Chapter 27

150 5 0
                                    

"Ano nalaman nyo na ba kung sino gumawa non kay Azi?"tanong ni Calix kay Justine nung mag kasalubong kami sa gate papasok ng school.

"Still working on it. Nga pala nakita namin 'to dun sa kwarto na pinag kulungan kay Azi"sagot ni Justine at may ipinakita saamin na kwintas.

It's a purple glowing heart necklace. Meron din itong maliit na wings sa taas.

"Sayo ba 'to Azi?"tanong sakin ni Justine at umiling ako.

"Wala akong ganyan na gamit" sagot ko dahil totoo naman. And to be honest ayoko ng purple.

"Baka kay Q yan. Yung sinabi mo sakin."sambit ni Calix habang naka tingin sa kwintas.

"Sige mamaya na natin pag usapan. Late na tayo."

***

After ng klase ang dami kong ginawang homeworks at activities dahil nga 1 week akong wala. Kahit naman excuse ako e, kaylangan ko pa din yun gawin para may grade ako.

Papunta na kami ngayon ng canteen at nakita namin ang boys doon.

"Grabe ang daming ginawa ni Azi" sabi ni Yeri kaya tiningnan ako ni Calix.

"Syempre para may grade kaylangan kong gawin yun. Ayoko naman bumagsak 'no."sagot ko.

Umorder ng pagkain ang mag jowa na si Juliane at Timothy. At aba habang nag lalakad papunta sa counter e nag lalandian -_-

"Ayos ka lang?"sambit ni Calix na umupo sa tabi ko.

"Ha? Oo naman"sagot ko. Ngumiti naman sya at hinalikan ako ng mabilis sa labi.

>//<

"Teka asan si Justine at Jinrei?" Biglang tanong ni Rianne.

Oo nga 'no. Hindi ko napansin sila lang pala wala dito.

"Nag reresearch tungkol dun sa necklace na nakuha nila--"

"Guys!"

Sabay sabay kaming lumingon nung marinig nakin ang boses ni Jinrei at nakita namin sila ni Justine na papunta dito

"O anong nakuha nyo?"tanong ni Bryan.

"This"sabi ni Justine at inangat yung purple glowing heart wing necklace "..is a Heart wing necklace na ginawa ng mga Heart. William Heart to be exact at ibinibigay o ginagawan lamang nila ng gantong kwintas ang mga kamag anak nila. Sa Heart side."paliwanag nya.

So it's a fam thing?

"Kaya kung sino man yung Q na sinasabi nyo, she must me a Heart." Sambit ni Jinrei.

"Teka, Heart? Tapos Q? Parang may kilala akong-"

"Si Quinn?"

"Oo! Sya nga!"

Tiningnan namin ang dalawang nag kakaintindihan na si Kyle at Tyler.

"Quinn?"tanong ko.

"Hindi nyo tanda? Si Quinn Heart matagal ng may gusto kay Calix sa loob ng BV"sabi ni Tyler.

"Hmm, teka tanda ko yun!"sabi ni Angella.

"Isa kang malaking sagabal sa plano kong mapasakin si Calix!"

So that's why she said that. Pero bakit hindi ko alam yun?

"Hindi mo talaga yun malalaman Azi dahil kasabay din sya noong napa talsik sa BV at sabay silang umalis ni Scarlette"sambit ni Bryan.

Hindi naman ako naka pagsalita. This is too much to handle. Kung napatalsik sya noon sa BV ibig sabihin may ginawa din syang hindi maganda. Diba?

"Tara kumain na muna tayo"sabi ni Timothy na kanina pa pala nandito at nakikinig.

Ramdam ko ang pag yakap niya sa bewang ko at inilapit ang bibig nya sa taynga ko.

"I'm sorry. Dahil sakin nasa pahamak ka nanaman." mahinang bulong nya saakin.

Ngumiti ako at hinarap sya. Ngayon ang ginawa nya isinandal nya ang noo nya sa noo ko. "Ano ka ba. Wala kang kasalanan. Kasalanan itong lahat nung Quinn na yun."sagot ko at hinalikan sya sa tungki ng ilong nya.

He smiled at niyakap ako.

Nag simula na kaming kumain at napangiti ako dahil habang nag uusap e nag kukuntyawan kami at nag tatawanan. Sana ganito nalang. Yung wala ng problema at palagi nalang kami naka ngiti.

***

"Ang tagal nyo!"sabi ni Neil at hinampas kami isa isa.

"Ano baaa! We're just 5 minutes late!"sambit ko.

Kasi totoo naman e. Matagal tagal na din simula nung last performace namin dahil nga sa mga nangyayari sakin.

"Kamusta ka na pala insan?"sabi niya at tumabi sakin. Rinig ko naman pag tikhim ni Calix. Tingnan mo 'to pati pinsan ko pinag seselosan.

"Oks lang ako hahaha"sagot ko.

1 and a half hour din kaming nag perform dito sa L at umalis din kagaad. Akala ko dederetso kami sa bahay pero nag taka ako ng mag iba kami ng daan.

"Saan tayo?"tanong ko.

"We still need informations"sagot ni Calix na seryoso kaya tumango nalang ako.

NYF2: Fangirl inlove | ✓Where stories live. Discover now