Chapter 01

1K 16 7
                                    

Calix's POV

"Mag ayos ka na kasi darating na sila mamaya" sambit ni Justine hyung habang inaayos ang sala ng hide out

Taka ko syang tiningnan "ha? sinong darating hyung?"

Taka din syang tumingin sakin "hindi nasabi sayo?" Umiling ako "aish. darating mga tatay natin at mag oobservse sa village"

Natigilan ako sa sinabi ni hyung. Aba, buti naman naisipan pa nila dumalaw dito. "psh. buti naisipan pa nilang bisitahin yung VILLAGE"sabi ko

Ramdam kong may bumato sakin "lul, drama mo! di ka na nasanay sa mga ama natin"sabi ni Tyler hyung

Natawa nalang ako. Oo nga naman, Cal. Di ka pa nasanay. "Kaya mag linis na tayo. Alam mo naman yung mga yon"dugtong ni Timothy hyung na lumabas ng kwarto nya

Nag simula kaming mag tulong tulong para mag linis ng hideout. Nilingon ko si Kyle hyung "hyung anong oras ba dating nila?"

"12 pm, bakit?"

"Ahh wala"

Umiling nalang ako at nag linis. Natapos ako sa pag lilinis sa sala at pumunta ako sa kwarto ko. Nilinis ko yon. Tiningnan ko yung ilalim ng kama ko at may nakita akong box don "ano 'to?" sambit ko at kinuha yung kahon.

Binuksan ko yun at tumambad saakin ang pictures. Pictures na mag kasama kami.

Natawa ako ng maalala ko kung pano ko 'to nakuha. Yung araw na nag kagulo ang lahat. Tinago ko 'to. Remembrance sa magagandang ala ala na mag kasama pa kami.

Binalik ko yung pictures sa kahon at ibinalik yun sa ilalim ng kama. Napa upo ako sa kama. It's been 1 yr since she left. Napangiti ako. I hope she's in good health.

"Oy aba di mag lilinis ng kusa kwarto mo!" biglang dating ni Tyler hyung

Natawa nalang ako sa kanya. "Iniisip mo sya no? Wag ka mag alala hindi sya pababayaan ng mga magulang nya" at ngiti nya

Nginitian ko lang din sya. Lumabas sya at nag simula na akong mag linis ng kwarto.

Kahit malayo ka, mahal na mahal pa din kita. Kahit nakalimutan mo na ako, naka tatak ka pa din sa puso ko.

11:34 am naka upo kami dahil kakatapos lang namin mag linis. Kapagod.

"Ehem. Mga señorito ah"

Napatingin kami sa pinto ng may nag salita. "Dad?"

Pumasok sila at inobserbahan ang hideout. Tss. "Good"sabi ni dad at umupo sila sa sofa kaya napa tayo kami

"Aga nyo ata"sabi ko. Sinamaan ako ni dad ng tingin

"Wala kang galang ah"sabi nya

"Tss"

Siniko ako ni Bryan hyung. Yeah, ganto kami. Kinatatakutan, pero walang palag sa mga ama. Well ako? Konti nalang. Konti nalang talaga

"Pack up. Aalis kayo mamaya"

Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni tito Albert. Dad ni Justine, Jinrei at Timothy hyung. "H-ha?"

Tiningnan nya si Kyle hyung "you're leaving later"

"Why?"

"Kaylangan ng mag hahandle ng company natin"

Tss. I knew it. Hindi nila kami papaalisin dito ng walang dahilan. Hindi nalang kami nag salita. It's good tho, makaka alis na kami dito.





"WHAAAAAAAT?!!!!"

"Ang sakit sa tenga"

Tinakpan ko yung tenga ko. Ang sakit ng boses ni Krystal sa tenga. Aish. Andito kami ngayon sa park at nag uusap. "Iiwan nyo din kami?!!"

"Krys-"

"O ano?!! Anong palusot mo?!!"

Napatikom sa pag sasalita si Jinrei hyung. Wala naman kaming masasabi eh, aalis talaga kami, maiiwan sila dito. "Huhuhu"iyak ni Krystal

"Sama nyo nalang kameeee!"sabi ni Rianne na paiyak na din

"Kung pwede lang, gagawin namin :(" sabi ni Justine hyung sa kanya

Psh. Lampo -,-

"Itakas nyo nalang kami!"- Gella

Nag katinginan kami. Napa ngiti ako. Once na umalis kami dito, hindi na kami babalik. Goodbye, Bangtan Village na.


-

AUTHOR's NOTE: AYEEEEEEEUT! MAY BOOK2 NAAAAA~

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO: ChweKim95 LABYU HEKHEK

NYF2: Fangirl inlove | ✓Where stories live. Discover now