FMLMH - 1 💍 wedding

8.1K 197 3
                                    

💗 BE A FAN GUYS and don't forget  your vote and comment  💗

-------

Nakaharap sa malaking salamin si Savannah, tinitigan niya ang sarili niya wearing a white gown. Kaunti lang din ang make up na nilagay niya. Ayaw kasi ni Harold ng madaming make up. Ngumiti siya sa salamin na repleksiyon niya. At bumuntung hininga. Puno ng 'sana'  ang nasa isip niya. Ngayun ang kasal nila ni Harold dahil sa tulong narin ng mga magulang ng lalaki kaya pumayag ito.

Hindi sana ito papayag kung hindi gumawa ng blackmail ang ama ni Harold kaya kalaunan napapayag rin ito. Apat lang na buwan magiging okay na din ang lahat at babalik na sa dati ang lalaki.

'Four months lang Harold, babalik din sa lahat ang dati'    sabi niya sa sarili niya. Saka ningitian niya ang sarili sa salamin.

Napalingun siya sa bigla bumukas na pinto. Mom pala niya ang pumasok sa dressing room niya. Ngumiti ito sa kanya at nilapitan siya. Nakatayo na ito ngayun sa likod niya at ngumiti sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Magiging okay din ang lahat"   sabi ng mom niya at ningitian siya nito.

"Let's go"   tumayo na rin siya at tinungo nila ang pinto.

"Miss Sav tara na"    sabi ng assistant niya. Sumunod na rin ang mom niya sa kanila. Bago pa siya bumaba sa hagdan tumigil muna siya dahil madaming kumukuha ng picture niya.

"Subrang ganda niya,"  komento ng isang photographer sa kanya. Binigyan niya lang ito ng ngiti at humakbang na siya sa unang baitang.

Dahan dahan na siya bumaba habang umalalay sa kanyang gown ang assistant niya. Nakangiti lang siya nakatingin sa mga nagflash na camera. Ng nasa baba na siya huminto muna siya bago lumabas sa bahay. Puro flash ng camera ang nasa harap niya. Ng matapos na ang mga photographer lumabas na din sa bahay. Sumunod naman ang mga photographer. Kinukunan naman siya habang papasok sa bridal car. Ng makapasok na siya pinatakbo na ng driver ang kotse.

After minutes sa byahe dumating narin sila sa simbahan. Nakapila na din ang mga abay nila. Napangiti nalang siya at bumuntung hininga.. 'kahit ayaw niya sakin pumayag parin siya' 

"Ma'am wait lang"   tumango naman siya at ngumiti sa organizer ng wedding nila.

May lumapit sa kanya isang babae. "Sav ang ganda mo"   mahina lang pagkasabi ng kaibigan niya pero may halong tili ito. Napangiti nalang siya. "Thanks"   tipid niyang sagut.

Lumabas narin siya sa kotse ng makapasok na sa loob ng simbahan ang mga sponsor at ang abay nito siya naman ang pumuwesto sa may pinto.

Inayus ng organizer ang suot niyang gown sa likod. Pinikit niya ang mata niya at bumuntung hininga muna siya. Subrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Napahawak siya sa dibdib niya at pinikit ang mata niya pagkatapos minulat ulit.

Bumukas ang malaking pinto sa harapan niya. Mas lalong bumilis ang kaba niya. Lahat ng mga tao ang mga mata nasa kanya lang nakatingin. Nagsimula na siyang naglakad dahil nagsimula narin ang kanta. Maganda ang boses sa kumakanta isang duet ng dalawang lalaki. Hindi niya masyado itong nakikita.

Nagsimula na siyang  naglakad ng dahan dahan kasama ang mga magulang niya. Habang papalapit siya altar nakikita niya ang isang napakagwapong lalaki. Ang minahal ng lahat, ang pangarap ng lahat ng kababaihan at siya isa rin sa mga ito pero lingid sa kaalaman ng lahat matagal na niyang minahal ang lalaki naghihintay sa kanya sa altar. Kaya nga nagiging temporary successful siya sa career niya dahil sa pagmamahal niya sa lalaki sa lihim. At ngayun magiging sa kanya na rin sa wakas sa apat na buwan lang naman. Nilibot niya ang paningin sa paligid. Nakikita niya ando'n din ang kasamahan nito sa grupo, ang manager at ang ceo nila na kanina lang dumating. Andoon din si Terrence ang tanging kaisa isa niyang kaibigan at si Athena. Napatingin siya sa lalaki. Subrang gwapo nito na suot na tuxedo na puti. At ang buhok na bagong gupit bagay na bagay sa kanya. Nakatingin lang ito sa kanya na subrang napakalamig. Parang ice siya na binuhasan sa subrang lamig ng tingin binigay sa kanya ng lalaki. Ng huminto sila sa tapat ng lalaki.

Four Months Living My Husband {Savannah} CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon