FMLMH - 21

5.5K 153 9
                                    

Sa pag amin ni Harold sa estado ng buhay nila ni Sav. Nagiging mainit na ang balita sa tv at sa diyaryo. Pati sa mga fans nila nagiging mainit na usapan narin ang pagpapakasal nila Harold at Sav.

Ang ibang fans nagagalit dahil sa ginawang desisyon ni Harold, ang iba nasasaktan at ang iba hindi parin tanggap nila. Nagkaroon na nga ng basher's at hater's si Savannah. Pati fans nga niya nagagalit sa ginawa niyang desisyon. May iba naman naiintindihan siya at may iba rin masaya para sa kanila. Hindi naman talaga nawawala ang ganyang mga bagay na klaseng salita.

Lalo na sinasabi ng ibangs fan ginamit lang ni Harold si Sav, nor ginamit ni Sav si Harold. Lumabas kasi ang umuugung na balita kung bakit naghihiwalay si Madison at Harold dahil daw may third party sa relationship nila Harold.

----- Pilipinas

Dali dali silang tumakbo papasok ng hospital pagkarating nila Terrence. May nakita silang isang lalaki na nasa mid fifties at ang babae nasa mid forties. Nasa bench nakalira sa gilid ng e.r ang dalawa. Nilingun nila ang bagong dating.

"Kayo ho ba si sir Terrence?"

Nagkatinginan si Terrence at Alexton.

"A-anu ang nangyayari kay Savannah? Ba-bakit siya sinugud dito sa hospital a-anu ba ang nangyayari sa anak ko! Sabihin niyo sakin!" Nanginginig sa takot ang mommy ni Sav na nakatingin sa kanilang apat.

Halo halo ang nararamdaman niyang hindi niya naiintindihan. Masyadong malakas ang kaba umusbung sa dibdib niya. Pinaupo muna siya ni Alexton sa nakahilira na upuan. Na nakatingin kay Terrence.

Binalik ni Terrence ang tingin niya sa dalawang tao nasa harapan nila.

"Anu ho ba ang nangyayari at sino kayo?" Sunod sunod na tanung ni Terrence sa dalawang tao nasa harapan nila.

Tumingin muna si Nay Karing kay Kaloy at hinarap si Terrence nasa gilid parin sila ng e.r hanggang ngayun.

"Umuwi si ma'am Savannah doon sa bahay na binili niya nung isang araw. Akala ko nga okay lang siya pero ng tinitigan ko siya ng patagal ng patagal may tinatago pala siya samin. Hindi ko naman kung anung sakit niya dahil hindi naman siya nagsasalita. Palagi lang ang naririnig naman isang buntung hininga na parang napakalalim yun bang parang may dinadala siya na mabigat na problema at malayo ang tingin niya. " sagut ni Nay Karing kay Terrence.

"Anung problema? May problema ba dinadala ang anak ko na hindi ko alam?" Napalingun sila sa mommy ni Sav na inalalayan parin ni Alexton.

"Ng tinanung namin siya kung may problema siya, hindi naman siya nagsasalita. Ngumiti lang ito samin" dagdag ni Nay Karing.

"Te-teka lang anu yung sinabi mo kanina may binili si Savannah na bahay? Saan?" Tanung ng mommy ni Sav na ngayun nakatayo na sa harapan nila. Nagkatinginan ulit si Terrence at Alexton.

"Pero paano ang nangyayari? I mean anung nangyayari bakit niyo siya dinala dito sa hospital?" Tanung ni Alexton sa dalawang tao nakaharap nila.

"Nagpahatid siya kanina sa bahay kubo at nagpaiwan. Ng binalikan ko siya para sunduin at umuwi na sa bahay nakita ko siyang nakahiga sa sahig. Ng hinawakan ko ang pulso niya pumipitik naman kaya agad namin siya dinala dito sa hospital." Paliwanag ni Kaloy sa tatlong tao.

"Kung may nangyayaring masama daw sa kaniya ikaw daw sir Terrence ang tatawagin ko." Tumango si Terrence at napabuntung hininga.

"Dios ko, bakit ganito? Bakit hindi ko alam na may pinagdadaanan pala ang anak ko?" At tuluyang ng humagulhul ang mommy ni Sav.

Hinaplos naman ni Alexton ang likod ng mom ni Sav ng may tumawag sa kanila.

"Nathalie? Anung ginagawa niyo dito sa hospital at bakit kayo naparito?" Nagsalubong ang dalawang kilay ng dad ni Harold ng makita si Terrence at Alexton.

Four Months Living My Husband {Savannah} CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon