FMLMH - 3 - Sino yun?

4.9K 144 7
                                    

Bumaba si Savannah sa kusina para simulan ang pagluto niya. Wala naman siyang magawa dahil siya lang mag isa sa bahay.

Ng matapos na siya sa paglilinis ng buong bahay ng asawa niya umupo muna siya sa sofa at sinandal ang likod niya sa sofa. At pinikit ang mata niya.

"I'm sorry Harold"

Sabi niya sa isip niya. Pinahid niya sa kamay niya ang namumuong luha sa gilid ng mata niya. Tumayo narin siya at nagsimula ng magluto para sa hapunan nila.

Tinungo niya ang kusina at binuksan ang ref. Kinuha niya ang bangus na isda pagkatapos binabad niya sa tubig sa lababo. Napatingin siya sa cellphone niya gusto niya tawagan si Harold.

Ng naalala niya wala pa siyang kay Harold.

"Hintayin ko nalang siya" sabi niya sa sarili at hinanda na ang lulutuin niya.

"Kahit hindi niya ako kayang mahalin. Okay lang basta maipakita ko sa kanya na mahal ko siya okay na yun" sabi niya sa sarili niya at napangiti.

Pagkatapos niya magluto hinanda na niya ang mga pagkain sa dinning. Ng maihanda na lahat tumungo siya sa kwarto niya para maligo pagkatapos lumabas na siya sa banyo at nagbihis na. Lumabas na siya sa kwarto niya at bumaba. Umupo siya sofa at pinikit ang mata niya. Napaangat siya ng tingin sa wall clock six thirty pm na wala parin si Harold. Napatingin siya sa telepono nasa gilid niya hindi naman nagring buong araw.

Nagising si Sav ng may narinig siyang dumating na kotse. Tiningnan niya sa bintana at hindi nga nagkamali. Napangiti siya, at napaangat ng tingin sa wallclock nakasabit.

"Malapit na pala ang hating gabi"

Napatingin siya sa pinto ng bumukas ito. At agad naman siya tumayo at nilapitan ang asawa niya na nakangiti.

"Hi, kamusta ang araw mo?"

Nakangiti niyang tanung nito. Tiningnan lang siya nito na nakakunot noo. At nilagpasan lang.

Agad hinabol ni Savannah ang asawa niya paakyat sa taas. Nakita naman ni Harold ang pagkain nasa dinning table nakahanda na lahat. Nilingun niya ang asawa niya na naghihintay sa kanya sa likod.

"Kakain ka ba? Wait iinitin ko lang ang pagkain"

Agad tinungo ni Savannah ang mga ulam naluto niya at nilagay sa microwave.

Napaangat ng tingin si Harold sa wallclock ten thirty pm na. Napapailing nalang siya. At dumiretso sa kwarto niya.


-------

Umupo na si Savannah habang naghihintay kay Harold para kumain. Gusto niya kasing kumain kasabay ang asawa niya kaya nga hindi siya kumain kanina.

Napahawak siya sa ulo niya. Pagkatingin niya sa wallclock pass ten thirty na. Dapat kanina pa siya kumain dahil sa sitwasyon niya. Hindu niya pwede pabayaan ang sarili niya. Dapat kumain siya sa tamang oras at uminom ng gamit niya. Pero heto siya naghihintay ulit. Napahawak siya sa ulo niya. Agad niya pinahid ang luha sa mata niya. Baka kasi makikita ni Harold.

"Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon lord, kaunti lang"

Lihim niyang dasal. Kasabay ang pagkidlat ng malakas at bumuhos ang ulan na malakas. Dali dali siya umakyat sa taas para uminom ng gamot niya. Pumasok siya sa kwarto niya at kinuha ang bag na naglalaman ng mga gamot niya. Pero bago niya nainom ang gamot.

Dali dali niya tinungo ang banyo at dumiretso sa lababo ng banyo at nagsusuka. Patuloy lang siya sa pagsusuka. Ng tumigil na nagmumug muna siya at naghilamos pagkatapos tumayo siya ng matuwid at ngumiti.

Four Months Living My Husband {Savannah} CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon