Chapter 14

195 8 0
                                    

<Aziriel's POV>

"Aigoo cuz kakauwi lang nila :("salubong sakin ni Yeri sa hagdanan.

"Good."sagot ko.

Gahd, I don't know kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanila after that night.

"Ayiee nag seselos sya. Alam mo cuz nung pag pasok mo sa kwarto diba si Calix kasunod mo? Alam mo ba may liligawan sya :("

Hayst. I knew it, wala na talaga akong pag asa. Nginitian ko nalang si Yeri. "Good to know."

Nag simula na akong mag ayos at ganon din si Yeri. I don't know pero para akong nanlumo after kong malaman na may liligawan na si Calix.

"Uy Cuz, first day of school na sa Monday."

Natigil ako sa pag aayos ng buhok ng sinabi yun ni Yeri. "Eh?"

"Eh eh ka dyan. Wala pa tayong gamit!!" Maktol nya sakin.

I shrugged. "Problema ba yun? Edi bibili tayo mamaya."

Lumabas kami ng bahay. Pupunta kami ngayon sa company then after nun diretso kami sa L.

<TIME SKIP>

Mabilis lumipas ang oras at papunta na kami sa L. May sched kami ngayon e.

Dumating kami dun mga 2pm na. Kaylangan bago mag 6pm tapos na kami dahil mamimili pa kami ng gamit for school.

"Aga nyo ata?"salubong ni Neil samin.

"Ah, mamimili pa kasi kami mamaya e."sagot ko.

Tinangoan kami ni Neil at pinapasok na kami. Maya maya dumating na din yung iba. Napa tingin ako kay Calix na naka tingin din pala sakin— no. Nag aassume ka nanaman Azi. Tsk.

Iniwas ko tingin ko sa kanya at in-approach sina Krystal.

"Tara na. Nag mamadali kami ni Yeri eh."sabi ko at hinila na sila papuntang stage.

After namin kumanta, bumaba kami ng stage at naramdaman kong tumabi sakin si Calix. Tumayo ako at lumipat sa tabi ni Angella.

"After nyo aalis na kami."sabi ko at ngumiti ng bahagya kay Justine.

"Bakit?"- Kyle.

"Ah may gagawin pa kasi kami ni Yeri."

Tinanguan kami ni Jinrei at dumiretso na sila sa stage. Ang unfair, bakit pag kami kakanta kokonti lang yung pumapalakpak? Tss.

Wala pa sa kalagitnaan ng kanta nila e, nag paalam na ako. Gusto ko na umuwi, I don't know why. Maybe because nasasaktan ako everytime na nakikita ko si Calix at yung nangyari last night.

"Aga pa cuz!"sabi ni Yeri.

"I don't care. Tara na."

Hinila ko si Yeri papasok ng kotse at nag simulang mag maneho. Napa hinga ako ng malalim. Bat ganon? Hindi ma take ng puso ko na may liligawan na sya. Ang tanga tanga ko. Siguro hindi talaga kami yung mag kakatuluyan kaya ganito. Saklaf naman.

Napa kagat ako sa labi ko ng maramdaman kong nag iinit na mga mata ko. Shems di ako pwedeng umiyak! I should be happy kasi ako lang yung nag sa-suffer at hindi sya. He's now happy!

"Cuz.."

"Andito na tayo. Ano uunahin natin? Kakain muna or diretso na sa bookstore?" I said as I smile weakly.

"Cuz pwede naman bukas nalang tayo mamili kung hindi maayos pakiramdam mo eh."nag aalala nyang sabi.

"Nukaba! Ayos lang ako atsaka andito na tayo oh!" At bumaba ako ng sasakyan.

Be happy for him nalang Azi. Yan nalang ang magagawa mo ngayon.

Dumiretso kami ni Yeri sa bookstore dahil sabi nya para pag katapos diretso na sa kainan then sabay uwi nalang. Namili na kami ng mga gamit namin. Hindi naman kami nag tagal e. After nun kumain na kami sa Shift.

Lumabas na kami ng mall. "Hala cuz naulan. Shems diko napansin kanina. Iisa lang payong na dala ko. Mababasa pinamili natin."

Medyo malayo nga naman yung pinaradahan ko ng kotse. Kinuha ko yung pinamili namin at sinabihan sya. "Mauna ka na ikaw na gumamit ng payong susunod ako."

Hindi na sya nakipag sagutan at pumunta na. Okay Azi takbo in 3.. 2.. 1!

At ayon tumakbo ako. Naka rating ako sa kotse ng basang basa. "Dapat nag dadala ka lagi ng extra clothes dito sa kotse mo!" Sabi nya.

Hindi nalang ako umimik. Shit ang lamig. Naka ac pa naman 'to. Pinatay ko yun pero ang lamig pa din.

A/N: Aww may liligawan na si Calix :((

NYF2: Fangirl inlove | ✓Where stories live. Discover now