CHAPTER 26

97.4K 3.5K 722
                                    

Chapter 26

"SAGAN!"

"Sagan, careful!"

Napahawak ako sa aking dibdib. Aatatakehin talaga ako sa puso dahil sa kakulitan ng batang ito. Inisa-isa kong dinampot ang nagkalat na mga laruan sa sahig at inilagay sa malaking drawer. Abot-kamay niya ang lagayan ng laruan kaya't kapag gising siya'y wala siyang ibang ginawa kundi ang magkalat.

Minsan nga'y sumemplang si Marga pagkapasok niya ng pinto dahil hindi niya agad napansin na nando'n pala ang maliit na bola sa bungad. Naapakan niya at ayon, nakipaghalikan siya sa sahig. Kinabahan pa ako dahil akala ko nabalian na siya ng buto samantalang 'yung anak ko naman tawa nang tawa.

"Mommy, catch!"

Hindi ko agad napaghandaan iyon kaya't nasapol ng bola ang noo ko. Muntik na akong matumba sa sobrang pagkagulat. Pumikit ako't hinilot ang aking noo.

"Mommy? Are you okay? Sorry, Mommy..."

Mabilis na tumakbo sa 'kin ang anak ko't yumakap sa mga hita ko. Lumuhod ako para magpantay ang aming mga mukha.

"I'm fine, baby. Just be careful next time, okay?"

"Yes, Mommy. I'm sorry."

'Yung ilalim ng mga mata niya ay namumula na at pinipigilan lang niyang umiyak.

"I'm sorry, Mommy. Did it hurt?"

Worry was written all over his face. Napangiti ako. Nakakatunaw talaga ng puso kapag tinitingnan ako nang ganito ng aking anak.

Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan doon.

"Mommy's fine, baby. Kiss mo na lang ako dito para mawala na. Hmm?"

Yumuko ako para maabot niya ang aking noo. Isang matunog na halik naman ang iginawad niya roon.

"I love you, mommy!"

"Aw. I love you more, baby ko."

Pinisil ko siya sa pisngi at hinalikan.

"Ang bango-bango ng baby ko!"

Niyakap ko siya nang mahigpit. When his tiny arms hugged me back, it felt like I just touched the heavens. My son is my world and I can't thank God enough for giving me a son like Sagan.

Sa ganoong tagpo kami naabutan nina Marga at Rafael. Namilog ako nang mapansing may kanya-kanya na naman silang bitbit na mga malalaking paperbag. Tiyak na laruan na naman ang mga iyon.

"Ang sweet naman ng mag-ina na 'to."

"Tita Marga! Tita Rufa!"

Nang humiwalay sa akin ang anak ko'y mabilis itong tumakbo at sinalubong sina Marga at Rafael. Binuhat ito ng huli at niyakap.

"Ang bango naman ng inaanak ko. Bagong ligo?"

"Yes, Tita Rufa," tugon ng anak ko ngunit ang mga mata'y nakatuon sa mga pasalubong. Tiyak na excited na 'yang buksan ang mga 'yan.

Natawa ako't napakamot na lamang sa ulo nang magkatinginan kaming tatlo. Malapit sa dalawa ang anak ko sapagkat bukod kina Mama, Papa, at Kyesha ay sila na ang nakamulatan niyang tumulong sa 'kin sa pag-aalaga sa kanya.

"Thank you for the gifts, Tita Marga and Tita Rufa!" My son exclaimed.

"Diyos ko po, ang advanced mag-isip ng inaanak ko. Sige na, baby, buksan mo na 'yan tapos doon ka muna. Mag-uusap lang kami ng mommy mo, okay?"

"Okay, Tita Marga!"

Mabilis namang bumalik sa playstation niya ang anak ko. Kung hindi pagtugtog ng keyboard ay bola at kotse-kotsehan ang pinagkakaabalahan niya.

His Greatest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon