FMLMH 14

4.8K 139 3
                                    

Umupo si Savannah sa couch ng may ngiti sa labi. Napahawak siya sa labi niya  at napangiti. Hindi mawala wala sa labi niya ang ngiti matapos ang halikan nila ni Harold kanina na nangyayari. Hindi niya inakala na magreresponse ang asawa niya kanina sa ginawa niyang halik. Pakiramdam niya ang gaan ng feelings niya. Pakiramdam niya parang nawala lahat ng sakit nararamdaman niya.

"Masaya ka yata ma'am" 

Napalingun siya kay Manang kararating lang nito galing sa kusina. "Halata ba manang?"  Tanung niya kay manang. Umupo si manang sa di kalayuan sa kanyang pwesto sa sofa.

"Pagkalabas ko kasi nakikita kita na subrang saya mo. May nangyayari ba nagpapasaya hija?"

Ngumiti siya sa tanung ni manang. "Hindi ko kasi inakala manang na hahalikan ako ni Harold"   masaya niyang sabi kay manang. Hinawakan ang isang  kamay niya.

"Masaya ako para sayo hija. Sana tuloy tuloy na yan na magiging okay na kayo ng asawa mo"   pati kasi siya naawa na sa amo niyang babae. Palagi nalang ito binalewala ni Harold.

Ngumiti siya muna at bumuntung hinga. "Sana lang pero alam ko kasi manang hindi yun bokal sa kalooban niya ang ginawa niya sakin. Alam mo naman ang ugali ni Harold manang"   tumango si Manang at inayus ang buhok ni Sav.

"Alam ko yun hija. Pero alam natin pareho malaki na ang pinagbago ni Harold simula umalis siya dito sa Pilipinas"  tama naman si manang. At yun kung bakit umalis si Harold dahil rin sa kanya. Masakit isipin na ang taong matagal mo ng minahal at abut hanggang kamay mo na. Pero umiiwas parin ito sa kanya.

Pagkatapos sa usapan nila manang may natanggap siyang text. Kaya agad niya kinuha ang cellphone at tiningnan sino nagtext sa kanya. Si Harold.

From Harold:

'Hintayin mo nalang dito sa Pinas ang world tour namin'  

Napapangiti siya at umikot ikot sa ibabaw ng kama niya. 'May world tour sila dito sa pinas? Yes'  -   sabi niya sa sarili niya.

Kaya kaagad siya tumayo ng naalala niya oras na pala uminom ng gamot niya. Paghindi siya pagod okay naman yung katawan niya. Pero sa totoong lang pilit siya nagpapanggap na okay siya. Napatingin ulit siya sa cellphone niya si Terrence tumawag.

"Yes, napatawag ka"  sagut niya sa kabilang linya. Nakahiga parin siya sa ibabaw ng kama niya.

"Kinukumusta lang kita. Kamusta na ang pakiramdam mo? Yung mga gamot mo ininom mo na ba?"  Sunod sunod na tanung ni Terrence sa kanya.

Kung makapagremind si Terrence kala mo siya ang tatay ni Savannah. "Okay lang ako at katatapos ko lang uminom sa gamot ko"  sagut niya kay Terrence.

"You sure? Sav naman" 

Ngumiti si Sav na parang nasa harapan niya ang kausap. "Yep. Promise"  Uminom naman talaga siya ng gamot niya. Napatingin siya sa may pinto ng may kumatok.

"Okay. Tawagan kita later. Mag iingat ka Sav"  sabay baba niya sa phone niya.

"Yes"  sagut ni Sav sa kumatok. Pagkabukas si Athena pala.

"Pwedeng pumasom?"  Nakangising tanung ni Athena sa kaibigan. Pumasok na siya bago pa nagsalita si Sav.

"Kamusta ka na? Mukhang hindi ka namumutla ngayun ah"  inikot ni Athena ang paningin niya sa kwarto ng kaibigan niya.

"Infairness girl ang yaman pala ng asawa mo no? May ganito siya kalaki na bahay." -  binalik niya ang tingin sa kaibigan niya.

"Perfect na sa buong ninyong pamilya"   dagdag ni Athena. Ngumiti lang si Savannah sa sinabi ng kaibigan niya.

Four Months Living My Husband {Savannah} CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon