Chapter 30

155 3 0
                                    

Azi's POV

"TWIN?!"

Sabay sabay naming tanong.

"Oo. I'm Queen. Quinn's twin.." sagot nya at yumuko. "Kung ang iniisip nyo ngayon na isa 'to sa mga tricks ni ate, nag kakamali kayo. I'm her twin. For real."sambit nya.

"Pero wala kaming nakita or nabasa na may kambal sya." sambit ni Justine.

Tumayo si Queen at ngumiti ng mapait saamin. "It's because hindi ako expose. Having Quinn in their life is already a mess kaya kung ieexpose pa daw ako lalong papangit ang image ng Heart. Yan ang sabi ni Lolo Liam kanila mama." Mahabang paliwanag nya.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Dahil base sa narinig ko kanila Kyle, Quinn is tricky so this might be one of her tricks.

Pero dahil sa paliwanag ni Queen mas tumaas yung paniniwalang kambal sila.

"Ako na yung mag sosorry para kay ate.. please wag nyo syang ipapakulong,"dugtong nya.

Tumingin ako kay Calix na walang ekspresyon at naka kapit sa kamay ko.

"Hindi sorry ang kaylangan namin. Kaylangan namin si Quinn. Ano bang kaylangan nya kay Azi?" matigas na sambit ni Calix.

"H-hindi ko alam.. hindi kami close ni ate.. h-hindi nga ata nya alam na may kakambal sya.."sagot nito.

"Sinont nag papunta sayo dito?" Tanong ni Tyler.

"W-Wala.."

"Kung hindi kayo close ni Quinn, pano mo nalaman na kinidnap nya ako?"tanong ko.

Diba? Kung hindi sila close pano nya nalaman?

"Lagi ko syang sinusundan. Simula ng mapatalsik sya sa Bangtan Village hindi ko na sya tinantanan. Alam ko lahat ng kinikilos nya. At nalaman kong kinidnap ka niya dahil naroon ako habang nag uusap kayo,"sagot nya.

Naramdaman ko na humigpit ang kapit saakin ni Calix. "Nandon ka naman pala pero wala kang ginawa para manlang pigilan si Quinn?!"

"I can't, okay?! Hindi nya alam na may kambal sya! Akala mo ganon lang kadali ang kausapin ang kambal mo na hindi ka man lang kilala simula mga bata kayo?! Oo! Gusto kong isalba noon si Azi pero hindi ko magawa!"sagot nya.

"Bakit?"

"Dahil may kasama sya non!"

Natigilan ako sa sinabi nya. May kasama si Quinn noon? So hindi lang si Quinn ang nag padukot sakin? May kasabwat sya? Sino naman?

Ahh fvck! Ang sakit sa utak!

"Ngayon all I want is you all to help me talk to my twin.."sambit ni Queen na yumuko.

"At bakit naman namin gagawin yon aber? Ni hindi nga namin alam kung kakampi ka ba namin o ano e," sabat ni Krystal.

"I already told you. Hindi ako kasabwat ni Quinn dahil hindi nya ako kilala. And wag kayong mag alala may kapalit ang hinihingi ko,"

Napa kunot ang noo ko. Ano namang kapalit?

"I'll give you Quinn's important informations,"

Daniel's POV

"Be ready for tomorrow. Darating si Mr. Heart. Mag uusap kayo tungkol sa buisness,"sambit ni Dad habang inaayos ang kanyang necktie.

"Okay,"walang gana kong sagot.

Ish. Bakit ba kasi sakin pinasa ang company. Ayoko nga ng business namin e. Tsk. Saka bukas?? Eh bukas ko pa naman plano bisitahin si Lette-lette. Simula nung bumalik sya dito at nag gala kami hindi pa ulit sya nag paparamdam. Nag aalala na ako.

"At ayusin mo 'yang sarili mo. Ayaw ni mr. Heart ng bastos,"sabi nya pa at lumabas na mg bahay.

Napa upo ako sa couch. Tch. Kahit naman ayusin ko ang sarili ko hindi naman nag babago ang tingin mo sakin.

Puro lang naman kasi si Calix ang napapansin nyo. Kung gaano sya ka-succesful at kung gaano sya katapang.

Kaya ito.. nasanay na akong makipag kumpetensya kay Calix. Lahat nalang sya ang tinitingala at minamahal. Tanggap ko naman e..

Pero pag dating kay Scarlette..

No. Makikipag patayan ako para sa kanya. I love her so damn much. Hindi ko sya isusuko kay Calix. She's mine. Only mine.

Aziriel's POV

Nandito na kami sa bahay. Hindi ako mapakali dahil sa usapan namin kanina.

*flashback*

Naka tingin lang ako kay Queen pag katapos nyang banggitin yung sinabi nya.

Ibibigay nya saamin ang mga importanteng informations ni Quinn? Is she serious?

"I'm damn serious gagawin ko lahat ng gusto nyo basta tulungan nyo lang ako maka usap ang kambal ko,"

I sighed. "Fine."

Nabigla ako ng yakapin nya ako at paulit ulit na binabanggit ang "thank you"

Wag kang mag pasalamat. I'm just doing this para malaman at makilala ko ng lubusan 'yang kambal mo.

*end of flashback*

Tama ba yung ginawa kong pag payag? Pano kung.. kung inutusan lang sya ni Quinn? Na kunin ang loob at trust namin para madali nya kaming maloko?

You all knows I have trust issues now. After ng kay Allison at kay Melody.. hindi ko na alam kung pano ulit mag titiwala sa iba. Except sa mga kaibigan, magulang at boyfriend ko syempre.

Pero para samin ni Calix, mag titiwala ako.

Sana lang tama na 'to.

NYF2: Fangirl inlove | ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz