'yo, Mam? Tulungan ko na kayo."

"Naku, huwag na po," tanggi ko sa driver nang akmang lalabas siya ng sasakyan.

Nauna kasi akong lumabas saka ko kinuha ang dala kong eco bag.

"Magaan lang naman po ito. Salamat po ulit," sabi ko bago isara ang pinto.

Umatras naman siya saglit bago umalis.

Kinuha ko rin muna sa loob ng bag ang susi ng gate pagkahakbang ko sa tapat nito. Akmang bubuksan ko na ang gate nang biglang may humimpil na sasakyan sa likod ko.

Napalingon ako at muntik ko nang mabitawan ang aking mga dala nang umibis mula roon ang pinakahuling taong gugustuhin kong makita. Kumalabog ang aking dibdib. Tuluyan kong nabitawan sa sahig ang aking dala.

Sinundan niya ako!

"Love, let's talk please?"

Umigkas ang aking kamay sa kanyang pisngi. Napaawang siya dahil hindi niya yata inaasahan iyon.

"Love?" I gaped sarcastically.

"Closed ba tayo para tawagin mo akong ganyan? Bakit mo ako sinundan?"

Pansin ko ang malaking pinagbago ng kanyang itsura. He looked manlier and more mature. Mas lalong nadepina ang hugis ng kanyang ilong at panga. Ang mga mata niya'y malalim na nakatingin sa akin. But those eyes were full of regrets.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon