Chapter 23

160 5 0
                                    

HEY! Sorry for the super late update! Napaka hell month lang sakin ng August at naging busy ako. Then, now is our Golden Maknae's birthday kaya naman naisipan kong mag update kahit sabog pa ng utak ko.

****

Calix's POV

Tiningnan ko sila dad habang kumakain. Ito na Calix. Kaya mo yan. Huminga ako ng malalim at ibinaba ang kutsara ko.

"I'm leaving the company."

Napa tigil sa Dad sa pag kain at tiningnan ako. "Mwo?" (What?)

"Mianhae.. but I don't want to work there." Sagot ko.

Ibinaba ni Dad ang kutsara nya at tiningnan ako ng masama. "You can't leave the company!"

Tumayo ako. "Yes I can dad. And I will." Sagot ko at nag punas ng bibig gamit ng tissue at umalis sa kusina.

I don't want to work there anymore. Kung gusto nya ng mag hahandle nun, edi kay Daniel nya ibigay. Psh. Pumunta ako ng kwarto at humiga ng kama.

Bigla nalang ako napa ngiti. Sinagot na nya ako. Kami na.

Tiningnan ko ang relo at nakitang mag te-10pm na. Tulog na siguro ngayon Fangirl ko. Uhuh. I'm not kidding with that nickname/endearment. Haha ang cute kasi pang asar ko na din sa kanya yun.

Kinuha ko cellphone ko at nagulat ako ng may nakita akong text.

From: 09*********

Ali Building

-end-

Ano daw?

Bigla naman akong kinabahan. Takte! Tinawagan ko agad si Azi. Pucha bakit hindi sumasagot yun?! Aish! Lalo akong kinakabahan e.

Kanina.. nung may marinig kaming putok. Ewan ko kung guni guni ko lang ba yun pero may nakita akong lalaki na naka hood. Kanina pa ako kinakabahan pero isina-walang bahala ko lang yun cause I don't want to spoil the moment. Pero sh*t.

Tumayo agad ako at nag bihis. Saktong kinuha ko yung phone ko sa lamesa ko ng mag ring ito.

09726356123 calling..

Sino naman 'to? Iba sya sa nag text kanina. Sinagot ko.

"Hello?"

"Yah Calix-ah this is Yeri." sagot nya na medyo nanginginig ang boses. Lalo akong kinabahan. May nangyari ba? Sana naman wala.

"Oh wae?" I tried my best not to sound nervous.

"S..si Azi. N-nakidnap!" sagot nito. "Pumunta ka dito sa bahay andito na din yung iba!"

Awtomatikong pinatay ko yung tawag at nag bihis saka lumabas ng bahay. Damn. Ano nanaman 'to?

Sumakay ako ng kotse ko at mabilis itong pinatakbo papuntang bahay nila Azi. Ng maka rating ako sa kanila bumaba ako at agad akong sinalubong ni Bryan Hyung.

"Hyung anong nangyayari?!"taranta kong tanong.

Pumasok kami sa loob at nakita ko kung gaano ka alala silang lahat.

I know Azi can handle herself but fuck. She's still a girl! My girl!

"Look."sabi ni Kyle hyung at may ibinigay sakin na letter.

Umupo ako at kinuha yung letter na yun. Binuksan ko yun at binasa.

"Dear Mr. Jeon,

Hawak namin ngayon ang iyong pinaka mamahal na si Azi. Kung gusto mo pa syang mabuhay, pumunta ka sa address na sinend ko sayo."

"Shit" I silently hissed

Sino nanaman 'to? At anong kaylangan nila kay Azi?! Agad kong kinuha yung cellphone ko.

"May tinext sayo?"

"Oo"

Pinakita ko sa kanila yung tinext sakin ng kung sino mang walang hiya ang kumidnap sa girlfriend ko.

"Teka parang ang familiar ng place na yan— aha! Tama! Yan yung abandoned building sa tabi ng starbucks sa may company nyo" sambit ni Tyler hyung.

"Let's go"

Tumayo na ako at lumabas. Narinig ko pang nag talo sila dahil gustong sumama ng mga girls pero hindi sila pinayagan. In the end hindi na din sila sumama.

"Let's use my car" Jinrei hyung said kaya sumakay kami sa kotse nya at agad na syang nag maneho.

Damn. I'm coming, Azi. I'll save you. Hindi ako makapapayag na mag hihiwalay nanaman tayo. Kung sino man ang dumukot sayo. Believe me, hindi na yan sisikatan ng araw sakin.

***

NYF2: Fangirl inlove | ✓Where stories live. Discover now